Hello SEVEN

1.5K 37 0
                                    

Hello SEVEN

'Hindi ko pa nasabi sa kanila. Baka kasi hindi nila ako paniwalaan. Kagaya niyo, hindi rin kayo naniwala nung una.'

'So, anong gagawin mo ngayon? Hindi mo ba talaga ipapaalam sa kanila?'

'Ewan. Natatakot ako kasi baka kung anong isipin nila. Lalo na si Mommy, kilala niyo naman siya. Pinapangunahan lahat. Baka kung sabihin kong may kasama akong mga bata, iisipin niya mga anak ko sila, o hindi kaya nakabuntis ako noon noon pa o puwede ring isipin niyang kinidnap ko sila.'

'Oo nga pala, ang bilis mag hesterical ni tita. Siguro, maghintay ka na lang ng tamang tiyempo tapos i-kuwento mo sa kanila ng maayos.'  -Jeur

'Yun na nga. Pero kailan dadating yung tamang tiyempo nayan?'

Nagkibit-balikat lang yung dalawa.

Sigh.

'Huwag na nga lang muna natin yang problemahin. Problemahin nalang muna nating 'tong mga bata. Anong gagawin natin sa kanila?'  -ako

'Alam ko na! Itapon natin sila.' binatukan naman ni Jeur si Clark.

'Clark naman, wala ka talagang konsensya sa mga bata, ano? Tss. Aalagaan natin sila tulad ng napag-usapan.'  -Jeur

'Aalagaan natin sila, paano na yung pag-aaral natin?' saad ni Clark habang hinihimas yung ulo niya at habang nililigpit yung mga kinainan namin.

Tapos na nga pala kaming kumain. Yung mga bata ay nasa sala na at nanonood ng tv.

'Oo nga pala yung pag-aaral natin, hindi naman puwedeng umabsent na lang tayo palagi. Pero katulad nung kanina siguro puwede pa rin naman natin silang iwan dito sa bahay ko ng sila lang. Kaya naman ata nila.'

'Oo nga ano. Iwanan mo na lang sila palagi ng makakain para sa breakfast at lunch nila.' sabi naman ni Jeur habang pinupunasan yung mesa.

Ako naman yung naghuhugas ng pinggan tutal mga pinggan ko naman ito. Kahit mga lalaki kami, pagdating sa gawaing bahay mapagkakatiwalaan niyo kaming tatlo. Ano pang saysay ng paninirahan namin ng mag-isa kung hindi kami marunong sa mga gawaing bahay.

'Baka nga ganun na lang yung gagawin ko araw-araw. Pero siyempre tutulungan niyo rin ako diba?'

'Oo naman. What friends are for?' sabay akbay ni Jeur sa akin.

Napatingin naman kaming dalawa kay Clark. Hinihintay namin kung ano naman ang sasabihin niya.

'Ano pang magagawa ko? Kaibigan ko kayo kaya no choice ako kundi ang tulungan din kayo.' lumapit rin siya sa amin at nakiakbay na rin.

Aw, ang sweet namin no? Mainggit kayo.

'Ang corny natin. Nakaka-baduy. Anyways, sa sala na muna kami Exe para matapos mo na 'yang ginagawa mo.'  -Clark

'Mabuti pa nga. Kanina pa ako dito pero hindi pa rin ako tapos. Dami niyong sabi.'

Umalis na sila sa kusina at pumunta sa sala.



'EXEQUIEEEEEEEL!' narinig kong sigaw ni Jeur galing sa sala.

Maya-maya pay nandito na ulit siya sa kusina. Buti na lang at tapos na akong hugasan lahat ng mga pinggan. Ipinunas ko yung kamay ko sa apron sabay tingin kay Jeur.

'Oh? Ba't ka na naman sumisigaw?' tanong ko naman sa kanya sabay tanggal sa apron.


'May problema pa tayo.'

Problema na naman?  *face palm*

______________________________________

Edited: July 24, 2016

ENJOY READING.

HELLO DADDYWhere stories live. Discover now