Chapter 7: Meeting

4.9K 114 17
                                    

Oh, kala niyo update no? Bwahahaha umasa kayo forever! Dinivide ko ang chapters kase iba-iba naman talaga yung topic nila, at dahil gusto kong umasa kayo. Hahaha hindi masyadong nabago to pero basahin niyo pa rin ha? Please don't kill meh.
****

Akemi's POV

Huminga ako nang malalalim habang pinupunasan ang pawis ko gamit ang isang puting panyo. Habang kinukusot ko ang mga mata ko, naisip ko nanaman kung gaano nakakapagod ang trabaho sa school office. Sumasakit na ang utak ko kakaintindi sa mga complaints at suggestions na sinend dito. Namamanhid na din ang kamay at braso ko kakapirma sa papeles at kakalagay ng 'accepted' o 'denied' sa ilang request ng students. Naging bundok na halos ang mga nakatambak kong mga gawain at halos lahat sila ay kailangan na agad. Saludo na'ko kay Papa dahil nakaya niya ang mga ganitong office work.

Speaking of Papa... pumikit ako nang mariin para pigilan ang nagbabadya kong mga luha. His death is still in the back of my mind kahit na labing-tatlong taon na mula nang mamatay siya. Nanghina na ang katawan niya due to his age, so he was lying in bed all day and only our machines could keep him alive. Konting galaw lang niya, nanghihina na siya at dumating sa point na paghinga at pagsasalita na lang ang kaya niyang gawin. And after a week, he passed away. Kahit mas maikli ang lifespan ng Erityians, ni hindi pumasok sa isip ko na pwede siyang mawala sa akin.

I wanted to hate him, actually. Gusto ko siyang kamuhian dahil ang aga niyang umalis. Hindi na nga niya ako nakitang lumaki, aalis pa siya nang ganoon kaaga. Iniwan pa niya lahat ng pressure at responsibilities saakin, napilitan akong maging tribe leader kahit na sobrang aga pa at nagdadalamhati pa ako sa pagkawala ni Lorelei at Ethan. Even though I was still living my life.

But no, hindi ko magawang magalit sa kaniya. Kasi everytime I try, I remember myself holding his fragile hands while he's on his deathbed. Naaalala ko ang malawak niyang ngiti at ang luha niyang rumaragasa, ang mga mata niyang malayo ang tanaw. At ang mga huli niyang salita na mas lalong nagpaluha saakin nung mga araw na 'yon.

'I'd finally be able to see you, Rielle. Sorry for the wait.' After those words, his heart monitor went flat. Lahat kaming nandoon ay pumalahaw sa pagkawala ng pinakadakilang taong nabuhay sa mundong ito. Sa pagkawala ng Papa ko na si Aaron Lopez.

I wiped my tears upon remembering him. Mahinang tinampal ko ang mga pisngi ko para patigilin ang sarili ko. I need to get serious. I cannot show my weak side to my people anymore. I am their tribe leader, I live to be strong and I live to lead them. Wala akong karapatang mapagod o magreklamo. Hindi pwede.

I heaved deep breaths for a minute, saka ko sinulyapan ang teaching schedule ng former Atama Family. Sakto pala at sabay ang free time nila ngayon, pwede ko silang kausapin tungkol sa concerns ko.

I immediately contacted them using my watch. They gave me this as a birthday gift year. Para daw makausap ko sila dahil alam nilang gurang na ako bago pa man ako makalabas ng office na ito. Tsk. Mga walanghiya talaga.

Agad nilang sinagot ang tawag ko at nag flash ang mga mukha nila sa dalawang hologram na nag-pop up. Mukhang nasa faculty office pa sina Riye at si Hiro naman ay nasa Teacher's Village na at nagpapahinga sa kuwarto namin.

Kaya din pala dalawa lang ang lumabas na screen at si Riye lang ang sumagot, magkatabi pala sila ni Reiji. Nakabusangot naman si Hiro at mukhang kagigising lang niya dahil sa magulo niyang buhok. Medyo gumaan naman ang ekspresyon niya pagkakita saakin. Binigyan ko sila ng malawak na ngiti kahit pagod na pagod na ako sa maghapong trabaho.

Tantei High: The Second Generation (FANFIC)Where stories live. Discover now