CHAPTER 2

2.5K 49 1
                                    

XIANA'S POV

Tahimik lang kaming nakaupo sa sofa. Kompleto na kami kaya dapat masaya kami ngayon pero hindi namin magawang magsaya dahil ang awkward. Kanina pa kaming walang imik at nagdedebatihan kung sino ang unang magsasalita.

Magkatabi kami ni Pierce. Tapos sa harap namin ay sina Hunter, Zander, at Zeke. May sariling ginagawa sina Zeke at Hunter. They're just pretending to do something para maiwasan ang tensiyon ngayon dito sa sala.

Zeke is reading a book but his eyes are sometimes glancing at us. Same thing to Hunter, pero sa cellphone niya naman ito nakatingin. Sa gilid naman sa may single sofa ay si Ashton na palipat-lipat ang tingin sa amin. He's the only one who finds this tension entertaining.

"So, kailan naging kayo? Kanina lang?" Pagbasag ni Hunter sa katahimikan.

"Yes, and were happy to be together." Hinawakan ni Pierce ang kamay ko na ikinapitlag ko.

Shit! Bakit ako nagulat? Eh, kanina pa kami naghahawakan ng kamay.

I look at Zander. Matalim ang tingin niya sa magkahawak na kamay namin ni Pierce. That intimidated me like I have done something wrong in front of him.

"Talaga? Edi--" Hindi natapos ni Hunter ang kaniyang sasabihin dahil biglang sumabat si Zander.

"Do you love each other?"

Napatingin kaming lahat sa kaniya. Naramdaman kong humigpit ang paghawak ni Pierce sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. His lip is as thin as a line at gumagalaw ang naninigas niyang panga. Naiinis na siya at minsan ko lang nakikitang mainis si Pierce.

"We won't be together if we don't love each other, Zander." Matigas na sabi ni Pierce at nakatingin siya ng matalim kay Zander. Hindi pa din nawawala ang linya na nakaukit sa mga labi ni Pierce.

Now, Zander's lips copied Pierce. Ano to? Labanan ng labi? Kung sino ang may pinakamatuwid ang linya siya ang panalo?

"Uhm... umalis si Zander dahil sa kaniyang daddy. Pinagpatuloy niya ang pag-aaral niya doon and he graduated there. Dito muna siya para magbakasyon." Pag-iba ng usapan ni Ash. Nahalata niya siguro na nag-iinit ang dalawa.

"I'm sorry I didn't say goodbye." He said to us but he's eyes are darted only to me.

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa tingin niya. Parang sa akin niya sinabi iyon at hindi sa kanila. My heart is beating loud that I am afraid that they might hear it. I stood up because I can't take the look of Zander to me and the way that my stupid heart is responding at his stare.

"Gagawa lang ako ng makakain habang nagpa-practice kayo." Sabi ko. They also stood up.

"That's a good idea! Gutom na ako!" Sabi ni Ash.

"Tulungan na kita, Babe." Pag-alok ni Pierce.

"It's alright Pierce. Kaya ko na." Ngumiti ako sa kanya.

Tumango na lamang siya at sabay na silang pumasok lima sa band room. I went to the kitchen. Gagawa na lang ako ng sandwich at juice.

It was a shock that he's back. Nung nakita ko siya parang gusto kong bawiin kay Pierce ang pagsagot ko sa kanya. But I can't! I don't want to hurt him. Damn it! Why am I even thinking of that?

Besides gusto ko naman siPierce. Siguro iniisip ko lang ito dahil namiss ko lang si Zander. I don't love him anymore, baka pagka-miss lang ito. Maybe I'm just overthinking.

While I am slicing the cheese, nagulat ako nung may kumuha dito ng isang piraso.

I looked at thief and damn it! I almost jumped back. Nasa harap ko na ngayon yung lalaking matagal nang hindi gumambala sa dibdib ko but just a moment ago, he disturbed it again.

TWO HEARTS (Phoenix Series #1.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon