Chapter 11

1.2K 24 2
                                    

XIANA'S POV

Dahil marami nang estudiyante ang naki-chismis sa amin sa labas ay pumunta na lamang kami sa building ng mga camp directors. Nasa may waiting room area kami kung saan may sofa.

Magkatabi kami nina Pierce at Ash, at nasa harap namin sina Zander at yung babae niyang parang linta kung makayakap sa braso nito.

Nakapako lamang ang tingin ni Zander sa akin na parang may gusto siyang sabihin. Pilit akong umiiwas dahil nagiging uncomfortable ako. Lalo na at may kasama siyang babae at kasama ko ang boyfriend ko.

"Awkward..." Pagbasag ng katahimikan ni Ash. Tiningnan namin siya nina Zander at Pierce ng masama. Kaya tumahimik na lamang siya.

Nagulat kami nung biglang bumukas ang pinto ng building at pumasok sina Hunter at Zeke na parang dinaanan ng bagyo. Gusot-gusot na ang kanilang mga damit pati na din ang kanilang mga buhok.

"Fuck those girls! I barely made it out alive!" Sabi ni Zeke at inayos niya ang kaniyang nagusot na puting polo.

"Tangina! Kinuha nila ang jacket ko!" Sabi naman ni Hunter na handa na susugod na sana sa labas pero pinigilan siya ni Zeke.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Pierce sa kanila.

"Tinawagan kami ni Ash. Sabi niya exciting daw may magandang nagaganap dito. Kaya pumunta agad kami." Sabi ni Hunter.

Napatingin kaming lahat kay Ash. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at inosente kaming tiningnan. Langya talaga ang madaldal na lalaking to. Umupo na din silang dalawa sa sofa na nasa magkabilang gilid. Ngayon, kompleto na naman kami. Mas lalong nag-iinit dito ah.

"So... who's this girl?" Taas kilay na tanong ni Zeke at tinuro niya ang blonde girl.

"I'm Veronica Harris. I'm Zander's fiancé." Magiliw niyang sabi and she rested her head on Zander's shoulder.

Lahat kami ay napanganga sa sinabi ni Veronica. Fiancé? So all this time may fiancé na pala siya. And he's here telling me that he loves me.

"Gago ka! Bakit hindi mo sinabi sa amin na may fiancé ka?" Binatukan ni Hunter ang ulo ni Zander. "Arranged to no?" Bulong pa ni Hunter sa tenga ni Zander na narinig naman naming lahat.

Hindi sumagot si Zander pero base sa reaksyon niya mukhang alam na namin kung ano ang sagot niya sa tanong na yun.

"Tangina! I feel you bro!" Hunter patted Zander's back.

"Kailan ang kasal?" Tanong naman ni Zeke.

"We're not yet fully engaged." Matigas na sabi ni Zander.

"But Honey, doon naman tayo papunta eh. By the time I turn 21 we will be engaged. And after that we will be happily married." Masayang sabi naman ni Veronica.

Ngumiti sa kanya si Zander at tumango ito. Huh! What the heck?! So kasinungalingan lang pala ang lahat ng sinabi niya. How dare him! and why the hell am I reacting like this?

"Congratulations, Zander." Nakangiting sabi ni Pierce.

"Congratulations." I let out.

Napatingin sa akin si Zander. His eyes are telling me that he wants to explain. Pero ayoko na. Minsan na akong naniwala sa mga matang yan. Hinding-hindi na ako magpapaloko.

"Masyado pang mabilis mag congratulate. Hindi pa kami engage." Sabi niya.

Pagkatapos ng usapan namin ay nagkahiwahiwalay na kami. Pumunta kami ni Pierce sa may dagat.

"Pierce. What are you doing here? Hindi pa tapos ang camping. Pierce! Siguradong magagalit ang teacher mo dahil nag skip ka!" Pag sermon ko sa kanya.

"Xia, don't worry. Gagawa lang ako ng 10 pages of report sabi ng teacher ko. Xia, I was worried sick on you. I can't contact you and you sent me this message and it made me fucking crazy, Xia!" He frustratingly said.

"Wait, what message? I can't contact you because our phones are confiscated. What message are you talking about?" I asked him. Kinuha niya ang kaniyang phone at pinakita niya iyon sa akin.

From: Babe ♡

Fuck off Bastard! Let's just damn break up.

What the--! I didn't send this. I will never do this to Pierce. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko na maaring makagawa nito. How the hell did he know the password of my phone?

"Look, Babe. It's not me. Just stay here okay? Babalik ako. I'll fix something." I grabbed his face and I kissed his cheek. Then tumakbo na ako palayo sa kanya. I heard him call my name but I didn't look back.

I have to finish this. I have to stop his game. Hinanap ko siya sa buong campsite I even asked some of the students but they have no idea.

Habang hinahanap ko siya ay biglang may tumakip sa bibig ko at dinala niya ako sa likod ng comfort room. Kung saan kami nag-away ni Zander.

Binitawan niya na ako pagkarating namin doon. Humarap ako kung sino ang walang hiyang kumuha sa akin.

At yun naman pala. Si Zander lang naman. Yung lalaking kanina ko pa hinanahanap. Walang emosyon ko siyang tiningnan.

"Baby, let me explain." Sabi niya at akmang hahawakan niya ako pero lumayo ako sa kanya.

"Don't touch me! And I don't care about your damn explanation!" Pagbanta ko sa kanya at tinuro ko siya. "I won't let you use me on your game Zander. Ngayon, sabihin mo sa akin. Ikaw ba ang nag text kay Pierce?"

Hindi siya sumagot. He just pursed his lips. Ayaw niya sa lahat ay yung sinesermonan siya. I don't care! I just want to end this. Because if this continues, just one step and he'll finally break my wall.

"Yes. Ako nga. And it is not the issue here, Xia. Let me explain about Veronica."

"Enough Zander! I don't care about your Veronica! I don't care about your fucking marriage! I don't want to be part of your game anymore. Alam ko naman na kasinungalingan ang lahat ng sinabi mo kagabi. You are just playing with me!" Hindi ko napigilan umiyak.

"Xia, please! Let me explain. This is not a game and you will never be part of it! Please just let me explain! Hindi pa kami engage ni Veronica."

"Just stop, Zander. Stop kissing me, stop hugging me, stop flirting with me, and stop manipulating me." Tumalikod ako sa kaniya at akmang aalis na ako pero niyakap niya ako mula sa likod.

I heard him sob. This is the first time he cried. Damn! It's making me hard to let go of him.

"No, please, no, Xia. Let me explain. Veronica is just arranged to me because of my father. I tried to escape, Xia but I can't. Xia, please, believe me. Ikaw ang mahal ko. Paniwalaan mo naman ako oh."

Tahimik lang akong nakakinig sa kaniya habang umiiyak siya. It hurts to see him cry. He never cries. Not in front of me.

"Zander please, let go. If you continue this, I might fall again. Marami ang masasaktan pag ipagpatuloy natin ito." Sabi ko sa kanya at napaiyak na din ako.

I admit now. I'm falling on Zander again and I'm falling hard. I want to punch myself for hurting Pierce. He doesn't deserve this. He doesn't deserve me.

"Just fall, Xia. I'm ready to catch you. I won't give up on you." Zander said.

"No. Just stop this, Zander." Bumitaw na ako sa pagyakap sa kaniya at tumakbo na ako palayo.

Is this what it feels like? Being torn in two men? It hurts like hell. Nasaktan ko na ang isa sa kanila. Yung nasaktan ko pa ay yung taong minahal ko.

I love Pierce, but I'm starting to fall to Zander again and this time I'm falling deeper.

TWO HEARTS (Phoenix Series #1.1)Where stories live. Discover now