Kabanata 11 : Unang Halik

887 25 0
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata at napalayo si Eros sa akin nang makita ito. Hindi niya siguro akalaing makikita ko ang ginagawa niya.

I caught him kissing me!

"E-Eros?" It's unbelievable! Bakit naman niya ako hahalikan? May gusto ba siya sa akin? Pero ang sungit-sungit niya hindi ba? Kamay na bakal nga siya sa akin!

Lalo akong naguluhan dahil sa hindi naman ako galit sa ginawa niya kahit na ito pa ang una kong halik. Oo at ninakaw niya ang first kiss ko. Palagay ko ay nagsisimula nang mahulog ang loob ko sa kanya kahit na nakakainis siya sa pagiging istrikto niya palagi...

"Sh*t. I'm sorry Miss Rose." At nagpatuloy ang mahina niyang cursing. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. He cursed and that's all? Humihingi siya ng tawad para saan?

Umupo ako habang siya'y nakatayo pa rin sa harapan ko. Nakayuko siya talaga para hindi ko makita ang mukha niya. That's what I want right now, to see his face and to know how he feels.

Hindi ako makuntento kaya tumayo na ako. Tumutulo pa rin ang tubig mula sa basa kong damit.

Nagtaka ako nang hubarin niya ang jacket niya. Inakala ko pang may gagawin siyang iba sa akin pero ipapatong lang pala niya 'to sa balikat ko.

I want him to say something! "What was that for?"

"Ang alin?" I groaned in disbelief. "Basang-basa ka. Ihihingi kita ng pampalit." sabi niya na para bang siya eh tuyo ngayon. Suot pa rin niya ang sombrero at salamin niya habang pareho kaming basang-basa. Siguro ay hindi niya hinayaang mawala 'yung pang-disguise niya. Ayaw niya talagang ipakita sa akin ang mukha niya. Or should I say it's forbidden?

"Bakit mo ako hinalikan?" tanong ko kahit nakatalikod na siya para kumuha nga ng pamalit. "Bakit mo ako hinalikan Eros?"

Natahimik siya. Ako yata ang kailangang mag-first move lalo na at torpe ang lalaking 'to.

"May gusto ka ba sa 'kin?" Nahahalata ko na siya. Hindi naman niya ako iiyakan nung muntikan na akong mamatay kung wala siyang nararamdaman para sa akin 'di ba? Tyaka hindi na normal 'yung pagiging istrikto niya sa akin!

Hindi ulit siya sumagot. Nakatayo lang siya sa harapan ko at nakayuko.

"Hindi naman ikaw 'yung tipo na nanghahalik na lang ng walang dahilan 'di ba? This is so frustrating! Magsalita ka naman please!" Lumapit ako at nagtangkang hawakan siya but he moved a step forward to the door. Nangamba pa akong aalis na siya.

"It's my job to protect you."

"And you need to kiss me just to protect me. Is that it?" sarkastikong sabi ko sa kanya. Hindi kasi malinaw eh. "Why did you kiss me? Bakit hindi mo na lang kasi aminin ha? You're not with me just because it's your job!" sumabog na talaga ako.

Hindi pa rin siya kumibo kaya itinuloy ko na. Bahala na kung anong mangyari pagkatapos ng pagamin ko na 'to. "The more that I spend time with you, the more that it feels like I'm starting to like you. And you know what? It's damn f*cking crazy!" Napatakip ako ng bibig. Ano ba, aalisin ko 'yung cursing.

"Because I'm starting to like someone whose face isn't even clear to me! And what's worse is that I'm not even scared!"

Nagawa ko na siyang hawakan sa magkabilang braso pero 'yung likod lang naman niya ang nakaharap sa akin ngayon. "Show me. Show me who you really are without all of these things. Eros. Who are you?"

Ilang minuto kaming nanatili sa pusisyon namin

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Ilang minuto kaming nanatili sa pusisyon namin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.

Maya-maya ay nagsalita siya. "Mahalaga pa bang makita mo ang mukha ko? If you can accept me without seeing my whole face, that's the only way I can stay with you." Sa sinabi niya ay nakakita ako ng pag-asa. Pag-asa na baka ayaw niya ring iwanan ako... na baka may nararamdaman talaga siya para sa akin.

***

Iniuwi ako ni Eros pero wala na siyang sinabi pa sa akin. Naging pormal na siya kaya naman mas lalo akong naguluhan. Mali nga kaya ako na gusto niya ako? Umaasa lang ba ako sa wala?

Akala ko maaabutan ko ang mga magulang ko sa bahay pero gaya ng dati ay doon na naman sila sa opisina matutulog kasama ng mga paperworks nila. Nakikita ko sa kanila ang ayaw kong mangyari sa akin kaya naman hindi ko pa talaga balak magtrabaho. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit maunlad ang business namin, napaka-workaholic ng magulang ko. The payment for that is not loving me enough.

Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto para magpalit tyaka bumaba at nagpahanda ng makakain sa katulong. Hindi na rin kasi ako nagtagal sa party dahil parang hindi rin para sa akin 'yon. Mas nage-enjoy pa ang mga imbitado kaysa sa akin kaya bakit pa ako mananatili? Isa pa, hindi ko na rin makita si Emily.

Naupo ako sa may sala at tumabi sa akin ni Eros. Parang may kakaibang kuryente sa loob ko. Naglabas ako ng libro pero panay naman ang tingin ko sa kanya. Diretso ang upo niya at nakatingin lang sa malayo. Kahit ilong at labi lang niya ang halos nakikita ko ay masasabi kong ang lakas na ng dating niya sa akin.

"You shouldn't read a book upside down Miss Rose." Nagulat ako sa pagsasalita niya at muntikan ko pang mabitawan ang hawak ko. Baliktad pala! Ang galing ko namang magbasa.

"Tss. Para mas may challenge." What?! Anong challenge Ever?! That is the lamest reason!

Pero napangiti ako nang makita ko ang saya na gumuhit sa labi niya. "Ngumingiti ka pala?" Nang sabihin ko 'yon ay balik poker face siya. Wala na siyang magagawa dahil nakita ko na at pwede kong ulit-ulitin 'yun sa isip ko. "Mas bagay sa 'yo ang nakangiti."

Tumayo na ako at naisip kong pagtripan siya. Naglakad ako papuntang kusina at nakasunod naman siya. Tapos bumalik ako sa sala, naupo pero tumayo rin. Ganuon din ang ginawa niya.

Sunod kong ginawa ay magpunta sa labas. "Miss Rose..." tawag niya pero nakasunod pa rin siya. Naupo ako sa bench ng bakuran. Tinabihan niya ako pero hindi nagtagal ay tumayo rin ako tyaka pumunta ng sala at naupong muli. Mukhang siyang sira kakasunod sa ginagawa ko.

Tumayo ulit ako at nagpunta na sa may hagdanan kaso ang lampa ko dahil sa namali ako ng hakbang at muntikan nang malaglag. "Sh*t." nasabi ko dahil akala ko babagsak ako sa tiles at magkakawasak-wasak ang bungo ko.

"Be careful if you want to play with me." Hawak ako ni Eros sa beywang ngayon at hindi ko alam pero parang napaso ako kaya dumiretso ako ng tayo at inayos ko ang sarili ko.

Be careful if I want to play with him? Huh!

Binilisan ko ang pagpanik sa taas tapos tumakbo ako ng mabilis sa mga kwarto, una sa kwarto ng maid tapos nagulat pa sila sa akin. Pero mas nagulat sila kay Eros kasi nagbibihis sila nang pumasok ako. "Oops sorry po!" sabi ko tapos paglabas ay tawang-tawa ako kay Eros. Napailing na lang siya. Ngayon ay baka isipin pa ng mga maids na pervert siya!

"Miss Rose..." He said with a warning voice.

Bumelat ako sa kanya at nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko at pisilin iyon. Hindi naman masakit pero nabigla ako kasi sa lahat ng tao ay siya ang unang gumawa nito. So... childish! Natawa na lang ako sa kanya.

Siya naman ay ngumiting muli. Nakadalawang puntos ako ngayon!

Isang malakas na kalabog ang gumambala sa katahimikan ng gabi at inilagay ako ni Eros kaagad sa tabi niya. Hinawakan ko ang isang kamay niya sa takot. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung dahil ba holding hands kami or dahil sa may panganib sa loob mismo ng bahay ko.

He lightly placed a finger above his lips asking me to be quiet. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko dahil alam kong dito nagmula ang ingay. And the last time I checked, walang tao rito.

A Knight's ConfessionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin