Chapter 9: Return

7.9K 236 32
                                    

Akane's POV

Hello sa inyo readers! It's me, Akane! Well, it has been a month since Ethan and Lorelei went to Tantei High at wala pa namang mga Shinigami ng pumupunta o sumasalakay samin. Which is a go signal na pwede na kaming umuwi dahil wala nang panganib sa area na to at siguro hindi talaga kami nila natunton habang nagtatago. Kaya eto kami ng asawa ko, nag iimpake na at naghahanda para pumunta ng Tantei High. Hay...

Kamusta na kaya dun ang mga bata? Lalo na si Ezekiel, ano na kayang itsura nya? Ang alam ko lang ay medyo reddish din ang buhok nya gaya ko pero ano kaya ang mga paborito nya? Ang mga kinakain nya? May mga kalaro kaya sya doon? Iniisip ko lang na hindi ko alam ang mga maliliit na bagay tungkol sa kanya ay naluluha ako. Tinapik naman ni Ken ang balikat ko.

"Thinking about our son again?" He asked with a sad tone and I slowly nodded. He hugged me tightly and I sighed as I hugged back.

"Yeah, sorry for overthinking." I said.

"Don't worry, we'll see him later." He said with a reassuring voice. Pero alam kong hanggang tingin nalang kami dahil hindi kami ang tinuturing niyang niyang tunay na mga magulang.

"Should we tell him?" I asked with little hope, though alam ko na ang sagot.

"Not right away. But let us pack our things, baka hinihintay na tayo nila Hiro. Mainipin pa naman yun. " Natatawang paalala nito at binuhat ang mga bag namin. At tinulungan akong sumakay sa kotse.

Tahimik lang kaming nag-drive habang tinitingnan ko ang paligid. Naalala ko tuloynoong tumatakbo kami upang itakas ang mga bata dito at halos wala paring pinagbago ang lugar.

Madamo parin at mapuno upang maitago ang prescence ng Tantei High at para ma-ensure ang sefety ng mga Senshins. Wala pa ring pinagbago ang school nato. Huminto ang kotse namin at tinulungan akong bumaba ni Ken. Medyo malayo pa kami sa Tantei High dahil baka ma detect ng sensors ang sasakyan namin at akalain nila inaatake namin sila. Naglakad na kami at saktong pagkahawi namin ng mga dahon ay tumambad samin ang higanteng school na wala halos pinagbago.

We're finally back.

*****
Hiromi's POV

Hay naku nasan na ba yung Hiroki na yon!? Bwiset kasi sya, nakawin ba naman yung mga candies ko habang tulog ako! Hindi naman ako gaanong mahilig sa sweets eh, pero nagbabaon ako ng marami para mapang-suhol sa kaniya. Hindi kasi bubuka ang bibig nun unless may matamis kang pagkain. Pero nakatunog yata ang loko-loko at kunuha niya para di ko na siya mautusan. Napaka tamad talaga nun! Kukutusan ko yun kapag nakita ko!

Lumilinga linga lang ako pero hindi ko siya mahagilap. Hindi naman kasi enhanced eyesight ang sixth sense ko, no. Normal lang ang range ng nakikita ko, though naalala ko naman sila.

Hindi na ako nakapag-bigay atensyon sa dinaraanan ko kaya may naka-bangga ako.

Sabay kaming nahulog at napadaing ng 'aray'. Sabay nga din kaming napahawak sa noo at napahimas ng pwetan. Nang makabawi ako, pimagmasdang ko yung babae. Nakasuot sya ng corporate attire at may hawak na cellphone. Medyo magulo ang buhok nya at halatang kanina pa sya tumatakbo dahil medyo namamaga na ang paanan niya at namamawis na siya, pero sobrang ganda nya pa rin. Pero may napansin akong mas kakaiba sa kanya..

Magkahawig kami.

Magka hawig kami ng ilong at labi. Magkasing hugis din ang mukha namin but I only took it as coincidence kaya tumayo na ako para tulungan sya.

"Ay pasensya na po hindi po ako tumitingin sa dinadaanan ko. May hinahanap po kasi ako." Pagpapa umanhin ko at tinulungan syang tumayo. Hawak parin nya ang ulo nya at umiling siya ng kaunti. Nang tumingin siya saakin, intense green ang mga mata niya at feeling ko masisilaw ako. Pero sobrang nakakamanga dahil magkaiba ang shade ng mga ito. Yung isa ay light, intense green at yung isa naman ay medyo dark ang itsura.

Tantei High: The Second Generation (FANFIC)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن