Chapter 9 - The Folks.

Magsimula sa umpisa
                                    

"So, are we okay now?"

Marahang tumango muli si Roxanne.

Ngumiti na si Nikko. "Good."

"Pupunta ako sa amin mamaya. Ikaw na muna ang bahala kay Raven, ha?" Paalam ni Roxanne kay Nikko.

Nilingon nang binata si Roxanne. Kasalukuyan ito'ng nagmemerienda sa tabi nang pool. Si Raven naman ay pinapatulog ni Minda sa isang kwarto sa taas.

Pagkalabas nang gate nang hacienda ay maaari nang mag abang nang tricycle dun na maaaring maghatid sa lugar nila Roxanne.

"Atsaka, bukas na ako babalik dito." Sabi pa nito.

"B-bakit?" Tanong ni Nikko.

"Anung bakit ka dyan? Syempre miss ko na parents ko, no. Mabuti na rin na madalaw ko sila." Sabi nya. Umupo sya sa tabi nang lalaki at uminum nang juice sa mismong baso nito.

"Okay. If that's what you like." Kibit balikat na sabi ni Nikko.

Muli nang umakyat si Roxanne. Nagbihis at nag ayos sya nang gamit bago pinuntahan si Raven sa kwarto kung saan ito pnatulog ni Minda at hinalikan nya sa noo. Muli na syang bumaba.

Dala nya ay isang paper bag na naglalaman nang isang pares nang damit nya dahil doon nya na planong maligo bago bumalik sa mansion. May dala rin silang ilang piraso nang chocolate kaya nagdala na rin sya.

"Senyorita, ihahatid ko na po kayo. Inutusan po ako ni senyorito na ihatid kayo sa San Roque." Sabi nang driver nang van nila na ikinagulat nang dalaga.

"Ha? Nako, huwag na po manong. Magtatricycle na lang po ako. Malapit lang naman," Tanggi nya.

Nagkamot nang ulo ang driver. "Eh senyorita, papagalitan ho ako ni senyorito kapag hindi ko kayo naihatid." Kimi na sabi nito.

Napangiwi sya. Ayaw nyang ihatid sya dahil malamang na magtataka ang mga taga sa kanila kung bakit sa isang magarang van sya bababa lalo na ang mga magulang nya. Baka pagtampulan pa sya nang tukso.

"Ganito na lang, nasan ba si Nikko? Ako na lang ang kakausap sa kanya." Sabi nya sa driver.

"Bakit ba ayaw mo'ng ihatid ka sa inyo?" Ang pamilyar na boses ni Nikko ang sumagot imbes na ang driver.

Nilingon ni Roxanne ang pinanggalingan nang boses. Naka boxer's short lamang ang lalaki, halatang bagong ligo sa pool at nagpupunas nang buhok. Ipinilig nya ang ulo bago muling nagsalita.

"Huwag na, salamat na lang. Magtatricycle na lang ako. Baka pagmulan pa nang chismis, eh." Sagot nya.

Umiling si Nikko. "Eh ano naman? Sabihin mo na sinama kita dito kasi ito yung ojt job mo?"

Umiling rin si Roxanne. 'Hind, huwag na. Thank you na lang talaga. Magtatricycle na lang ako. Sige, I have to go. Baka abutan ako nang ulan. Alagaan mo na lang si Raven." Sabi nya.

"Bakit hindi ka man lang nagpasabi na bibisita ka pala ngayon rito, anak?" Nakangiting bati ni Mang Lando sa anak. Agad ito'ng nagkatay nang isa sa mga manok nito at niluto nang tinola nang asawa nito na si Rosita bilang hapunan.

"Eh, tay. Biglaan rin po kasi. Hindi ko akalain na malapit sa atin yung pagshu-shootingan nung amo ko. Nagpaalam naman ho ako eh." Sabi nya.

"Nako, ikaw talagang bata ka. Mabuti at pinayagan ka nang amo mo hane?" Sabi pa ni Mang Lando na may tonong batangenyo.

"Mabait naman po yung amo ko tay. Mabuti nga ho eh. Miss ko na kayo nang nanay." Nakangiting sabi nya.

"Kuu! Huwag nang mag drama, anak." Sabat naman ni Aling Rosita habang naghahanda na nang hapunan. Alas siete pa lamang noon ngunit kakain na sila. Maaaga kasing natutulog ang mga tao roon.

Faking It (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon