Kabanata 64: Edward Limen

383 11 0
                                    

I think I have a stalker.

Hindi ko ito sinasabi sa kahit na kanino sa takot na baka nagkakamali lamang ako. Baka guni-guni o dala lamang ng nakaraan ko. I was traumatized and I am deeply aware of that. Pero sa kabila ng hindi pagiging tuwid ng pagiisip ko, inisip ko rin ang posibilidad na baka may tao talagang sumusunod sa akin.

Pakiramdam ko kasi ay may mga matang nakatingin sa bawat galaw ko. Parang palaging may nakamasid sa akin. Half of me prays that it's him... si Tyrell. Half of me is scared as well na maulit ang dati. Na baka may nagbabalak na naman na ilagay ako sa kapahamakan and I am really sick and tired of that.

I have few evidences na may sumusunod sa akin lagi.

There was one time when I purposely walked in the sand dahil alam kong gagawa ito ng marka. Nasa bakasyon ako noon at gabi nang mapagdesisyunan kong maglakad sa tabing dagat. Natatakot pa ako noong mga panahon na iyon dahil sinusubukan kong harapin ang takot ko. Sinamahan ako ni Drix at Emily pero nasa resort sila at tumakas lamang ako. I wanted to be alone.

As expected, when I looked back to see the sand... there were footprints towards my direction. Iilan lamang ang tao sa paligid and it's rare to have such footprints. Kung kanino ito nanggaling ay hindi ko alam. Mabilis ang pakiramdam at kilos nito dahil agad na nawala sa aking paningin.

May isang beses pa na nagpunta ako sa rooftop ng kumpanya namin. Ang ganda ng panahon noon... maaraw pero hindi mainit dahil sa hangin.

Binalak kong magpakamatay. Kaya nga lang nagulat ako nang may mga awtoridad agad na dumating upang pigilan ako. Syempre ay wala namang nakakaalam ng balak ko unless someone's looking at me... seeing my every move.

Kahit ang paglalaslas ko ay naagapan! Who would save me right?

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat iyon dahil buhay ako ngayon. Napigilan niya ang halos lahat ng pagtatangka ko sa buhay ko. Pero dahil din sa pananatili kong buhay ay nasasaktan ako sa mga nangyayari... nasasaktan ako sa bawat naiisip kong alaala. I had to accept that because there's no way that person will let me kill myself.

Right now...

Habang kinakapos ako ng hininga kakatakbo at kakahanap kay Tyrell, I am losing hope once again.

Hinabol ko pa rin si Tyrell. Hinagilap ko siya pero wala siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nilalagpasan ako ng mga tao.

Bakit kailangan niyang magpakita sa akin ngayon? Tinatanggap ko na nga na wala na siya pero bakit ngayon pa? I have already moved on! I tried so hard to forget about the past pero sa isang iglap lang ay bumalik lahat sa akin. How can I move forward now? Now that I saw him?

Or iyon lang ba ang akala ko?

Bumalik sa alaala ko lahat ng pinagsamahan namin. God knows how much I miss him. Kung totoong buhay man siya ay magagalit ako sa kanya dahil hindi siya nagpakita sa akin! Pinili niyang hindi ako samahan! Ano ba ang kanyang rason?

Pero bakit kahit may poot sa loob ko ay gusto ko pa rin siyang makita? Gusto kong malaman kung mahal pa rin niya ako o nagbago na iyon...

Mahal na mahal ko si Tyrell and if he wants me back... ganuon din ako sa kanya. I want him back in my life.

Parang kailan lang noong una kaming nagkita at pinagtatabuyan ko siya. How I wish na hindi ko iyon ginawa at sinamantala ang mga pagkakataong kasama ko siya.

Bumalik ako sa condo ng wala sa sarili... nagkwento rin ako kay Emily tungkol sa nangyari pero mas nag-focus siya sa ginawa ko ngayong araw.

"Umalis ka?! Hindi mo kami sinama?" tanong nito sa kabilang linya habang ako ay nakatalukbong lang ng kumot - umiiyak. She's hysterical right now.

A Knight's ConfessionWhere stories live. Discover now