Chapter 5 - The First Family Bond.

16K 294 4
                                    

Hi! Follow me in instagram and twitter!

Instagram.com/heyleelay

twitter.com/theellestrange


----------------------------


"Paanong nagkaroon baby dyan?" Agad na tanong ni Roxanne, nanlaki ang mga mata nito.

Lumingon si Nikko sa kaliwa at kanan. "Push cart ba natin to?" Tanong nito kay Roxanne. Marami pa ring tao pero busy ang mga ito sa pamimili.

Tiningnan ni Roxanne ang laman nang push cart kung saan naka upo ang baby. Nakangiti pa rin ito. "Oo!" Tumango s Roxanne.

"S-sigurado ka?" Si Nikko.

"O-oo. Heto yung mga pinili natin kanina." Halata pa rin ang kaba sa mukha ni Roxanne.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Shit. Kaninong baby yan?" Napamura na si Nikko. Napahawak ito sa sariling noo. Naglalaro pa ang baby nang hawak nitong isang piraso nang rubber blocks.

"Teka, ipa-page natin to'ng baby. Baka di sinasadyang nailagay sa push cart natin nang parent nya, akala sa push cart nila nailagay." Pilit na pinapakalma ni Roxanne ang sarili pati na rin si Nikko.

Si Nikko ang nagtulak nang push cart kung saan patuloy pa rin sa paglalaro ang baby, not knowing na nawawala na sya. Pinagtitinginan sila nang tao. Some even thought na mag-asawa sila.

Napapangiwi sila sa mga ito.

"Bilisan mo na nga. Nakakahiya. Maeksena ka pala kapag lumalabas ka." Bulong ni Roxanne sa lalaki. Pareho silang nakayuko.

"Kasalanan ko ba?"

"May sinabi ba ako?"

"Wala. Pero ganun na rin yun."

"Hindi yun ganun. Wala akong sinabi." Inirapan nya ito.

Nang marating nila ang paging station ay naghintay sila nang magke claim sa bata.

"Sir, ma'am, saan nyo ho ba nakita to'ng bata?" Tanong nang lalaki na nag page.

"S-sa push cart! Bigla na lang namin syang nakita. Baka nagkamali nang lagay yung parent nya, akala sa push cart nila nailagay." Si Roxanne ang sumagot.

"Y-yeah. Nagulat na lang kami, nasa push cart na namin sya." Sabi pa ni Nikko.

"T-teka sir. Parang pamilyar ho kayo." Imbes ay sabi nang lalaki.

Yumuko si Nikko, trying to hide. Inayos ang eyeglass na suot.

"Tama! Ikaw yung nasa commercial nang toothpaste at men's shampoo!" The man exclaimed! Napalakas ang boses nito at naka agaw nang atensyon. Ang kasama nitong babae sa booth ay napatingin rin.

"Ay, oo nga Mac. Sya nga yun." Nakangiting sabi nang babae. Bumaba ito mula sa upuan nito at naglabas nang digicam. "Pwede magpa picture?"

Nahihiya man ay tumango na lang ang lalaki. Napasimangot si Roxanne. Late na. Malamang ay nagtataka na si Yna kung bakit wala pa sya. Mula sa isa ay naging tatlong babae pa ang nagpa picture kay Nikko.

"Mister, pwedeng paki page po ulit to'ng baby? Magti-thirty minutes na ho kasi, wala pang nagke claim." Imbes ay sabi ni Roxanne. Nakasimangot na talaga sya. Nangako pa naman sya kay Yna na maaga syang uuwi.

Tila nag eenjoy pa si Nikko sa atensyon na ibinibigay nang mga nagpapapicture kaya lalong nainis si Roxanne. Muling nag page ang lalaki pero wala pa rin talagang lumalapit.

Faking It (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon