Kabanata 25: The Final Decision

54 9 0
                                    

KABANATA 25—The Final Decision

HINDI KO inaasahan na sa pagiging multo ko o ligaw na kaluluwa ay mararanasan ko ang mga bagay na ito. Ang sarap lang sa pakiramdam.

"'Wag kang magpapagutom, ah. At umuwi ka agad ng maaga." sabi ko kay Blue matapos kong ihanda ang mga pagkaing babaunin niya. Marami raw kasi siyang kailangang tapusing paper works ngayon kaya baka wala na raw siyang time na kumain. Kaya naman naisipan ko na lang na ipaghanda siya ng makakain niya mamaya.

"Ang sweet naman ng girlfriend ko." biglang sabi ni Blue sabay yakap niya sa akin mula sa likuran. "Paano pa kaya kapag naging asawa na kita? Baka naman langgamin na ako niyan, ah."

Mahina ko siyang hinampas dahil sa sinabi niya. "Tigil-tigilan mo ko sa kapilyuhan mo, Gonzales, ah. Makakatikim ka ng mag-asawang sapak—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na naman niya kong hinalikan sa labi. Na hindi ko naman napigilan at agad ko ring tinugunan. Nang maramdaman kong malalim na ang paghalik namin sa isa't isa, ako na mismo ang pumutol. "Male-late ka na." nahihiyang sabi ko. Pakiramdam ko kasi pulang-pula na naman ang kulay ng pisngi ko sa mga oras na 'to.

"I love you, wife." mapanuksong bulong niya.

"Sige na, male-late ka na talaga." natatawang sabi ko at tinulak na siya palabas.

"Wala bang 'I love you too, hon' diyan?" nakangusong tanong niya nang tuluyan ko na siyang mapalabas.

"Mamaya na lang, pag-uwi mo."

"Ayoko. Gusto ko ngayon na."

"Blue, male-late ka na nga sabi."

"Wala akong pakialam."

Huminga muna ako ng malalim bago siya nilapitan at hinalikan sa pisngi. "I love you too, hon." bulong ko pagkatapos dali-dali ko ng isinara ang pintuan para hindi na siya makapasok pa.

"SO, PINAPUNTA mo lang talaga ako dito para sabihin na kayo na?"

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa tanong ni Red nang tumabi ako sa kanya sa sofa. Wala naman na kasi akong magawa kaya naisipan ko na lang na tawagan siya. Tutal, wala naman ng ibang nakakakita sa akin bukod sa kanilang dalawa ni Blue. Isa pa, katatapos ko lang bisitahin ang katawang lupa ko sa ospital kaya wala na talaga akong ibang gagawin.

"Hindi naman sa gano'n. Pinapunta kita dito para naman may kasama akong manood. Ang boring kayang mag-movie marathon mag-isa." sabi ko sabay kain ng pop corn na ako mismo ang nagluto.

"Alam mo bang mahal na ang oras ko simula nang makipag-break ka sa akin?"

"Mas mahal pa kaysa kay ate Peach?"

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil dali-dali niyang kinuha yung remote saka pinatay yung TV.

"A-anong sinabi mo? Ulitin mo nga yung sinabi mo."

"Alin do'n?"

"Y-yung tungkol kay... kay..."

"Kanino?"

"Ah, nevermind. Baka mali lang ako ng dinig."

"Sus, Red. Akala mo ba hindi ko malalaman na nakikipagbalikan ka ulit kay ate Peach."

"P-paano mo nalam—"

"Baka nakakalimutan mo na si Creamy Cortez ang kaharap mo ngayon, Red. The girl who has always her own ways for everything."

"Creamy..."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na kong natawa. Halata kasing inis na siya sa akin.

Seven DaysWhere stories live. Discover now