Chapter 13 - The New Boy

14.4K 236 6
                                    

Nagulat sya ng makita ito. Naka maong na short ito na above the knee, naka rubber shoes at putting collared polo. Mukhang kakagaling lang nito sa kama. But he looked different. Mali sya ng sinabi na magmumukha pa rin ito'ng attorney kapag naka pang bahay ito.

Imbes ay mukha ito'ng wholesome model na tumalon mula sa isa'ng magazine page.

"Tumawag na ako ng tao sa lobby para tumulong na mabuhat sya. I'll bring him to the hospital, you can go home now and thank you for calling me." Straight faced at business as usual ang tono na sabi nito.

Nawala ang admiration na naramdaman nya ng makita nya ito'ng sumulpot ito doon ng dahil sa sinabi nito.

"B-but-"

"I appreciate your help, Roxanne. I can take care of him." Pigil nito sa kung ano pa'ng sasabihin nya.

Hindi nya maarok kung ano ang nararamdaman nya ng mga oras na iyon. Inis sa lalaki dahil pakiramdam nya ay initsapwera sya, galit sa sarili dahil wala syang magawa o asar dahil hindi nya naman na talagang sumama pero bakit gusto nya?

"O-okay. Napayuko sya. Dali dali syang pumunta sa sala at kinuha ang bag nya. Nakasalubong nya pa ang dalawang lalaki na may uniform na ibig sabihin ay nagtatrabaho sa building na iyon.

Para syang tanga na tulala habang nasa elevator sya.

"Miss, lobby na. Nakita ko kasi na ito yung pinindot mo kanina." Sabi ng lalaki sa tabi nya.

Tiningnan nya ang paligid at nakita nya na lobby na nga. Tumingin sya sa lalaki. "Salamat po." Dali dali syang lumabas ng elevator.

Nagulat sya ng sumunod ang lalaki. Nginitian nya ito.

Ngumiti rin ito.

Marahan syang naglakad. Ang balak nya ay pauunahin ang lalaki dahil naasiwa sya. Hindi naman talaga sya nakikipag ngitian sa kung kanino kahit na gwapo pa ito.

Yes, sa unang tingin pa lang ay mahahalata na gwapo ang lalaki. Maputi ito, brown ang nakataas na buhok, may hikaw sa kaliwang tenga. He was wearing a three piece suit. Nananampal sa kinang ang black shoes nito.

Nahiya ang balat nya sa tila kumikinang na mukha nito. Muntik na syang manggigil.

"Do you live here?"

Nagulat sya ng magtanong ito sa kanya. Sumasabay pala ito sa paglalakad nya. Malawak ang lobby at may kalayuan ang elevator na pinaglulanan nya sa exit at entrance ng building.

"A-ako?" Napatigil sya sa paglalakad at humarap rito.

Unti unti ito'ng ngumiti. "Yes, I am asking you." Malumanay ang pagsasalita nito. Sa way ng pagsasalita nito reminds him of the royalties na super soft spoken.

"H-hindi. May dinalaw lang ako'ng ka-" Nag isip sya. "Kakilala." She was about to say kaibigan. But she thinks na hindi appropriate ang word na iyon.

"I see. Madalas ka ba rito?" Tanong pa nito.

Nawi-wirduhan na sya rito. "Ah hindi eh. Minsan lang. Ahm, ang totoo nyan, nagmamadali kasi ako. Mauuna na ako ha? Salamat ulit kanina." Malawak ang ngiti na sabi nya.

"Oh, yes. Palabas na rin ako. After you?" Ipinwesto nito ang braso at palad nito na pinapauna syang mag lakad. A true gentleman.

Muntik na syang kiligin.

Muli syang nagpasalamat dahil nag volunteer ito na ipara sya ng taxi. What the hell, diba?

Kahit masama ang loob nya ay hindi nya pa rin nalimutan na dumaan at bumili ng pagkain. Hindi nya na naisip ang diet nya. Bumili syang dalawang box ng pizza. Madilim na ng makauwi sya.

Faking It (Published)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum