Chapter 11: Ritual

5K 101 19
                                    

Not Edited

A/N: Kung confused kayo sa nangyayari, try to re-read chapter 10. I changed the case at medyo hindi lang pansin since hindi nabago yung unahan. Sorry again for changing it, treat ko na rin to for Halloween 🎃. Have fun reading!

***
Maaga akong nagising dahil masyado yata akong excited sa una kong case. Akala ko hanggang sa movies at books ko lang makikita ang mga ganitong situations. Pero mamaya, ipapadala kami para kami mismo ang nag-investigate!

"Good morning, ate. Ang aga niyo po ngayon ah." Nakangiting bati ni Megumi kaya napatawa ako. Mukhang napansin niya din na once in a blue moon lang kung gumising ako nang maaga.

"Oo nga, excited ka siguro, no?" Nanunuksong ngumiti sakin si Sakura at napatango nalang ako.

"Yeah, pero medyo kinakabahan din." Pag-amin ko, kasi totoo naman. Paano kung mamali ako ng deductions at iba ang maituro kong suspect? Paano kung wala man lang akong maitulong kahit may photographic memory ak—

"Alam ko ang iniisip mo, but loosen up! Believe me. You'll be fine." Umakbay siya sakin at napangiti ako. Guess I really shouldn't over think. Aasahan ko nalang sila sa pag-cover up saakin kung sakaling magkamali ako.

Nagluto ako agad ng fried rice at itlog, at nagprito din ako ng isda. Natawa nalang ako nang kuminang yung mga mata nila pagkahain ko sa kanila. Para silang mauubusan ng pagkain kung ngumuya, manghihingi pa sana sila ng pang-apat na serving eh.

"What the— Ang bilis naman ng oras! Tara na, bilis!" Nakisabay kami kay Sakura at dinampot yung mga dadalhin namin. Sobrang nataranta sila kaya napatawa ako, at least pala, mawawala yung kaba ko dun sa case.

"Naku po, baka po tumaba tayo sa mga luto ni ate Hiromi." Hinihingal na sabi ni Megumi habang tumatakbo kami. Binigyan ko naman sila ng mapanuksong tingin.

"Should I stop cooking, then?"

"NO!" Lumakas ang tawa ko nung sabay silang magsalita. Nag-redden pa yung mga mukha nila. Pfft.

Hindi na namin naabutan yung boys sa gilid nung hallway, mukhang nauna na sila sa agency kasi ang tagal namin. Nag-dalawang isip pa ako kung papasok ako kasi sobrang creepy talaga nung hallway na yun. At nung pumasok kami, sobrang higpit ng kapit saakin ni Megumi. Medyo masakit pa yung tiyan ko kasi tumakbo kami agad kahit kakakain pa lang namin. Naramdaman ko naman si Sakura sa harap namin, buti pa siya hindi natatakot.

"Haay. Late na naman ang girls. Ano pa bang bago?" Salubong samin ni Ochiro habang nakapamewang.

"Sa masarap yung luto ni Hiromi eh. At least kami busog, kayo stuck sa fast food. Bleeh."

"Tss. Nagutom tuloy ako... Hiromi, makikikain kami mamaya ah?"

"Palagi ka namang gutom eh. Hiromi, wag mong payagan yan."

Kilala niyo na siguro kung sinong nag-aaway. Feeling ko talaga clones sila nina Mama at Papa eh.

"Ate, Kuya, wag na po kayong mag-away." Awat sa kanila ni Megumi, para kasing worried siyang nagrarambulan anytime. Buti nalang sanay na ako sa mga bangayan na yan.

Pekeng umubo si Sir Kanda para kunin ang atensyon namin at napatigil naman sila sa pag-aaway. Umayos kami ng upo at humarap sa kaniya, mukhang seryoso siya kaya pinigilan ni Ochiro na magbiro.

"Atama, we'll send you off in 3 minutes. You'll have to observe the whole thing and look for loopholes. This spirit channeller might have fooled hundreds of innocent humdrums, and now is your time to corner her." Seryosong sabi ni sir at nag-agree kami. Masama ang kutob ko sa case na to at feeling ko may mangyayaring hindi maganda, sana lang hindi totoo.

Tantei High: The Second Generation (FANFIC)Where stories live. Discover now