Kabanata 19: Motorcycle

646 27 12
                                    

Unang araw ngayon ng sinasabing training ni Eros sa akin pero tamad na tamad pa akong bumangon. Sige matutulog muna ako ng ilang minuto pa. Nagtalukbong ako ng kumot.

"Miss Rose..." Ugh. Boses iyon ni Eros at mukhang nandito na siya para gisingin ako. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kumot ko at hindi ko siya sinagot. Tulog pa ako. Tulog pa ako.

"Wake up. We need to leave now." Oo at kailangan daw naming umalis sa bahay na 'to. I already mentioned to him what happened last night when he was not around. Sabi niya ay maganda siguro kung mawala muna kami rito sa rest house ng isang linggo para magtaka ang mga umaaligid-aligid dito at akalaing nag-iba na kami ng lugar na tinutuluyan. Kailangan daw muna namin silang linlangin.

Napuyat ako dahil kagabi pa lang ay pinagayos na niya ako ng mga gamit na kailangan kong dalhin ng isang linggo. Hindi ko nga alam kung saan kami nito tutuloy para sa training na gusto niya eh. Panay lang ang sunod ko sa kanya. No questions asked. Siguro dahil sobra ko siyang pinagkakatiwalaan.

Naramdaman ko ang paghila ng kumot ko kaya hindi ko ito hinayaan. Nakipaghilahan ako hanggang sa gumulong na ako pabagsak ng higaan.

"Aray!" sigaw ko pero hindi naman talaga ako nasaktan ng sobra dahil sa bumagsak ako sa katawan ni Eros. Ngumisi naman ako sa kanya.

"Hindi ka ba aalis sa ibabaw ko?" seryosong tanong niya kaya naman tumayo agad ako. Sumunod din siya bago muling nagsalita. "Maligo ka na at dalhin mo sa baba 'yung gamit mo pagkatapos. Kakain muna tayo bago umalis."

Napanguso naman ako bago tumango.

Gaya ng sinabi niya ay naligo ako ng mabilis at pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto ko. Nang humarap ako sa salamin ay naisip kong ayusin ang sarili ko. Maybe the right term is to change myself.

Kumuha ako ng gunting at ginupit ko ang buhok ko. Napapikit naman ako. Hindi ako sanay sa maikling buhok pero I'll give it a try. I need to be different from Ever Rose See.

Nang bumaba ako sa hagdan ay nakita ko naman si Eros na nagiintay sa sala. Ikinabigla ko nang mabalik siya sa pagkakaupo nang makita ako. 'Yung parang bumagsak bigla? Ganuon ba kapangit ang itsura ko? Pagharap ko naman kanina sa salamin, bumagay naman sa akin ang maikling buhok ko.

"Miss Rose... what did you do?" tanong niya kahit obvious naman kung anong ginawa ko. Bakit parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya? "I-Ikaw ba 'yan?"

"Bakit? Na-fall ka agad umikli lang ang buhok ko? Ganito ba tipo mo?" sabi ko habang hawak-hawak ang laylayan ng aking bagong gupit na buhok. Mas magaan ito kaya mas gusto ko. Nakakatawa naman si Eros. Parang hindi na niya agad ako nakilala dahil lang sa umikli ang buhok ko. Hanggang leeg na lang ang buhok ko ngayon.

Tumayo siyang muli at lumapit sa akin. Medyo naapektuhan naman ako dahil parang may kuryente sa katawan ko nang lumapit siya. Hay Ever! Grabe ka naman mag-react!

May inilabas siyang salamin na akala ko nung una may grado pero nang isuot niya sa akin ay wala naman pala. Parang pang disguise din ito. I look like a nerd now with my short hair and bangs.

I think I'll love this though. Kaysa naman ang ayos ko bilang si Mirna Dimalanta 'di ba?

"Mas bagay sa 'yo 'yung haba ng buhok mo dati." Ouch. Sakit naman niyang magsalita. Sana compliment na lang ang binigay niya sa akin 'di ba? Edi natuwa pa sana ako.

***

Kaya pala isang bag lang ang pinadala sa akin ni Eros at ganun din siya!

"Do you really expect me to ride a motorcycle and die?" Nakapamewang kong tanong kay Eros na ngayon ay nakasakay na sa motor niya at naka-helmet. Kung siya okay sa ganito, pwes ako hindi. Ayoko pang mamatay!

A Knight's ConfessionWhere stories live. Discover now