Chapter 3: Atama

9.2K 224 52
                                    

Maaga kaming gumising at sumakay sa kotse ni Mama. Pero dahil gusto pa naming lahat na mabuhay, si Papa ang nag-drive.

Hindi pa namin nasusuot yung uniforms at naka-casual lang kami, sabi kasi ni Mama wag muna eh. Siguro may kinalaman to sa pagiging secret organization chorva chuchu ng Tantei High. Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong clue kung bakit kailangan pa niyang maging secret.

Nandito kami ngayon sa isang higanteng gubat, Latens forest ang tawag dito sa pagkakatanda ko sa isang city map. Nilalayuan ng nga tao ang lugar na to dahil rumored na maraming unknown wild animals dito.

Pero sigurado ba sila Papa na sa isang school nya kami dadalhin? Hindi kaya wala talagang Tantei High at gawa-gawa lang nila yun para hindi kami madisappoint!? Pero hindi rin nilang dalawa kinaya ang hiya ng pag-eexpel samin kaya ipapatapon kami sa gubat---

Napahinto ako sa pag-iisip nang tumawa nang malakas si Mama at Papa. Hala, bakit kaya? Pero ayos na siguro to, nakakasakal kasi ang awkwardness at tension sa paligid kaya gumaan nang konti yung atmosphere.

"Papa, nawawala po ba tayo?" Nag-aalala kong tanong pagkatapos ng tawanan at umiling lang siya habang nakafocus na ulit sa pagmamaneho. Hindi nalang ako nagrekalamo at kinabisado ang paligid dahil baka sakaling tama ang hula kong pagligaw saamin nina Mama at Papa. Narinig ko ulit ang tawanan nila Mama at hindi ko nalang pinansin dahil mas mahina na ito kaysa kanina.

Huminto kami sa gilid ng isang forest, hindi na daw kasi kakayanin ng sasakyan nya ang terrain dito dahil masyadong mapuno. Kaya naglakad nalang kami kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Mukha namang alam nila talaga kung saan kaya iwinaksi ko nalang sa isip ko ang ideyang pag-abandona nila saamin.

Hinihitak hitak ko lang si Ethan dahil pakurap-kurap pa sya at hindi pa sya masyadong oriented sa mga nangyayari. Mukhang nasa dreamland pa ang utak nya at nakasakay pa sa unicorns habang kumakain ng rainbow cotton candy. Creepy, I know. Pero laging ganoon yung pagkakadescribe nya sa mga panaginip nya.

Matapos ang ilan pang hilahan at pagsabit ng buhok ko sa sanga, may hinawing mga bush si Mama at halos malaglag ang panga ko sa gulat.

Sino naman ang nasa tamang pag-iisip ang magtatayo ng paaralan sa pusod ng kagubatan!?

Kanina ay medyo seryoso sila pero ngayon ay nanunubig na ang mata nila Mama at Papa at bigla kaming niyakap na dalawa nang mahigpit. Ramdam ko ang sakit sa bawat hikbi nila kaya pinigilan ko ang pagtulo ng sarili kong luha at niyakap ko nalang sila pabalik.

"We'll miss you both. Sana paniwalaan niyo lahat ng malalaman niyo diyan, it's time to discover your own identities. We'll be seeing you soon." Sabi ni Mama at naglakad sila paalis. Medyo naguluhan naman ako sa sinabi nya, pero hindi ko nalang yun pinansin at kumaway nalang ako hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

"Transferees, welcome to Tantei High." Masayang bati saamin ng isang lalaki at iginiya kami sa isang pila.

"Awesome..." Biglang bulalas ni Ethan kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin siya sa gate at medyo nanlaki ang mata nya. Bigla ngang nagliwanag yung mata nya eh, parang naging kulay yellow? Ayy, baka namamalikmata lang ako dahil kinakabahan ako sa pagpasok namin.

"Ha? Bakit? Ano bang nangyayari?" Usisa ko at tinuro nya yung gate. Hindi pa rin nya inaalis yung tingin nya sa doon pero alam kong naririnig nya ako. Kumurap-kurap muna sya bago sagutin ang tanong ko.

"Our admission slips are becoming ID's." Sabi nito pero hindi ko nalang pinansin dahil siya lang naman ang nakakakita nun dahil sa mata niyang pambihira.

Naghintay pa kami ng ilan pang minuto at medyo bumilis naman ang takbo ng pila namin kaya medyo lumapit na kami dun sa mga bantay. Naghintay pa kami nang ilang sandali at kami na ang susunod kaya ibinigay ko yung papeles namin. Tama nga si Ethan! Nagiging ID yung slips!

Tantei High: The Second Generation (FANFIC)Where stories live. Discover now