Simula

436 51 4
                                    

SIMULA


FOR THE past twenty years of my life, pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako. Pakiramdam ko ay walang may pakialam sa akin, walang umiintindi sa akin at lalong walang nagmamahal sa akin. Sabihin na lang natin na ako kasi ang isa sa mga halimbawa na may literal na magulong pamumuhay, lalo't na kung ito ay usaping pamilya at love life. Magkagalit kami ng ate ko, hindi maganda ang relasyon ko kay papa kaya naman naapektuhan ang samahan namin ni mama, at nagkakalabuan pa kami ng boyfriend ko. Sa tingin ko nga, may malaki akong nagawang kasalanan no'ng past life ko kaya ako ang nakakaranas ng mga gano'ng bagay sa buhay ko. For me, since then my life was full of miserable things. Lalo na no'ng may nangyaring hindi maganda sa akin. I was involved in a car accident. At ang sa tingin kong magulo kong pamumuhay ay mas lalo pang gumulo nang dahil do'n.

And because of that accident, unexpectedly, I became a soul—a lost soul. At sa pagiging kaluluwa ko, nakilala ko si Goddess Muoltho o Goddess M—the Goddess of Lost Souls—ang bukod tanging makakatulong sa akin upang mabuhay akong muli at makabalik sa katawanko. Isang misyon ang kailangan kong maisakatuparan. Misyon kung saan mababago ang aking pananaw sa buhay. Misyon kung saan matututunan ko ang aking mga kamalian sa buhay. At misyong makakapagpabalik sa akin sa katawanko.

And by that, I will meet the guy named Blue. The guy that will help me to complete my mission. Si Blue Gonzales ang natatanging taong nakakakita at nakakahawak sa akin, kaya siya lamang ang natatanging makakatulong upang maisakatuparan ang misyong ibinigay sa akin ni Goddess M.


THIRTY DAYS. Goddess M only give me thirty days to fulfill my mission. Sa pagkakataong 'yon, confident pa ako na magagawa ko ang aking misyon pero nagkamali pala ako. Dahil sa paghahanap ko pa langsa lalaking nagngangalang Blue ay halos maubos na ang oras ko. Halos abutin ako ng dalawang linggo bago ko natagpuan si Blue.

FIFTEEN DAYS. Labin-limang araw na lang ang natitira sa akin. Sa mga oras na 'yon, pinaghihinaan na ako ng loob. Hindi ko naman kasi akalain na hindi pala madaling pakiusapan ang nasabing bukod tanging lalaking makakatulong sa akin. Hindi ko naman kasi akalain na halos parehas lang pala kaming dalawa ng pananaw sa buhay. Parehas lang pala kami na may galit din sa mundo.

TEN DAYS. Sampung araw na lang ang natitira at sa wakas, nakumbinsi ko na rin si Blue na tulungan ako. Dahil do'n, naging worth it sa akin ang halos segu-segundo, minu-minuto, oras-oras, at araw-araw na pagsunod sa binata. Halos tatlong araw din kaming nagplano kung paano namin gagawin ang aming misyon. Tatlong araw na puno ng bangayan at asaran.

SEVEN DAYS. Sa huling pitong araw na ibinigay ni Goddess M sa amin para ro'n sa misyon, saka lamang kami nagsimula.

In just seven days, magtagumpay pa kaya kami ni Blue sa misyon namin? E, paano kung sa kalagitnaan ng pagsasagawa namin ng aming misyon ay hindi namin inaasahan ang mamumuong pagmamahalan sa pagitan namin. Tuluyan na nga kaya akong makabalik sa aking katawan kahit na may pag-ibig na nanagiging hadlang upang maisakatuparan namin ang aming misyon? O mabigo kami...ako?

Seven DaysWhere stories live. Discover now