Kabanata 16: New Beginning

698 28 8
                                    

Inayos ko ang mga papeles at pinagsama-sama kahit na ang iba'y nalukot ko na at halos mapunit din. Ito ang nangyari dahil sa sobrang pagmamadali ko kagabi na makahakot. Nakita ko rin ang ilang gamit ni Mommy at Daddy kaya na-miss ko tuloy sila pareho. Relo ni Daddy... at kwintas ni Mommy... Ipinatong ko ito sa lamesita katabi ng kama ko. Baka mas magkaroon ako ng lakas kapag nakikita ko ito palagi. I also saw our family picture. Inalis ko ang nasirang picture frame at inilagay ito sa drawer nung lamesita.

Nakita kong nakacharge ang phone ko kaya kinuha ko ito at agad na binuksan. Ang daming texts at tawag mula kina Drix at Emily. May ilan din galing sa mga kakilala ng pamilya ko. Inalis ko na lang ang battery ng phone ko. Mabuti nang wala munang makaalam ng sitwasyon ko habang nagiisip pa ako ng gagawin. Mahirap na't baka matunton ako dito ng hindi inaasahan ng gustong pumatay sa akin.

Nadala ko rin pala ang album naming tatlo. Naupo ako ng maayos sa kama at sumandal sa headboard. Tyaka ko sinimulang tingnan isa-isa ang litrato namin. Mayroon ito nung bata pa ako tapos hanggang sa lumaki. Ang gara pa ng itsura ko noon dahil ang taba-taba ko. Napangiti na lang ako lalo na nang makita ko ang wacky picture ng mga magulang ko. You see, they're not usually like this. Kadalasan ay seryoso sila o di kaya'y nakakunot ang noo.

Itatabi ko na sana ang album namin nang may litratong mahulog mula rito. It seems like a recent picture of us but I can't remember us taking this picture at all. Nasa sala kaming tatlo sa kuhang 'to. Weird kasi nasa gitna ako ng parents ko tapos parang nagkakahiyaan pa. Tititigan ko pa sana ito nang biglang pumasok sa kwarto ko si Eros kaya naman niligpit ko na ang mga kinakalkal ko. Isiningit ko na lang ulit 'yung picture sa album namin.

"What?" nagtaas ako ng kilay pagkatayo ko ng maayos. Bumalik sa isip ko ang nangyari kanina at baka namumula na naman ako.

Natahimik naman siya na para bang natulala bago nagsalita. "Kumain ka na muna sa baba." sabi niya at umalis na rin. Hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman niya. Ganuon pa rin ang itsura niya: Still hiding behind those sh*tty things I hate the most. Sana kung magiging magkasama man kami sa mga susunod na araw ay wag na siyang maging pormal masyado. Gusto ko kasing maisip na pamilya ko siya at hindi ako nagiisa...

Dito sa itaas ay may tatlong kwarto. Katapat nung akin ang isa pang kwarto at may katabi pa itong isa. May espasyo sa gitna para sa maliit na sala set. May CR din na matatagpuan sa kanan bago ang hagdanan pababa sa first floor.

Pagkababa ko, makikita sa kanan ang kusina at dining area habang sa kaliwa naman ang sala at front door. Sa kanan naman ako nagpunta dahil nakita kong nandito si Eros na kasalukuyang nagluluto.

How could I not fall in love with him? Kaya na nga niya akong ipagtanggol sa mga masasamang tao, kaya din niyang magayos ng mga gamit ko, higit sa lahat ay kaya niya akong ipagluto!

Pero sorry ka na lang Ever dahil may nauna na sa 'yo.

Napakaswerte ko siguro kung ako ang nauna niyang makilala. Hinding-hindi ko talaga siya hahayaang mawala sa akin at sisiguraduhin kong masaya siya sa piling ko. I can even sacrifice myself for him if he turns out to be my first great love. Pero isipin ko man ito ay hindi na pwede. He seemed to be really faithful to her.

"Sino ba 'yung maswerteng babaeng mahal mo?" Hindi ko naiwasang hindi itanong kay Eros bago ako naupo sa dining area. Nakaharap siya sa kalan ngayon at nagpiprito pa rin. Mas lumakas ang dating niya dahil wala na ang jacket na lagi niyang suot. He wears this plain black round neck shirt at mas nadepina ang muscles niya sa dibdib, likod at braso. Ang puti rin pala niya kagaya ko. I also hate to say this pero napatitig ako sa pangupo niya na parang mas malaman pa sa kung anong mayroon ako.

I looked away bago pa ako makapagisip ng kung anu-ano. Baka makita pa niya akong titig na titig sa kanya, mas nakakahiya 'yon.

Nakita ko sa tabi niya ang isang supot na mukhang may lamang pagkain at iba pang necessities. Mukhang namili pa siya ng makakain namin sa labas. Napaka-responsable talaga ng isang 'to.

A Knight's ConfessionWhere stories live. Discover now