Chapter 8

1.2K 25 1
                                    

XIANA'S POV

The day of our camping trip has come. All the students are gathered here on where our bus will fetch us. Kaming mg Grade 11 ay nakasuot ng blue t-shirt na may logo ng school naming sa upper left ng t-shirt. Yung mga Grade 12 naman ay nakasuot din ng t-shirt katulad naming pero kulay puti naman ito.

"Babe, you have to call me alright?" Pierce said.

"Yes, Babe. I promise to call you every night!" I pinched his cheeks.

"I'll be waiting for it." He smiled at me at hinalikan niya ako sa aking noo.

"Our bus is here. Talk to you later, Babe." Ginulo niya ang buhok ko at sumakay na siya sa kanilang bus. He even gave me a flying kiss before he entered their bus.

Napangiti naman ako sa ginawa niya. I'm gonna miss him. Di bale, tatawagan ko na lamang siya gabi-gabi.

Naging maayos ang relasyon naming ni Pierce dahil ilang araw din hindi nagpakita at nagparamdam si Zander sa akin. That's a good thing para maiwasan ko siya. He'll do no good to me.

Makaraan ang dalawang oras ay nakarating na kami sa aming camping site. It's near the sea. Mayroong tatlong building na nakaharap sa dagat at sa likod ng building ay puro mga puno. This looks like an exclusive place for those who wants to camp.

Dumeretso kami sa dining hall dahil mayroong ia-announce ang head ng camping trip na to. Siguro nagtataka kayo kung bakit wala akong kaibigan. Actually, kaibigan ko silang lahat. I'm just a neutral student. I'm not sticking to one person.

"Good morning juniors! Welcome to Seashore Camping Site. I'm Sir Rogers and I'll be the head of this camp activity. Now, gusto kong malaman niyo na mayroon tayong kasamang mga espesyal na mga panauhin. They will also serve as your camp directors." Sabi ni Sir Rogers. He's about my father's age. Malaki lang ang tiyan niya. Isa siyang PE teacher sa school namin. Natatawa ako sa suot niya ngayon. Katulad nito ang mga sinusuot ng mga boy scouts at may backpack pa itong dala.

"I heard gwapo daw ang mga special guests natin." Bulong sa akin ng katabi ko na si Gaea.

"I thought Ms. Lily, Sir Carl, and Sir Harry are our only camp directors?" Nagtataka kong tanong. Gaea shrugged her shoulders. "I don't know. Maybe they changed their minds? Rinig ko kasi nag-volunteer yung mga special guests."

"Let us welcome! Ashton Lockhart and Zander Morendele!" Pagkasabi nun ni Sir Rogers.

Lumabas ang dalawang lalaki na naka shades. Para silang mga modelo ng summer wear. Si Ash nakasuot ng sando na kulay gray at boardshorts kaya kitang kita ang muscles niya sa kanyang braso. Siguradong naglalaway ngayon ang mga babae sa nakikita nila.

Zander is wearing a powder blue long sleeve linen beach shirts na nakabukas ang ilang butones nito, showing some part of his broad chest. He's wearing a brown khaki shorts and a branded summer slides. Is that Gucci? Damn, camping lang to hindi runway.

Naghiyawan ang lahat ng students dahil hindi sila makapaniwala na member pala ng Phoenix ang special guests. They both took off their shades as they stood infront of us.

Zander's eyes stayed at my direction while a playful smirk plastered on his lips. Habang si Ashton naman ay nakangiti lamang at tumitingin sa amin, if I know naghahanap lang yan ng pwede niyang ma target sa mga babae.

"What?! It can't be!!!" I stood up and slammed the table. Everybody looked at me.

"Is there a problem Ms. Lopez?" Taas kilay na tanong sa akin ni Zander. Damn! Bakit siya nandito? Okay na yung ilang araw niyang pagpapatahimik sa akin. Why now?! Paano ko siya maiiwasan kung magkasama kami dito sa camp?

TWO HEARTS (Phoenix Series #1.1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat