Chapter 6: Logic

9.3K 238 28
                                    

Nanigas ang kalamnan ko matapos magsalita ni Ma'am Riye. Nakakakaba naman. Ang bigat ng atmosphere dito. Parang hindi kami magkakilala dahil sa sama ng tingin nila sa isa't isa. Perfect kasi sa logic test ang mananalo at minus 20 points ang makakakuha ng mababang score.

Kahit naman hindi nila sabihin, alam kong grade conscious sila at natural na sa kanila ang pagiging competitive. Sobrang fierce ng mga mukha nila at parang sasabak sila sa kung anong war.

"Okay let's begin the game. Be sure to focus." Panimula ni Ma'am kaya huminga ako nang malalim. I'm not really good with codes, pero siguro naman makakatulong ang mga nabasa kong cryptography reference books dati.

"What goes down but never goes up?" Buti nalang riddles lang at hindi codes. Wait.. Natatandaan ko yan eh.. Ah!

"Rain/Rain." Sabay na sagot namin ni Hiroki at nagkatinginan kami. Pinanliitan ko siya ng mata at parang sinasabing 'anong plano mo sa buhay' pero wala pa ring nagbago sa mukha niya. Confirmed: Sabay talaga kaming mamamatay.

"Okay, since they answered at the same time, both teams will receive a point."

G-I B-1

'How do you get down a 100-meter ladder without getting injured? You can't climb down.'

Riddles lang naman pala. Buti nalang nabasa ko yan sa isang book 4 years ago. Sinagutan ko din yun nung elementary, February 18, 2010. May lagnat pa nga yung isa kong classmate at si Hiroki naman ay umabsent noon kaya hindi ako mapakali. May electrician pa nga na nag-aayos ng electric fan sa gilid ko at narinig ko pang binulong niya ang sagot--- Oops, sumobra ata ako ng kwento. Pero alam ko na yan kaya--

"By laying it flat on the ground." Yuki said with sharp eyes. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano, pero feeling ko ganyan ang hitsura kapag naka-focus. Matapos tumango ni Ma'am ay nag-lean lang siya sa upuan niya at pumikit, pero ramdam kong hindi siya tulog.

Si Ochiro naman na katabi niya ay naka-fold pa ang braso at nakapikit din. Inisip kong baka nagko-concentrate lang din siya sa pagsasagot nga riddles gaya ni Yuki pero hindi pala.

Tumutulo ang laway eh.

Tahimik nalang akong humalakhak at binalik ang tuon ko sa mga tanong ni ma'am.

G-1 B-2

'A plane crashed in the border of Germany and France. Where were the survivors buried?'

Nag-focus ako sa tanong na iyon. Hindi ko pa nababasa yon o naririnig pero in-analyze ko naman ang sagot. Hmm... Wait, nasa dulo na ng dila ko eh.. Ah! Alam ko na---

"They're survivors, they weren't buried." Napatingin ako sa direksyon ng boys at si Hiroki ang sumagot. Tss. Sasabihin ko na dapat eh. Sumama ang tingin ko sa kanya pero hindi niya man lang ako pinansin. Oh no! Ayoko ng deficit na 20 points! I need to focus.

G-1 B-3

'Mr. Green lives in the Green house, Mr. Pink lives in the Pink house, Mr. Red lives in the Red house. Who lives in the White house?'

Hah! Naalala ko yan!

"The president." Sagot ko at tumingin kay Hiroki na magsasalita pa lang sana. I gave him a mocking smile but he merely shrugged me off with a bored look. Ano pa bang aasahan mo sa isang Laird Ethan Rafael?

G-2 B-3

'What is at the end of a rainbow?'

"The letter W." Sagot ni Megumi habang nahihiya pang itinaas ang kamay. Namula pa ang pisngi niya nang sabay namin siyang tingnan. Hehe.. cute.

G-3 B-3

'A man was called by the police and they said his wife was dead and they told him to go to the crime scene. After 20 mins, the man came and the police arrested him for murder. How did they know he was the killer?'

Tantei High: The Second Generation (FANFIC)Where stories live. Discover now