Chapter 23 - We made Up.

13K 221 4
                                    

Nag salita na sa harap ang Daddy ni Nikko at ang lahat, hindi pa rin sila nagpapansinan. Sinusundan nya lang ito ng tingin bagamat hindi nya na mabilang kung naka ila'ng baso na ito ng wine.

Mukhang nag eenjoy naman ito kahit hindi sila bati.

"Tinitiis mo pa rin?" Si Yna iyon.

Silang dalawa lang ang kasalukuyan na nasa table nila. Ang lahat ay nakikipag socialize at nakikipag kwentuhan. Hindi na sya comfortable pero alangan naman na mag walk out sya?

She saw Miguel looking at her, nginitian nya ito, and he also smiled back. Bakit kaya pakiramdam nya ay gusto nyang maka kwentuhan ang lalaki? Pakiramdam nya ay magkaka intindihan sila.

Ipinilig nya ang ulo. "It's okay. Kahit papaano, wala muna mangungilit sa atin."

"Rox, ano ka ba? Maya maya lang, papalibutan na yan ng mga ilusyunadang malalandi. Ikaw rin." Nanakot pa ang kaibigan nya.

Ngumiwi sya. "Eh.. hindi naman siguro."

"Ano'ng hindi naman siguro? Mind reader ako ng mga babae na nasa mga ganito'ng event! Si Nikko ang isa sa mga pinaka big fish dito, no. Bonus na napaka gwapo nya. Yang mga kakwentahan nya na yan? Naghihintay lang ng mga pagkakataon yan."

Ayaw nyang mag agree pero tinamaan sya sa sinabi ng kaibigan.

"Eh ano'ng gagawin ko? Nakita mo'ng enjoy na enjoy sya."

"Gaga. Pinapakita nya lang yan para mahirapan ka."

She sighed. Yun din ang gusto nyang makita nito, para ito ang mauna na lumapit, pero mukhang mabibigo sya.

"Roxanne, hija? Bakit nandito lang kayo?"

Ang Daddy ni Nikko.

"S-sir," Napa tayo sya, ganun din si Yna. "K-kaibigan ko po, si Yna."

"Nice meeting you hija." Nakipag kamay ang matanda.

"D-daddy sya ni Nikko." Pagpapakilala nya.

"Ay, nice meeting you din po sir. Ngayon alam ko na kung saan nag mana si Nikko."

Tumawa ang matanda. "Pala biro ka pala."

"Totoo po ang sinabi ko." Todo ngiti rin ang Yna.

"Mag enjoy kayo. Bakit hindi mo kasama si Nicholas?" Nagtataka na tanong nito.

"May LQ po sila." Agad na sabi ni Yna.

Siniko nya ang kaibigan.

Muli ay tumawa ang matanda. "Oh, hindi sa akin nagmana ng pagka childish si Nicholas. Sa itsura lang." Sabi nito.

Natawa sila.

"Sige po sir, alam po namin na madami ka'ng bisita."

"Okay. But kung anu man ang hindi ninyo pagkaka unawaan, just talk, okay?"

Tumango sya.

"Grabe. Ang bait naman ng Daddy ni Nikko." Sabi ni Yna ng makaalis na ito.

"Sabi nila masungit daw dati yan, eh."

"Oh. Sya yung naikwento mo na naisugod sa hospital nang makita mo sa opisina?"

Tumango sya.

"O see. Mabuti at naabutan mo sya."

"Sinabi mo." Sumimsim sya sa hawak na kopita. "Uminom na nga lang tayo. Hayaan mo yang Nicholas na yan." Kasalukuyan ito'ng pumopose para sa isa'ng phographer na pinakiusapan sila na kukunan ang flock nila ng picture.

Sinundan ni Roxanne ng tingin ang Daddy ni Nikko. Busy ito sa pag kausap sa mga bisita, hanggang sa mapako ang tingin nito sa etrance ng event, sa isa'ng babae specifically.

Faking It (Published)On viuen les histories. Descobreix ara