Kabanata 27: Who Is Blue?

56 9 0
                                    

KABANATA 27—Who Is Blue?


"ANAK, SALAMAT naman at lumaban ka. Salamat sa Diyos at pinakinggan Niya ang mga dasal ko." bungad sa akin ni mama nang makapasok siya sa kuwarto ko matapos akong i-check nung doktor ko.

"M-Ma... saglit lang po. Hindi po ako makahinga." nahihirapang sabi ko habang yakap-yakap ako ng mahigpit ni mama.

"Oh, I'm sorry. Na-miss lang talaga kita." sabi niya at kita ko nga sa mga mata niya na masaya talaga siya.

"N-Na...miss niyo po ako?" hindi ko makapaniwalang tanong. Tama ba yung narinig ko? Na-miss niya talaga ako? "H-Hindi ka na po ba galit sa akin?" kinakabahang tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" naka-ngiting tanong ni mama. "'Di ba, nag-sorry ka na sa akin? Kaya ano pa ang dahilan para magalit ako sa 'yo?"

Dahil sa huli niyang sinabi, napakunot ako ng aking noo. Nag-sorry na ako sa kanya? Kailan? Paano?Itatanong ko na sana yung mga nasa isip ko nang bigla na namang bumukas ang pintuan at iniluwa na nito sina ate Peach, Orange, at... si Red. Bigla tuloy akong na-guilty nang maalala ko ang itsura niya nung araw na nakipaghiwalay ako sa kanya.

"Creamy! My little sister!" halos mangiyak-ngiyak na sigaw ni ate sabay takbo palapit sa akin. "Akala ko isang taon pa bago ka gumising, e! Pinakaba mo ko—kaming lahat." dugtong pa niya sabay yakap din sa akin ng mahigpit.

"A-Ate Peach?" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" tugon niya.

"H-Hindi ka na rin galit sa akin?" kinakabahan na tanong ko ulit.

"Huh? What do you mean?"

"'Di ba—"

"Um... Babe, mukhang kailangan pa atang magpahinga nitong si Creamy kaya bukas na lang natin siya kausapin." mahinahong sabi ni Red kay ate Peach.

"Babe?!" gulat na tanong ko. "T-Tinawag mong 'babe' si ate Peach? OMG! So, you mean... kayo na ulit?!"

Kita ko ang pamumula ni ate Peach kaya mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko.

"At salamat sa 'yo, sis." nakangiting sabi ni ate.

"No, ate. Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin dahil alam kong ako pa rin ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay. Kaya sobrang saya ko na nagkabalikan na rin kayo sa waka. I'm so happy to the both of you!" masayang sabi ko.

"Grabe! Hindi mo man lang ba ako papansinin?" sabay-sabay kaming napatingin kay Orange nang magsalita siya.

"OMG! My best friend forever!" sigaw ko sa kanya at lumapit naman siya para yakapin ako. "Na-miss kita! Super!" dugtong ko pa.

"Na-miss din kita, 'kala mo ikaw lang." masayang sabi ni Orange.

"O siya, maiwan ko muna kayong apat dito, ah. Peach and Red take in charge kay Creamy, okay?" pagsasalita ni mama.

"Saan ka pupunta, 'ma? At si papa nga pala, nasaan? Galit pa rin ba siya sa akin hanggang ngayon?" malungkot na tanong ko.

"Do'n nga ko pupunta sa papa mo. Nasa opisina kasi siya ng doktor mo at may pinag-uusapan lang sila tungkol sa sunod na gagawin sa 'yo." sagot ni mama. "At Creamy, napatawad ka na rin ng papa mo... matagal na. Kaya wala ka ng dapat na ipag-alala pa."

Awtomatiko akong napangiti dahil sa huling sinabi ni mama.

"Sige na, mauna na ako—" napatigil si mama nang buksan niya ang pinto dahil sa isang lalaking nakatayo roon. Medyo nakatago siya kaya hindi ko maaninag ang itsura niya. "O, Blue hijo, nandito ka na rin pala." rinig kong sabi ni mama do'n sa lalaki. Blue?

Seven DaysWhere stories live. Discover now