Kabanata 11: Sticky Note

110 42 12
                                    

KABANATA 11—Sticky Note



"CREAMY, HINDI ako kumakain ng masyadong chichirya. Tumigil ka nga sa paglalagay." naiinis na bulong sa akin ni Blue.

Paano nandito kami ngayon sa isang grocery store kaya hindi niya ko masigawan at sobrang baba lang ng boses niya dahil sa mga taong nakapaligid sa amin. Tapos, lahat pa ng nilalagay kong chichirya sa cart niya ibinabalik niya agad kaya pinagtitinginan siya nung mga tao sa paligid.

"Babayaran naman kita kapag nakabalik na ako sa katawan ko. Gusto mo, gawin ko pang triple e."

"Wow naman. Mukhang ang yabang ng soon-to-be CEO ng Cortezian Scent, ah."

"Shut up!" sabi ko at muling naglagay ng mga chichirya sa cart niya. Naglalagay lang naman ako kapag walang nakatingin para naman safe pa rin 'tong si Blue.

At dahil mukhang nakulitan na siya sa akin, wala na siyang nagawa pa kundi hayaan na lang ako. Na-miss ko kasi talaga ang pagkain ng chichirya, e. Isa kasi 'to sa way ko para matanggal yung stress ko.

"2,875.75 pesos po, sir."

Parehas kaming nagulat sa babayaran niya. "Sorry, hehe." nakangiting sabi ko.

Ang sama naman ng tingin niya sa akin habang binibigay niya yung pera sa cashier.

"Next time, hindi na kita isasama kapag nag-grocery ako. 'Yong one thousand na budget ko, d-um-oble. Imagine, dahil lang sa mga chichirya mo."

"Babayaran naman kita, e. Sabi ko pa nga triple, 'di ba? O sige, pahingi ako papel."

"At ano naman ang gagawin mo sa papel?"

"Basta, pahingi."

Pagkatapos niya kong bigyan ng sticky note agad ko itong sinulatan at ibinigay sa kanya.

"Ano naman 'to?"

"Basahin mo kaya, puwede?"

"This is the proof that I, Creamy Cortez, is need to pay Blue Cortez a three thousand peso cash once I wake up from a comatose. Signed... Creamy Cortez."

"O, 'di ba? May kasulatan na tayo kaya 'wag ka ng mag-alala, huh? May pirma ko pa 'yan para sure."

"Psh. You're crazy. Pero sige, itatago ko 'to." sabi niya at inilagay na niya sa wallet yung sticky note.


KAKAUWI LANG namin galing sa grocery store nang magpaalam siya sa akin na may pupuntahan lang daw siya saglit.

"Basta 'wagmo na akong hintaying umuwi, huh? Baka kasi gabihin na ko."

"Saan ka naman kasi pupunta?"

"Rule number four, remember?"

"Yeah, whatever." sabi ko na lang at papasok na sana sa kuwarto nang bigla siyang magsalita.

"'Wag kang mag-alala, hindi naman ako mambababae."

"Wala naman akong paki kahit minu-minuto ka pang mambabae, 'no!" pasigaw na sabi ko at tuluyan na kong pumasok sa loob.

Kakahiga ko pa lang nang may marinig ako.

"Ang baliw talaga nung multong 'yon."

At doon ko lang na-realize na nakasuot pa rin pala sa mga tainga namin yung ear pod. Napangisi naman ako sa naisip kong plano.


KANINA KO pa gustong alisin yung ear pod sa tainga ko dahil nako-konsensya na ko. Dahil kasi dito, may isang sikreto akong nalaman tungkol kay Blue—tungkol sa past niya. At kanina ko pa rin siya gustong puntahan sa kung saan para samahan.

Seven DaysWhere stories live. Discover now