Kababata 57: Pagsiklab ng Apoy

388 13 1
                                    

Kahit nasaan ako, Amerika man o Pilipinas, siya ang madalas laman ng mga panaginip ko magmula nang gabing ibinunyag lahat sa akin ni Mommy at Tanjiro ang sinasabi nilang katotohanan.

Sa mga panaginip ko, palagi niya akong gustong saktan at wala akong magawa. Hindi ko siya kayang saktan... Hindi ko magawa kahit umaabot sa puntong sa bangungot ay hindi ako makahinga. Bakit ba ganito ang pagmamahal? Bakit kahit masakit ay pinipili pa ring magtiis? Hindi ba pwedeng tumigil na ang malakas na bagyo sa buhay ko?

Paikot-ikot ako ngayon sa kama ko at hindi makatulog. Natatakot akong managinip na naman kaya hirap akong matulog. Baka kasi matuluyan na talaga ako sa panaginip ko.

Huminto ako at napaisip sa nangyari sa parking lot. Nasaan na kaya siya ngayon?

Hindi ko na kayang nandito lang ako sa bahay at nagiintay magpunta sa kumpanya next week kaya naman nakapagdesisyon akong puntahan ang bahay nila. Siguradong hindi naman niya iyon iiwanan na lang ng basta. Baka sakaling makita ko siya para makausap. Ayoko nang ginugulo ako ng mga nakakatakot na panaginip at bahain ng maraming mga katanungan.

Kahit na madaling araw na ay agad akong bumangon. Mabuti na nga lang at hindi na ganuon kaistrikto sa akin si Tanjiro kaya naman lumuwag na siya sa kanyang pagbabantay. Now I could feel like breathing.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at sinilip ko kung may tao sa paligid. Pakiramdam ko tuloy action star ako sa mga oras na ito. Nang mapansing kong wala namang bantay ay agad akong lumabas.

Bago naman ako dumiretso sa hagdanan ay nakita ko agad ang mga bantay sa front door, doon sa baba. Imposibleng hayaan nila akong umalis mula rito at oras na mahuli ako ngayon ay baka higpitan muli ang pagbabantay sa akin. I have to be really careful.

Nahagip ng mga mata ko ang isa sa mga camera rito. Oo nga pala at may CCTV cameras sa buong bahay kaya naman pilit akong humanap ng lugar na hindi hagip ng camera. Kailangan kong makaalis agad dito dahil baka mahuli na nila ako. Nasaan kaya si Tanjiro? Iyon kasi ang panira sa lahat ng plano ko.

Tumingin ako sa paligid at nakakita ng walis. May alaalang bumalik sa isip ko pero napailing na lang ako tyaka ito mabilis na kinuha. Aba may balak pa talaga akong magdrama? Huminga ako ng malalim bago ko ito ibinato malayo sa akin. Dahil sa malakas na pagbagsak nito ay naagaw ang atensyon ng mga bantay sa front door. Mabilis silang nagpunta rito na parang mga aso at kinuha ko naman ang pagkakataong ito para makapunta sa front door.

Nang maramdaman ko na ang hangin sa labas ay napatalon ako sa saya! Sa wakas ay nakatakas ako! Dumilat ako at nakita ang liwanag ng buwan.

Tutuloy na sana ako sa gate nang kusa itong bumukas. Doon ko narinig ang pamilyar na boses sa speaker.

"Old tricks won't work on me anymore Miss Ever," Bwisit talagang kartero! Siya pala yata ang nakatokang magbantay sa CCTV cameras namin! Sometimes I wonder if he's really a person or an alien dahil parang hindi siya natutulog.

Huminga ako ng malalim at muling nagseryoso. Tumingin ako sa paligid at mataray na nagsalita, "Edi samahan mo ako sa pupuntahan ko para makampante ka."

Loko nga ang isang 'to dahil agad siyang nakarating sa harapan ko ilang minuto lang ang lumipas. He smirked at me and I just flipped my hair while walking towards our car.

"Saan ba tayo pupunta?" narinig kong tanong niya.

"I'll give the instructions pagkasakay natin," sabi ko na lang para makampante siya.

***

No.

Hindi pwede ito.

Tama ba kami ng napuntahan?

There's no freaking way this is possible.

Kaya ba ayaw nila akong papuntahin dito?

Ito ba ang ginawa nila sa bahay nila Tyrell at ng pamilya niya?!

Kitang-kita ko ngayon ang sunog na bahay nila Tyrell na palagay ko ay noong nakaraan lang nangyari dahil sa mainit-init pa rin dito. Halos mahirap nang makita ang itsura ng bahay nila noon. Wala na ang ganda nito at halos abo na lang ang makikita. Talagang sunog na sunog kasi ito at walang tinira ang may kagagawan nito.

