Kabanata 23: Battle of the Exes

53 9 0
                                    

KABANATA 23—Battle of the Exes


HINDI AKO makapaniwala nang masigurado kong nakikita pa rin nga ako ni Red. At mas lalong hindi ako makapaniwala nang hindi nabura sa alaala niya ang panahong naging isang ligaw na kaluluwa rin siya tulad ko.

"—grabe, akala ko panaginip ko lang ang lahat ng iyon. Hindi ko naman kasi inakala na mararanasan ko ang lahat ng iyon." pagpapatuloy niya sa pagku-kuwento. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Masaya ako na makita siyang masaya ngayon. Wala tuloy akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko.

"T-teka... matanong ko lang, kailan ka naman makakabalik sa katawan mo?" yung ngiti ko kanina ay napalitan ng kalungkutan. Kailan nga ba?

"Um... puwede ka ng lumabas, 'di ba? Gusto mo igala kita sa labas tapos gumamit na lang tayo ng wheel chair?" pag-iiba ko ng usapan.

"Creamy..."

"Bakit? Bawal pa ba? Pero magaling ka naman n—"

"Kaming dalawa lang ni Blue ang nakakakita sa 'yo, 'di ba? So, baka magulat na lang yung mga tao kapag nakita nilang may nagtutulak sa wheel chair ko kahit wala namang tao."

"Red, seriously? 'Yan lang ba ang problema mo?"

"Bakit? Tama naman ako, ah."

"Yeah, wala naman akong sinabing mali ka, e. Pero sana naisip mo na hindi naman talaga ako ang magtutulak sa 'yo kundi ikaw mismo. Duh!"

"Aba!"

"O, bakit? Ikaw kasi, e. Ang guwapo mo nga, tanga ka naman—"

Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil natamaan ako ng ibato niya ang unan malapit sa kanya. Pagkatapos, sabay na lang kaming natawa.

"I miss you, Creamy. I mean—"

"I miss you too, Red."

"Excuse me po, sir Red?"

Sabay kaming napalingon sa may pintuan kung saan may biglang nagsalita. Yung nurse pala ata ni Red.

"Ayos lang po ba kayo? Para kasing may narinig akong kausap niyo?" nag-aalangang tanong nung nurse.

Bago sumagot ay napalingon pa sa akin si Red sabay pinandilatan ako ng mata. "Ah, wala. Baka ako lang yung naririnig mo. Mahilig kasi akong mag-self talk kung hindi mo natatanong."

"Self talk? Mukha mo, Pula! Wala ka ng maloloko dito hahaha."

"Ah, gano'n po ba? Sige po, maiiwan ko na po kayo ulit."

"Ay, teka lang nurse!"

"Yes po, sir? May kailangan pa po ba kayo?"

"Ah, oo sana. Puwede ba kong mag-request ng wheel chair? Gusto ko lang kasi sanang magpahangin saglit sa labas."

"Ah, k-kasi sir..."

"Don't worry, may permission ako from my mom."

"Sige po, ipapadala ko na lang po."

"Good. Thank you."

Paglabas nung nurse, mabilis kong ibinato pabalik sa kanya yung unan. "Taray naman. The perks of being Del Valle, huh." pang-aasar ko.

"Shut up, Cortez!" pang-aasar niya rin pabalik.

Halos pitong minuto rin ang lumipas bago madala yung wheel chair na ni-request ni Red. Sa totoo lang, kaya naman na niyang maglakad pero dahil papagalitan siya ni tita Reese, no choice kami kundi gumamit muna ng wheel chair. Knowing tita Reese na sobrang over-protective pagdating sa kanyang unico hijo.

"Nag-away ba kayo?" biglang tanong ni Red sa akin pagpindot ko ng ground floor button sa elevator.

"Sino? Si Blue? Hindi, ah! Bakit naman kami mag-aaway nun?" dire-diretsong sabi ko sabay peke ng tawa.

"Anong naman ngayon ang pinag-awayan niyo?"

"Hindi nga kami nag-away."

"Talaga ba? E, bakit ako ang kasama mo ngayon at hindi siya?"

"Red..."

"C'mon, Creamy. Tanggap ko naman na na hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. Pero sana naman alagaan mo 'yang puso mo."

"Red naman—"

"Isa pa, 'wag na 'wag kang magkakamali na gawin akong rebound dahil kapag nangyari 'yon, hinding-hindi na kita ulit papakawalan."

"Ewan ko sa 'yo, Red. Hindi ka pa rin talaga nagbabago."

"Ikaw lang naman yung nagbago, e. Ay, mali. Feelings mo lang pala yung nagbago."

"Red..."

"Joke lang. I just want to make you smile. Hindi na kasi ako sanay na makita ang isang malungkot na Creamy, e."

And by that, automatic akong napangiti. Kahit kailan talaga, hindi nahirapan si Red na pangitiin ako.

"So, care to explain kung bakit nga kayo magkaaway ni Blue?"

"Hindi nga kami—"

"Oh, mukhang alam ko na yung reason kung bakit."

Sinundan ko ng tingin yung tinitignan ni Red at nakita ko na naman si Blue at yung Alexa na magkasama na kakalabas lang sa Starbucks na nasa tapat ng ospital.

Nagawa pa talaga nilang mag-coffee, huh.

"T-teka... si Alexa ba yung kasama niya?"

"Do you know her?"

"Oo naman. She's my cousin at kakabisita niya lang sa akin kanina. You know, bago ka sumulpot sa kuwarto ko."

"P-pinsan mo siya?"

"Oo nga. Anak siya ng kapatid ni mommy, si tita Gaile."

Small world, huh.

Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko, hindi ko na namalayan na papalapit na pala sila at bago pa ko makatakbo palayo ay nasa harapan ko na sina Blue at Alexa.

"O, Alexa? I thought umuwi ka na. Saka... magkakilala pala kayo nitong si Blue?" pagsasalita ni Red.

Napatingin naman ako kay Blue na ang talim ng pagtitig sa akin. Hindi naman ako nagpatalo at mas nilaliman ko pa ang pagtitig sa kanya. "And what do you think are you are doing?" mahinang tanong niya sa akin. Nagkibit-balikat lang ako bilang tugon.

"Wait—kuya Red, magkakilala kayo ni Blue? Paano?"

"'Wag mong ibahin ang usapan, Alexa. I'm asking you kung paano kayo nagkakilala nitong si Blue."

"We're just friends, bro—"

"He's my ex-boyfriend, kuya Red."

So, tama nga pala talaga yung narinig ko kanina? They had a past, huh.

Hindi ko na hinintay pang magsalita si Blue at nagmamadali na akong tumakbo palayo. Narinig ko pang tinawag nila Red at Blue ang pangalan ko pero hindi na ako nag-abala pang lingunin sila. Bakit ba kasi gan'to ang nararamdaman ko? Wala namang kami, ah.

Isa pa, katulad ng sinabi nung Alexa, mag-ex na sila. Meaning, past na. Tapos na at wala na. Argh! Bakit ko ba sila iniisip? Pake ko ba, 'di ba?!

Seven DaysWhere stories live. Discover now