July 19 (Tuesday)

15 4 0
                                    

---

Full moon pala ngayong birthday ko... Sana buo rin kaming pamilya ngayong birthday ko.

Hindi ko alam kung bakit ang lungkot ko. May handa naman sina mama at papa ngayong fifteen ako. A part of me is happy, and the other is not--certainly not.

Kanina... kanina lang nag-reply si kuya sa mga chat ko sa kanya. Binati niya rin ako roon. Ang tanda ko na raw, at saka okay lang din daw na puro ako Cara, Cara, Cara. Naiintindihan niya raw, dahil talaga raw na nakakalungkot ang may away with best friend.

May tig-iisang gift sina mama, papa, at kuya sa akin. Gano'n na rin ang iba kong kaklase. Absent nga lang si Cara, like what I expected.

Nakakatuwa at nakakaloka lang din kasi... may mga gift sila sa akin kahit na ang sungit ko sa kanila. Mukha tuloy silang napilitan. Hindi ko tuloy alam kung gusto nila akong maging kaibigan o sadyang talino ko lang ang habol nila.

Ang sama ko talaga; iniisip kong talino ko lang ang habol nila sa akin. Malay mo, 'di ba? May mga taong gano'n.

Anyway, I'm still hoping na magkakaayos na kami ni Cara. Wow, this is not so me, hoping? W O W !

So... Happy birthday to me... It was always meant to be happy.

---

A Month in My DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon