Hello EIGHT

1.6K 44 15
                                    

Hello EIGHT


Nasa mall kami ngayon. Napapunta kami AGAD-AGAD dito kasi dito namin makukuha yung solusyon sa problema namin.

Alam niyo kung ano yun? Malamang hindi diba?

Nandito lang naman kami para bumili ng mga damit nina Gorby at Fern.

Kanina lang namin napansin na ang suot suot nilang damit ay yung mga pinaglumaan ko ng mga damit which is sobrang laki para sa kanila. Dress na nga kung maituturing. AT ang masama pa dun ay wala silang suot-suot na undies.

Hindi naman puwedeng ipasuot ulit namin yung mga undies na suot nila kahapon.

Dahil dun kaya napasugod agad kaming lima dito sa mall. Kasama namin ang dalawang bata, siyempre kasama sila para masukat ng tama sa kanila ang mga bibilhing damit. At suot-suot pa rin nila yung mga damit ko atleast hindi makikita ng mga tao yung mga 'alam na' dahil sa malaki nga yung damit. Buhat-buhat namin sila ngayon siyempre para hindi naman nakakahiya.

Naka-caps din kaming tatlo para naman maitago namin yung mga sarili namin. Baka makita pa kami ng mga schoolmates namin dito tapos tatanungin nila kami kung sino 'tong mga batang kasama namin. Sasabihin pa nilang mga anak namin 'to kahit hindi naman, alam niyo namang iba na ang nasa utak ng mga tao ngayon.

Nasa department store na kami at nasa part kung saan nandoon ang mga childrens clothes.

First stop namin ay sa mga undies. Mas importanteng unahin ang mga iyon ngayon.

'Clark, pumili ka na ng briefs diyan para kay Gorby atsaka panties para naman kay Fern. Bayaran mo na rin agad para maisuot na nila.' mahinang sabi ni Jeur habang palingon-lingon sa paligid namin.

'Bakit ako?' pabulong ding sabi ni Clark pero medyo galit.

'Tingnan mo nga. Buhat-buhat namin ang mga bata o!' pabulong sambit ulit ni Jeur.

'Kung ibaba niyo na lang kaya muna sila? Diba? Diba? Tss.' naiinis na sambit ni Clark.

'Huwag na nga kayong mag-away pa diyan. Bilisan mo na lang Clark, pumila ka na.' mahina ko ring sabi sa kanila.

'Ako na lang palagi. Tss' pagpasensyahan niyo na lang po si Clark. May pagka tamad e.

Namili na nga si Clark ng mga briefs at panties. Tig-sasampu yung binili niya at may iba-iba pang kulay at designs. 

Binayaran na rin niya yung pinamili niya. Nung una ay nahihiya pa siyang bayaran iyon kasi raw ang daming babaeng titingin sa kanya kapag pupunta siya sa counter. Baka raw magtaka ito kung bakit bumibili siya ng mga undies na pang bata. Pero dahil sa lakas ng powers namin ni Jeur kaya naitulak namin siya ng malakas papunta sa counter. No choice na siya kaya nabayaran niya din kalaunan. Tawa na lang kami ng tawa ni Jeur habang nagtatago dito sa gilid.

(A/N: Clarks picture at the top.)


'Oh ayan.' itinapon naman ni Clark sa dibdib ni Jeur yung pinamili niyang undies.

Habang kami naman ni Jeur tawa pa rin ng tawa. Kung nakita niyo lang kasi sana si Clark kanina malamang mapapatawa rin kayo kagaya nito: 'BWAHAHAHA!'

Imbes kasi na cheeks yung mamula dahil sa kahihiyan, yung tenga niya pa ang namumula.

'Sige, tawa pa. Ha-ha. Nakakatawa. Tss' 

Tawa parin kami ng tawa ni Jeur hanggang sa napagod na kami at huminto.

'Sige na, tama na nga. Pasuotin na natin ng undies sina Gorby at Fern. Nakakaawa na yung dalawa.' saad ko.

HELLO DADDYWhere stories live. Discover now