Chapter 4

1.5K 32 2
                                    

XIANA'S POV

"That was great guys! You just hit 900k tweets this night." Masayang bati sa amin ni Ate Ashe and she showed us her phone.

We saw the #PhoenixComebackConcert which has 900k tweets. Wow! We almost hit the record!

"Good job everyone." Sabi ni Ate.

"We almost hit the record, Babe. At intro pa lang yun. I bet we can hit 1 million tweets later." Niyakap ako ni Pierce.

"Yes! This concert is the best." Niyakap ko din siya dahil sa sobrang tuwa.

Nakita kong malakas na sinipa ni Zander ang isang upuan kaya natumba ito. Napalayo ang ibang staff nung sinipa niya ito. Agad namang pinatayo ito ng staff kahit ito'y nagtataka at natatakot lumapit kay Zander. Mukhang mainit ang ulo niya ah.

"Well, someone is getting hot." Sabi ni Ashton.

Kinuha ni Zander ang damit niya at pumasok siya sa dressing room.

"May problema ba siya?" Tanong ko kay Ashton.

He shrugged his shoulders. "I have no idea. Jealous maybe?" He smirked at me. Jealous? Why would he be jealous? And to whom?

Lumabas na sa dressing room si Zander. He's now wearing the clothes prepared for his solo. A blue and white dress shirt na naka-tuck in sa black pants niya. Nakatupi hanggang sa siko niya ang sleeves nito at nakabukas ang tatlong butones ng shirt niya.

It's time for him to perform his individual performance. He took his guitar from the guitar stand.

I remember that guitar. It was my gift for him when I was still chasing him like an idiot. It's a white guitar na katulad sa model ng first guitar ko. Sinadya ko talaga na magkapareho ang gitara naming para goals. Ganyan ako kabaliw sa kaniya noon!

Nung dumaan siya sa tabi ko, binangga niya ako sa aking braso. "Aray!"

Pero hindi niya ako pinansin. He just walked straight to the stage. Ang childish talaga ng mayabang na yun!

Paglabas niya ng stage naghiyawan ang lahat ng tao. They are all happy to see the hot guitarist of Phoenix. Nakatayo kaming lima sa may entrance ng backstage para mapanood namin siya.

"Ang unfair talaga ng lalaking yun! Mas marami siyang fans kesa sa akin. Eh mas gwapo naman ako dun." Nag pogi pose pa si Ash.

Binatukan naman siya ni Hunter. "Gago! Mas gwapo ako."

"Huwag nga kayong mag-away. Ako ang pinakagwapo sa ating lahat." Sabi naman ni Zeke habang naka cross arms at nakangisi. Pati siya nakisabay na sa trip ng mga loko.

"Shut up all you! We all know na ako ang pinakagwapo dito dahil ako ang pinili ni Xia. Diba, Babe?" Inakbayan ako ni Pierce.

I rolled my eyes at pinitik ko ang noo niya. "Ang yabang mo! Makipag-break kaya ako sayo?" Pagbibiro ko sa kanya.

"Ikaw naman! Alam ko naman na hindi mo ako papalitan dahil ako ang pinakagwapo." Then he winked at me. Minsan talaga ang hangin ng lalaking to. Pareho silang lahat mahangin.

"Ewan ko sayo. Panget mo!" Tukso ko sa kanya.

Umupo si Zander sa upuan na nasa gitna ng stage. May mic sa harap niya at nasa lap niya ang kaniyang gitara.

Why did he chose to take that guitar? Sa pagkakaalam ko marami siyang collection ng mga gitara. Matagal ko nang nabigay ang gitarang yan sa kaniya kaya hindi na ito latest model ngayon.

"So he will use the guitar that you gave to him." Pierce said seriously. Tumingin ako sa kaniya. His jaw is clenching and moves in an unlikely manner. He's throwing daggers to Zander by using his gray eyes.

TWO HEARTS (Phoenix Series #1.1)Where stories live. Discover now