"Nga pala Ayin, maiba tayo eto pala yung itatanong ko sayo." pinakita ko yung letter.
A/N: sa mga di tanda eto po yun
Huwag ka ng laging apurado. Mas maganda ka kung laging nakangiti.
LessthanThree Ü
"Ayan best, ano bigsabihin nung LessthanThree Ü ?"
"Buwahahaha. Seriously best? Di mo alam yan? Abno ka ba? Manhid? Timang or something?hahaha."
"Eh itatanong ko ba sayo kung alam ko?"
"hahahaha. Di nga best? Yung totoo? Baka naman tintrip mo ko?" Hay nako kainis naman tong si Ayin. Ang tino tino ng tanong ko eh.
"OO NGA! DI KO NGA ALAM. KAINIS NAMAN TO EH. TINATAWANAN MO KO."
"Whoa! Best chill. Eh kasi naman di kapani paniwala. Okayy yan kasi ibig sabihin niyan eh ganto : <3."
"O e anong meron dyan?"
"Tungaks Ayes. Tignan mo kaya maigi. Dinorowing ko na nga"
"Ayy haha alam ko na. Heart pala. XDD so ibig sabihin parang heart you or love you ibig sabihin nun?"
"Yun! Natumbok mo bestfriend."
"Pero teka, eh sino ba nagbigay niyan best?"
"Ewan ko nga eh pagkabukas ko ng locker nun may ganyan na. Tapos wala pa namang sumunod diyan na iba pa."
"Ahh siya sa susunod pag meron ulit sabihin mo sakin ha. Baba lang muna ko baka nagrarambulan na yun tatlo. Pati miss ko na si Nico *wink*"
"Hahaha. Best iba na yan. XDD" Sabi ko ng may malapad na ngiti. hahaha
Pagkaalis ni best. Inayos ko na mga gamit ko. Pati tong sulat na to. Itatabi ko muna sa pinakatago tago kong lalagyanan. Kaso sa paglalagay ko nun may nakita ako biglang notebook. Naalala ko na naman. Saktong bukas ko pa sa page kung saan nakasulat yung tulang ginawa ko dati para kay Per. Ewan ko ba napagtripan ko lang gawin yun nun. Natatawa kong isipin haha grabe pala talaga nagiging epek ng first love. Nakakabaliw. Para kong sira.
Before I Go
Before I go, I want to let
You know hot it was going through
Before I go, I want to feel
The love that I have deep inside
Before I go, I want to remind you
That yesterday was a beautiful thing
Before I go, I want you
To see my feelings
Before I go, I want to see
You say my name
Before I go, I want to tell you
The feelings I have
And before I go, I just want to say
How much I LOVE YOU!
Grabe lang pala ko noon pa man. Nainlove ako sa bestfriend ko. Oo inamin kong crush ko siya. Pero never kong naamin na humigit pa doon kasi ayokong may masirang friendship. Sayang naman di ba. Drama drama erase erase. Tss. Makababa na nga rin at makisali sa kanila.
YOU ARE READING
Less Than Three
Teen FictionInlove si Ayes sa kanyang kababatang si Jasper. Pero pinili niyang kalimutan ang kanyang nararamdaman sa loob ng mahabang panahon para masave yung friendship nila. Mananaig pa rin ba ang first love sa pagdating ni Kyle o mabubuo na sa kanyang isipan...
Chapter 12
Start from the beginning