Hello TWENTY-FIVE

678 26 5
                                    

(A/N: Photo at the top, you're hot and sexy Uncle Jeur.)

---------------------

HELLO TWENTY-FIVE


Bukod sa tutuluyan naming 'mansion' nandito kami ngayon sa isang cottage which is made of bamboo, nipa, and wood. Kung iniisip niyo ay isa itong normal na cottage na makikita niyo sa mga beach pwes hindi. Para din itong bahay. It's very cozy and very eco friendly. Ang sarap ilipat dun sa village namin.

Kumakain kami ngayon ng fruit salad ni Clark habang si Jeur naman ay nakahiga sa duyan.

'Hoy Jeur, kanina ka pa nakahiga diyan. Baka biglang bumigay yung duyan sayo. Maawa ka naman sa duyan, Jeur.' sabi ko sa kanya at biglang sabay naming tawa ni Clark.

Tinapunan kami ni Jeur ng buto ng pakwan na kanina niya pa iniipon.

'Kanina pa kayo a. Tigilan niyo na ako. Tss' hala nagalit na yung panget.

Alam naming kanina pa naiinis si Jeur. Magpapaturo kasi sina Gorby at Fern sa kanya nang paglalangoy pero sa kasamaang palad, hindi naman siya marunong lumangoy.

Isang buong pakwan na ata ang naubos niya at dalawang daang buto na ang naipon niya. Kanina pa siya nakatingin sa kawalan habang kumakain minsan naman sinasabunutan niya yung sarili niya sabay lingon sa amin ni Clark na may masamang tingin.

'Oo na, oo na. Bigyan mo naman kasi kami ng chance makahiga sa duyan no.' iisang duyan lang kasi ang meron dito. Kasya naman ang dalawang tao pero inako ni Jeur ang buong pwesto.

'Kasalanan niyo to e. Kasalan niyo.' tinapunan niya ulit kami ng mga buto pero sa ngayon ay maramihan na.

Ang sakit sa balat. Galit na galit na ata 'to si Jeur. Pero dahil wala kaming puso ni Clark, ayun pinagtatawanan pa rin namin siya.

'Malunok niyo sana yang hawak niyong kutsara!' inis niyang sambit at humiga ulit sa duyan.

'Mahulog ka sana diyan!' sambit ni Clark at tumawa ulit.

Ang totoong magkaibigan, nagbu-bullyhan. Bumalik na kami sa pagkain nang fruit salad.


'Uncle Jeur!'

Dahil sa pagkabigla sabay kaming nabilaukan ni Clark. Napabangon naman sa duyan si Jeur at dahil sa umuugoy ang duyan nawalan ng balanse si Jeur at nahulog.

Napalingon kaming tatlo sa direksyon ng sumigaw.

'Daddy, Uncle Clark, Uncle Jeur, okay lang po ba kayo?' si Gorby at Fern pala kasama si.

'Mukhang gulat na gulat ata kayo? Okay lang ba kayo? Jeur, okay ka lang ba? Ang sakit ata nung pagkahulog mo.' at si Snake.

'Okay lang kami. 'Wag kang masyadong concern.' sabi ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

Tumakbo papunta kay Jeur si Fern at Gorby.

'Uncle Jeur, let's go to the beach. Turuan mo na kami mag-swim.' saad ni Gorby.

'Yes, Uncle Jeur. I'm already excited. Let's swim na po.' saad din ni Fern habang hila-hila si Jeur sa kamay.

'A-Ah, yes. Let's go--- swim. He he' nauutal na sabi ni Jeur at naglakad na paalis ng cottage. Hila-hila pa rin siya ng dalawang bata. Nakasunod naman sa kanila si Snake. Naiwan nalang kaming dalawa ni Clark dito.

Sa hindi pinagplanuhang pagkakataon sabay kaming naglakad ni Clark at sumunod sa kanila. Dahil nahulog si Jeur kanina sa duyan, lalo kaming nag-alala ni Clark.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HELLO DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon