Kabanata 21: Goodbye

60 12 0
                                    

KABANATA 21—Goodbye

HANGGANG SA makarating kami sa unit niya ay walang nagsasalita. Nakakabingi tuloy ang katahimikan na bumalot sa amin. Hindi ako sanay at sigurado akong gano'n din naman siya.

"Um... about sa nangyari kanina—"

Hindi pa ko handa na pag-usapan ang tungkol sa nangyari kanina kaya hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Ako mismo kasi ang nahihiya sa ginawa ko kanina. Hindi ko na-imagined na kaya ko palang makipag-halikan ng gano'n. Nagulat lang ako.

"'Wag na muna nating pag-usapan ang bagay na 'yon."

"A-ah, s-sige."

Muli na naman kaming nabalot ng isang matinding katahimikan. Dahil doon, bigla akong napatingin sa wall clock. 9PM na pala. May dalawang oras pa ko para makapagpaalam sa kanya. Pasado alas onse kasi ang usapan namin ni Goddess M.

"Nga pala, may importante kang sasabihin sa akin, 'di ba?" muli akong napalingon sa gawi ni Blue dahil sa tanong niya.

'Wag muna ngayon, Blue... Hindi pa kasi ako handa.

"Ah, sige. May kukunin lang ako sa kuwarto ko." mahinang sabi ko.

"Okay. Hihintayin na lang kita dito."

"Hindi na. I mean, hindi ka pa ba magpapalit ng damit mo? Makakapaghintay naman ako, e."

"O sige, maliligo na lang muna ako saglit."

Pagkapasok niya sa kuwarto niya, pumasok na rin ako. At unang tumambad sa akin ay yung maliit na kahon na naglalaman ng mga sulat na ginawa ko para sa mga taong maiiwan ko. Hindi ko na naman napigilang hindi maiyak. Parang katulad lang kagabi habang ginagawa ko ang mga sulat... todo iyak ako.

Isa-isa kong inilabas ang mga sulat na nasa loob ng kahon. Mga sulat na para kila ate Peach, mama at papa, Orange, tita Maris, Red, at syempre, para kay Blue. Muli ko na itong ibinalik sa loob ng kahon saka binitbit palabas. Rinig ko pa ang pagbuhos ng tubig na paniguradong mula sa shower ni Blue. Mabuti naman at hindi pa siya tapos maligo. Hindi ko kasi talaga kayang magpaalam ng harap-harapan sa kanya. Hindi ko kayang masaksihan ang pagbagsak ng mga luha niya nang dahil sa akin.

Umupo ako sa kama ni Blue at dahan-dahang inilapag sa may side table niya ang maliit na kahon na hawak ko. Pagkatapos maingat kong kinuha ang stick note pad at ballpen niya mula sa kanyang drawer. Alam kong mali ang gagawin kong 'to pero ito na lang talaga ang naiisip kong paraan para naman kahit papaano ay mabawasan ang sakit na mararamdaman niya sa gagawin kong pagpapaalam. Sana talaga mabawasan...

"Paano ko ba 'to sisimulan?" tanong ko sa sarili habang iniisip kung paano ko ba sisimulan ang isusulat ko sa sticky note.

Makalipas ang limang minuto, idinikit ko na yung sticky note sa ibabaw ng kahon. Pagkatapos marahan kong pinunasan ang mga luhang nangilid sa mata ko.

"Thank you sa lahat-lahat, Blue..."

"...and goodbye,"

"BUO NA ba 'yang desisyon mo, Creamy?"

Bungad na tanong sa akin ni Goddess M nang makapunta ako sa rooftop ng ospital kung saan ako naka-confined. Dito niya kasi napiling makipagkita ngayon.

"Do I have a choice, Goddess M?" malungkot na tanong ko.

"Creamy..."

"Goddess M, may isa lang pala akong hihilingin."

"Ano 'yon?"

"Puwede bang makita ko kahit sa huling pagkakataon ang pamilya ko?"

"Oo naman. Tamang-tama at kumpleto sila ngayon sa ibaba."

"T-talaga?"

Nang tumango si Goddess M bilang tugon, wala na kong sinayang pa na oras at dali-dali na kong nag-teleport papunta sa kuwarto kung nasaan ang katawang lupa at pamilya ko.

"—Creamy... k-kailan ka ba magigising? We missed you so much na." si mama ang nagsasalita nang makarating ako sa kuwarto ko.

At tama nga si Goddess M na nandito sila lahat. Na hindi ko naman alam kung bakit.

"Mami-miss ko kayong lahat." panimula ko. "Alam kong nasabi ko na ito sa inyo pero gusto ko pa rin talagang mag-sorry sa lahat ng nagawa ko. At syempre, magpasalamat dahil hanggang sa huli ay hindi niyo pa rin ako iniwan. Nasa tabi ko pa rin kayo. Nakakalungkot nga lang dahil mukhang masasayang ang paghihintay niyo. I'm sorry sa inyong lahat dahil tuluyan ko na talaga kayong iiwan. I'm sorry ate Peach, mama, papa, tita Maris, at Orange. I-I'm really sorry..."

"Ano, Creamy? Handa ka na ba—"

Naputol ang sasabihin ni Goddess M sa akin dahil sa biglaang pagpasok nang isang lalaki sa kuwarto ko.

"O, Brown? Bakit pawis na pawis ka?" nag-aalalang tanong ni Orange do'n sa lalaki.

Ah, ito pala yung sinasabi niyang Brown. Masaya ako para sa 'yo, Orange. Mabuti naman at nahanap mo na ang lalaking magmamahal sa 'yo.

"Orange... si Red..."

Muli akong napalingon kay Brown nang banggitin niya ang pangalan ni Red. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan dahil mukhang may hindi magandang nangyari sa kanya.

"A-ano ng nangyari sa boyfriend ng anak ko?" si mama naman ang nagtanong.

"Tita... he's awake na po. Lumaban po si Red."

Pansamantalang huminto ang pag-pintig ng puso ko dahil sa sinabi ni Brown. Tama ba yung narinig ko? He's awake? B-buhay na si Red? Pero paanong—

Paglingon ko kay Goddess M, nakangiti siya sa akin. At sa muling pagkakataon, hinawakan niya kong muli at may kakaibang liwanag na naman na bumalot sa aming dalawa.

"YOU SHOULD be happy, Creamy, dahil binigyan ka muli ni Goddess Sol ng pagkakataong mabuhay muli."

"A-anong ibig niyong sabihin, Goddess M?"

"Nasaksihan ni Goddess Sol ang pagbabago mo at natutuwa siya dahil do'n. You learned your lesson. Sinubukan ka lang niya talaga kung hanggang sa huli ba ay mapapatunayan mong may mabuti ka ng kalooban. At napatunayan mo nga 'yon nang piliin mong i-sakripisyo ang sarili mong buhay para sa iba."

"I-Ibig ba sabihin ay mabubuhay na kong muli?"

"Oo. May chance ka na ulit na mabuhay muli. Pero may napakahirap ulit na desisyon ang kailangan mong gawin bago ka na tuluyang makabalik sa katawang lupa mo."

"Ano naman 'yon?"

"Kailangan mo lang namang mamili:ang pamilya mo... o si Blue."

Seven DaysWhere stories live. Discover now