Chapter 13: Investigation

4.2K 113 58
                                    

***

Inalis na ang katawan ni Miss Vicente at naiwan nalang ang ginuhit na outline ng katawan niya sa gitna ng kwarto. Hindi pa din nalilinis ang dugo niya at may mga pulis sa paligid para kumuha ng pictures. Nakita ko silang naglalagay ng 'police line do not cross' tapes. Hindi ko alam tawag dun eh, basta yung yellow thingies na gamit ng mga police officer.

'You mean a barricade tape?'

Nahihiyang tumango nalang ako nang magsalita si Yuki through inner voice. Hindi naman kasi ako ganoon ka-maalam sa mga parts ng crime scene. At kahit may nababasa akong mystery books, wala naman silang nababanggit na ganon dahil mas naka-focus sila sa deductions ng bida.

Umiwas lang ako ng tingin at naghanap nalang ng pwedeng mapag tuunan ng pansin. Pero ang sama talaga ng tingin ng mga pulis sa amin, parang alam nilang pipilitin naming mag hanap ng clues tungkol sa case.

'Hay nako, dapat hindi nalang natin pinakilala ang sarili natin bilang highschool detective club. Kainis.'

'And whose idea was that? Tss. Gamitin kasi ang utak.'

'Oo na. Psh, meron ka na naman."

'Anong---!'

Nagdisconnect nalang ako sa usapan nila dahil medyo nakakairita na. Hindi ko alam kung paano ko na-close yung utak ko, pero nagawa ko naman.

Naglakad lakad nalang ako sa paligid para maghanap ng pwedeng clues, para makapagpahinga na rin ang utak ko sa mga nangyayari.

Napadaan ako sa isang swing sa backyard nila, mukhang luma na sya pero hindi pa naman ganoon ka phased out. Naupo nalang ako doon, at dahan-dahang nag-swing. Using my sixth sense, I replayed the scene earlier. I analyzed every detail I could bring back, pero parang wala naman sa kanila ang makakatulong sa paghahanap sa killer.

Napatigil ako dahil may mga yabag akong narinig sa likuran ko, at nung naramdaman kong nagbago na ang eye color ko, agad akong lumingon sa direksyon nito.

Isang babae na nasa 30's na siguro ang nakita ko sa likuran ko, nakadamit siya na pang-opisina at sobrang professional ang pagkilos niya. Hindi ko siya nakita kanina sa seance pero alam kong hindi naman basta basta makakapasok dito ang kahit sino lang kaya baka kakilala siya ng pamilya Cruz.

"Good day, young miss. My name is Nicolette Flores. I am Mrs. Gwendolyn Cruz's secretary, and I was entrusted with the letter she allegedly sent to Luzviminda Vicente." She smiled at me. I appreciated the introduction but why did she have to say that last part? Hindi kaya...

"You see, miss, I've known Miss Gwen since we were in diapers. I gave up hundreds of job opportunities just to stand alongside her. Kasama ko siya sa halos lahat ng lugar na pinupuntahan niya. Kaya naman kilala ko lahat ng taong nakasalamuha niya kahit noong buhay pa siya..." She trailed off and stared at me intently. Napaiwas naman ako ng tingin at naramdaman kong namumutla na ako.

Aish! Dapat si Hiroki ang nandito, eh! Napakagaling niyang mang-uto samantalang ako, hindi ko kayang makapagsinungaling nang hindi umaamin sa bandang huli!

"A-Ah, ga-ganon po ba?" Pasimpleng kinamot ko ang kaliwang pisngi ko dahil wala na'kong maisip na sasabihin. Patay! Baka mabuking kami na hindi talaga namin kilala si miss Gwend---

"Or, baka hindi lang kayo naipakilala ni Ma'am saakin noon." Napabuntong hininga nalang ako. "Anyways, tingin mo ba may maitutulong ako? I heard na part kayo ng isang detective club?"

Tantei High: The Second Generation (FANFIC)Where stories live. Discover now