Ito ang bahay na tinuluyan ko nung nasa panganib ang buhay ko... paanong naging ganito na ito ngayon? I couldn't even picture how it was before dahil sa itsura nito ngayon.

Si Tyrell? Nasaan na siya at hindi siya nagpaparamdam?

"Kuntento ka na ba sa nakita mo?" tanong ni Tanjiro na lalong nagpasama ng loob ko. Paano niya nasasabi ito ngayon sa akin? Tingin ba niya wala akong pakiramdam? Bahay ito ng lalaking mahal ko! Lalaking mahal ko na naghihiganti sa akin! How could I even face him now?!

Habang nakatitig sa sunog na bahagi ng bahay ay nanginginig akong nagtanong, "Kayo ba ang may gawa nito? Kayo ba?" Kahit hindi nga niya ako sagutin ay alam ko nang sila ang may gawa nito. We are capable of burning a house like this because of all our connections.

"Ito ang utos ni Ma'am See. Mas mabuti na ring maipakita natin sa lalaking 'yon kung ano ang kaya nating gawin para tantanan na niya kayo ng pamilya mo," mariin niyang sinabi. Ang dami niyang alam!

Nanghina ang mga binti ko kaya muntikan na akong bumagsak. Nang hawakan ako ni Tanjiro ay pilit ko itong inalis na para bang napapaso ako. Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino. Kaya ko. Kaya ko kahit ako lang.

Kung talagang masama si Tyrell... bakit kailangan pa niya akong bilinan? Pero imposible namang may balak na masama sa akin ang sarili kong nanay... Kung mayroon man ay bakit? Anong ginawa ko para pahirapan niya ako hindi ba?

Sino ngayon ang dapat kong paniwalaan? Hindi ba pwedeng wala na lang sa kanila ang nagtatangka sa buhay ko? Hindi ba pwedeng pareho silang parte ng buhay ko? Gusto ko lang naman maging masaya eh.

Bumalik ako mag-isa sa sasakyan habang nasa likod ko lang si Tanjiro. Hindi ako makaiyak dahil ayoko nang makita akong mahina ng kahit na sino. I've shown enough weakness in the past and it gave everyone the satisfaction.

Nang paandarin na ni Tanjiro ang sasakyan namin ay agad nag-vibrate ang phone ko. Agad ko itong kinuha at nagtaka dahil sa hindi naka-save sa phone ko ang numerong ito. Hindi rin naman ako pamilyar dito.

From: 09*********

You already killed the man who wanted to save you.

Napatakip ako ng bibig at agad namuo ang luha sa mga mata ko. Parang may pumipiga sa puso ko. Sobrang sakit ng nabasa ko.

Ako ba ang sinisisi niya sa apoy na 'to? Na ako ang nasa likod ng pagsunog nito? Iniisip ba niyang kaya kong sirain ang mga alaala ko kasama siya? Iniisip ba niyang magagawa ko sa kanila 'to?!

Palagay ko ay mas matindi na ang galit niya sa akin ngayon lalo dahil sa nasunog nilang bahay. Kung alam ko lang na gagawin nila ito ay ako ang unang-unang tututol dito. Bakit kailangan pa nilang palakihin ang gulo?

Kaya lang... may mas titindi pa ba sa galit niya sa akin dahil sa kakambal ko? Ito naman kasi talaga ang mahal nito at ako lang ang nakita niyang kapalit.

Habang umaandar ang sasakyan namin ay may napansin ako sa salamin nito. There's a motorcycle following us and it's definitely familiar. Hindi ko ito nilingon para hindi makahalata.

I know it's him.

And I cried harder.

Ganuon na ba siya kadesperadong patayin ako para maghiganti kaya niya ginagawa ito ngayon? Kung ito ang gusto niya... may magagawa ba ako para mabigyan ito ng katuparan?

Napasinghap ako sa biglang pagtigil ng sasakyan namin. Tiningnan ko si Tanjiro para sana pagalitan siya pero nanlaki ang mga mata ko dahil sa paglapat ng kanyang labi sa labi ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at natigilan ako ng buong-buo. Para akong nanigas sa upuan ko habang ramdam ko ang magkadikit naming labi.

***

Please read...

Sana nagustuhan niyo ang update na ito :") Sana matapos ko na itong story na 'to huhu. It's my ojt from June to July so busy na naman din. Sa ABS-CBN ako intern under Star events :) Sana maging ayos ang lahat and I can also have the chance to get more ideas <3

A Knight's ConfessionWhere stories live. Discover now