Kabanata 6: The First Encounter

151 43 11
                                    

KABANATA 6—The First Encounter


DAHAN-DAHAN kong minulat ang aking mga mata. Pagkamulat, agad kong nilibot ang aking mga mata sa paligid. At nagtataka ako nang puro blue ang nakita ko—mula sa wallpaper ng dingding, sa mga paintings na nakasabit, pati na sa mga kulay ng unan at bedsheet, lahat kulay blue. In fairness, hindi naman masakit sa mata ang pagkaka-blue nung kulay. Medyo light lang kasi ito.

Pag-upo ko, doon ko lang napagtanto kung nasaan pala ako ngayon. Nandito ata ako ngayon sa lalaking makakatulong sa misyon ko.

Dahan-dahan na kong tumayo pagkatapos tumagos sa may pintuan. Katulad ng kuwartong pinanggalingan ko kanina, halos kulay asul din ang makikitang kulay sa may sala niya. So, hindi naman halata na fan siya ng color blue, 'no?

"Nasaan na kaya yung lalaking 'yon?" tanong ko sa sarili.

Napansin kong may kalakihan din ang condo unit niya. Malaki ang espasyo sa sala. Naglakad naman ako papunta sa parang kusina niya at natuwa ako na malaki rin ito at sobrang linis. Actually, hindi mo talaga aakalaing lalaki ang nakatira dito dahil sa sobrang linis at organized. Baka naman kasi hindi talaga siya lalaki?

Umupo muna ako sa isa sa mga upuan sa kusina at inalala ko ang itsura niya. Naalala ko kasi kagabi bago ako mahimatay (na hindi ko naman alam kung bakit) ay nagkatitigan pa kami. Pero ngayon, hindi ko masyadong maalala ang itsura niya.

Habang iniisip ko ang itsura niya, napatingin ako sa kuwartong pinanggalingan ko kanina at saka ko lang napansin na may isa pa yatang kuwarto sa tapat nito. May pintuan pa kasi. Dahil sa curiosity ko, tumayo ako at pinuntahan ang pintuang 'yon.

"Wala naman sigurong masama kung papasok ako, 'di ba?" habang sinasabi ko 'yon dahan-dahan na kong tumagos. "Argh!" sigaw ko. Sa 'di kasi malamang dahilan, unang beses na hindi ako lubusang nakatagos. Parang may kung ano na pumupigil sa akin. Nakaramdam din ako ng kaunting sakit sa katawan.

"Gising ka na pala?"

Dali-dali kong tinapunan ng tingin yung nagsalita mula sa likuran ko. Sobrang cold ng boses niya at walang ka-emo-emosyon.

"Um... hi?" awkward na sabi ko sabay tayo.

"Mukhang ayos ka naman na kaya makakaalis ka na."

Literal akong napanganga dahil sa sinabi niya.

"A-ano?"

"Hindi mo ba narinig? O hindi mo naintindihan?"

"Teka lang naman. Bakit ba ang sungit mo?"

"Wala akong panahon na makipagbiruan sa 'yo. Hindi ko alam kung paano ka nakapasok dito pero oras na para umalis ka."

Tsk. Itong lalaking 'to, namumuro na sa akin, ah. Pasalamat siya at may kailangan ako sa kanya kundi kanina ko pa sinipa ang family jewel niya. Kaasar, e!

"Puwede bang pakinggan mo muna ako kung bakit—"

"Hindi puwede."

"Bakit naman?"

"Ayaw ko, e."

"Ano, gano'n lang 'yon?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, tinalukaran niya lang ako. Aba't ang bastos talaga ng lalaking 'to, ah!

"Uy, ano ba! Pakinggan mo muna yung sasabihin ko, o." sabi ko habang sinusundan siya.

"Hindi mo ba maintindihan na ayaw ko nga. Saka ano bang makukuha ko kapag pinakinggan ko 'yang sasabihin mo, ha?"

Seven DaysWhere stories live. Discover now