Kabanata 16: Red Bracelet

124 41 2
                                    

KABANATA 16—Red Bracelet


EVERY TIME na may problema ako sa bahay at wala na talaga akong mapaglabasan ng sama ng loob na kinikimkim ko. Hindi na talaga ako nagda-dalawang-isip pa na pumunta sa resort ng tita Maris ko. Kahit medyo malayo 'to mula sa Manila, wala akong pakialam. Alam ko naman kasing magiging worth it ang biyahe ko kapag nakita at nakausap ko na si tita Maris.Noon kasi, siya lang ang sa tingin ko ang lubusang nakakaunawa sa akin. Lubusang nakakaintindi sa mga nararamdaman ko.

Matapos mag-check in ni Blue, wala na kaming sinayang pa na oras at nagpunta na kami sa opisina ni tita Maris. Habang si Orange naman ay nauna na sa kuwarto namin at si Enzo, maglalakad-lakad daw muna.

"Good afternoon po, Miss Sy. I'm Blue Gonzales po, Creamy's friend."

"O, hijo! Ikaw pala yung kinu-kuwento nila ate sa akin. Call me tita Maris na lang, tutal kaibigan ka naman ng pamangkin ko."

"Ah, sige po."

"Siguro po alam niyo na kung bakit po ako nandito? Gusto po kasi kayong makausap ni Creamy."

"'Yon nga. Dumalaw ako sa ospital kahapon at nai-kuwento nga nila ate sa akin na may lalaki raw na nakakakita at nakakausap sa kaluluwa ng pamangkin ko. Um... ngayon, kasama ba natin siya?"

"Opo. Katabi ko po siya ngayon."

"Hi, tita Maris!" kahit alam kong malabo niya kong makita, kumaway pa rin ako at nag-hi sa kanya. Natutuwa ako na nagkita ulit kami ni tita matapos ang ilang linggo.


KAMI NGAYON ni Orange ang magkasama dito sa cabin na ni-rentahan ni Blue malapit sa dagat. May kakausapin lang daw kasi siya saglit. Habang itong si Enzo naman, kanina ko pa hindi nakikita. Nang matapos kasi ang pag-uusap ni Blue at tita Maris kanina na halos abutin ng isang oras ay agad ko ring hinanap si Enzo pero hindi ko naman siya makita. Kung saan-saan din kasi nagsusuot ang multong 'yon, e.

"—isa pa bestie, may nanliligaw na pala sa akin. Kilala mo si Brown Terrence? Yung captain ng swimming team natin sa school? Kyaaaaah! Siya lang naman yung nanliligaw sa akin! My ghad, every time na naaalala ko yung unang araw ng panliligaw niya kinikilig pa rin ako!"

Napatingin ako sa kanina pa nagsasalita na si Orange. Kung may nakakakita nga lang sa kanya, paniguradong mapagkakamalan siyang baliw o siraulo.

"Creamy!"

Sa may pintuan naman ako napatingin nang biglang sumulpot ang pawisan at hingal na hingal na si Blue.

"O, Blue, ano'ng nangyari sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Orange.

"Kaya nga. Bakit ka hingal na hingal? Saan ka galing?" tanong ko rin.

"Creamy, may problema."

"Problema? Anong problema?"

Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa tono ng pananalita niya pati na sa kanyang ekspresyon. Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko.

"Tumawag kasi yung secretary ko. Nagkaroon daw ng kaunting problema para sa ginawa nilang presentation para sa bagong product na ilalabas namin. Kaya naman I have no choice kundi ang bumalik sa Manila para ayusin ang problemang 'yon."

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko na yung sinasabi niyang problema. Akala ko naman kung ano na, e.

"Ayos lang naman sa akin. Isa pa, nakausap na rin naman natin si tita Maris kaya ayos na 'yon."

"Sige. Um... ikaw Orange? Sasabay ka na rin ba sa amin ni Creamy?"

"Kararating pa lang natin tapos aalis na agad tayo? Ang KJ niyo naman! Hindi pa nga ako nakakapag-swimming, e."

Seven DaysTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang