Kabanata 15 : Lucky Girl

731 27 13
                                    

Yumuko ako at nakita ko ang sapatos ni Eros na may bakas pa ng dugo. I couldn't even decipher what's really running inside my head. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin habang iyak lang ako ng iyak. Walang humpay sa pag-agos ang luha sa aking pisngi. It feels like I'm being shattered into pieces. I already lost my composure. Ito ang unang pagkakataon na naging ganito ako buong buhay ko. I experienced the worst days but this is more than the combination of all of that.

Naramdaman ko ang dalawang kamay ni Eros sa magkabilang braso ko. I trembled. Hawak niya ako at medyo pinisil niya rin para siguro mapakalma. Hindi ko pa rin siya tinitingnan dahil ano namang makikita ko 'di ba? Nakatago ang nararamdaman niya sa likod ng itim na salamin at sumbrerong suot niya.

"It's my lifetime job to protect you Miss Rose. Just take this opportunity. You can use me all you want because I owe my life to your father as well. We need to know who's behind all of this and make them pay kung ayaw nating pati ikaw, patayin nila." Nagtiim-bagang lang ako at nakinig sa mga sasabihin pa niya kahit ang dami ko nang nasabi sa isip ko. Wala man lang kasi siyang pakielam sa pagtatapat ko kanina.

Natahimik siya. This deafening silence is killing me.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at imbes na 'yung init ng kamay niya, naramdaman ko na lang ang init na dala ng jacket na ipinatong niya sa balikat ko. Maybe it's the black jacket he's always wearing.

"Ang hiling ko lang sa 'yo..." Huminto siya na para bang nakalimutan ang sasabihin pero hindi nagtagal ay nagpatuloy din sa pagsasalita. "Wag na wag mong titingnan ang mukha ko kahit na anong mangyari. That's the order your father gave me and that's also what I want."

Nagtaas ako ng tingin sa kanya kahit na alam kong mapula na ang mga mata ko kaiiyak. I look like a mess. "Bakit ba pilit mong tinatago ang mukha mo sa akin? Why is it still a big deal?" I asked like I'm begging him to answer me. I gently touched his face at medyo inilayo niya ito sa akin; like he's too scared with what I'm doing and what I'm capable of doing as well. Para siyang nakuryente.

I know Eros' story. 'Yung sa mythology. Hindi rin pwede makita ang mukha nito kaya nga siguro ito ang binigay ni Daddy na code name sa kanya.

"If you want me to stay, you can't see my face and you also can't love me." He coldly replied, not answering my question at all. Bumagsak ang balikat ko sa aking narinig.

"Give me a reason para maintindihan ko!" I yelled as hard as I could. Bakit na hindi ko siya pwedeng makita lalo na ang mahalin?! Why is it so forbidden?

He turned around before speaking. "I'm in love with someone else Miss Rose." Hindi ko naisip na posibleng ito ang isagot niya. No, maybe I just erased this possibility. "And I wouldn't dare break her heart."

Parang pinipiga ang aking puso. I need to respect his feelings kasi mas nauna ito kaysa sa nararamdaman ko. And I haven't reach that kind of thing yet anyway. The kind of love that he's probably talking about is almost near me but I'm not yet there. WIll I ever be? Magiging selfish ako kung hahayaan kong saktan niya ang babaeng mahal niya para sa akin. Yes, he's just with me because it's his f*cking job at ako lang naman itong naglalagay ng iba pang kahulugan dito.

Wala na akong narinig pa mula sa kanya dahil sa nakaramdam ako ng pagkahilo at nagdilim na ang paningin ko. That last thing I saw was his back walking away from me.

***

I woke up inside a room painted with beige color. It is also scented kaya napasarap yata ang tulog ko. Ang tamis ng amoy kaya nakakawala ng pagod at para akong baby na pinapatulog nito. Kung hindi ko lang napansin na hindi ito ang kwarto ko ay hindi ko maaalalang nandito nga pala kami sa bahay na regalo ni Daddy sa akin. Lahat ng naaalala ko ay hindi lang panaginip. Nangyari ang lahat, may mga taong namatay at nasaktan si Eros. Totoo ang lahat kahit na isipin ko mang hindi.

A Knight's ConfessionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt