Chapter 20 - Nikko's World 1.

15.4K 224 10
                                    

Hindi alam ni Roxanne kung gaano katagal nagtitili si Yna ng sabihin nya rito ang mga nangyari ng umagang iyon pagka uwi nya. Hindi na tumuloy si Nikko sa apartment nya dahil pinapunta nya na ito sa derma para maayos ang mukha nito. O maremedyuhan.

"Ayan! Ayan ang sinasaai ko sayo! May paiwas iwas ka pa na nalalaman! May gusto naman pala sayo." Excited na excited na sabi ni Yna.

Tumawa sya. "Malay ko ba naman diba?"

"Dahil jan, kailangan mo ako'ng ilibre! Bwahahaha!" Sabi nito.

"Sige, mamaya labas tayo. Matutulog muna ako."

Nanlaki ang mga mata ni Yna. "Grabe. Hindi ka pinatulog na naman ni Papa Nikko?"

Kinurot nya ito. "Grabe ka!"

"So naka ilan kayo kagabi?" Pilya na tanong nito.

"Gaga! Natulog lang kami." Sabi nya rito.

"Wu! Nakatiis ka na matutulog lang kayo? Kung ako yan, nako..."

Tawa sya ng tawa sa kaibigan. Tinanggal nya ang suot nya at naligo bago pasalampak na humiga sa kama at umidlip. She slept at Nikko's arms that night. Hindi sya nakatulog ng maayos kasi hindi pa rin sya makapaniwala sa nangyari.

Akalain mo, may gusto rin si Nikko sa kanya at katabi nya ito ng mga oras na iyon matulog? Paidlip idlip lang sya. Buti pa ang lalaki at nakatulog ng maayos.

Bago sya nito hinatid ay kumain muna sila ng agahan sa Pancake house na nadaanan nila. Natakam kasi ang lalaki ng makita ang restaurant at hindi pa rin naman daw sya kumakain. He looked stupid with scars on his face.

Nag freak out nga ito actually ng magising ito at nakita ang itsura nya sa salamin sa kwarto nito. Tawa sya ng tawa habang sinisipat nito ang sarili nito sa salamin. Hindi ito makapaniwala.

Inasar nya ito na wala na syang career sa pag momodel. Nakasimangot ito buong umaga pero malambing ito sa kanya.

Nagising sya dahil sa tawag ni Miguel. Gusto nito makipag kita sa kanya. At nasa labas na raw ito ng apartment nya.

"Shit! Yna, andyan si Miguel sa tapat! Ano'ng gagawin ko?"

"Edi papasukin o puntahan mo!"

"O-okay lang ba? If ever, wag mo na lang sasabihin kay Nicholas ha. Feeling ko galit sya ng kaunti kay Miguel."

"Gora lang girl! Mag ayos tayo saglit tapos sunduin mo sya sa baba." Sabi ni Yna.

Inayos nila ang mga nagkalat na damit sa paligid pati na ang lamesa at upuan nila bago nyua sinundo ang lalaki, but he insisted na sa nearby cafeteria na lang sila mag usap. Pumayag na sya kahit nakapang bahay lang sya.

"I just want to apologize for what happened last night. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, Roxanne." Halatang nahihiya ito.

They were served with two smoothies.

"Actually hindi ko naman talaga alam kung ano ang nangyari, eh." Hindi na sya nagkaroon ng time na tanungin si Nikko. Parang ayaw rin nito sabihin sa kanya.

He bit his lower lip before talking again. "Kyle told me. It seems like Nikko heard Jared said a joke about you and he misunderstand. Oh well, I can't back Jared up since I know him and I know his attitude. That's why ako na ang nagpapasensya. He can be a little naughty sometimes, you know."

"Ah, ganun ba. Nako, huwag mo ng isipin yun, wala na yun."

"And how's Nikko? I hope nag calm down na sya. He looked like he could kill Jared last night!" Naiiling na sabi nito.

Ngumiti sya. "Oo nga, eh. Okay na sya. I think nasa derma sya ngayon at pinapaayos yung mukha nya. Loko loko talaga yun eh. Bigla na lang nanggugulo."

Tumawa si Miguel. "No, it's fine. I would do the same if given the chance na ganun ang nangyari." Tiningnan sya nito sa mga mata nya.

Faking It (Published)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu