Prologue

47 3 0
                                    

---

"Bianca!"

Napalingon ako sa kanan ko. Tumingin din ako sa kaliwa ko. Wala namang tao rito, pero may narinig akong tumatawag sa akin. Ang weird naman yata. Nakakatakot na 'to.

Dumilim bigla ang paningin ko, dahil may mga kamay na nakatakip sa mga mata ko. Mabagal kong kinapa ang mga kamay nito. Sa kaliwa niyang kamay, may nakapa akong parang... bracelet! Si Besh 'to!

"Besh, ikaw 'yan," ang sabi ko kay Cara. "May bracelet ka, e."

Tumawa naman siya. Ang sunod niyang ginawa ay ang pagtanggal ng bracelet niya. Binulsa niya ito.

"Hindi na talaga ako magsusuot ng bracelet," ang patawa niyang sabi.

"Bakit naman?" ang tanong ko habang nakatingin kay Cara na uupo pa lang sa harap ko. Nandito kami sa terrace ng bahay namin, at may isang small circular table. May dalawang upuan ito, at dito kami nakaupo.

"Kasi... lagi nilang nahuhulaan kung sino ako kapag suot ko ang bracelet na 'yon." Nalungkot lang ako sa sinabi niya.

"Besh naman... 'Walang gan'yanan. Suot mo na ulit, please?" ang sabi ko sabay tago ng diary ko sa likod ko ang diary ko. Last year kasi ang pinakamatindi naming pag-aaway, at ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya dati ay nakasulat sa diary na ito. Although okay na kami ngayon, natatakot pa rin ako na malaman niya ang mga masasamang bagay na sinulat ko tungkol sa kanya.

Napatingin lang ako sa kanya para malaman kung nakita niya ang diary ko. Pero nakatingin na siya sa akin, kaya binigyan ko na lang siya ng awkward smile.

"Besh, bakit... bakit hawak mo 'yong journal mo last year?" ang marahan na tanong ni Cara. Ayaw kong makita niya ang mga sinulat ko roon, pero ayaw ko rin namang magsinungaling sa kanya.

"Magre-reread lang ako ng..." huminga ako ng malalim at saka nagsalita, "ng entries ko last year."

Natakot ako sa serious niyang expression habang nakikinig sa akin. Fortunately, ngumiti siya nang natapos na akong magsalita. Nakahinga na ako nang maluwag doon.

"Basahin natin 'yong July," ang sabi niya habang nakangisi. Natigilan ako sa paghinga. Last year, July ang month ng biggest argument naming dalawa, at gusto pa niya itong basahin. Oh, my head! Hindi ko tuloy alam kung papayag akong basahin namin ang pages ng July, pero... whatever.

"Sige," ang mabagal kong sabi. Ngumiti naman siya, at naniniwala akong totoo ang ngiti ni Cara ngayon. Kinuha ko ang diary ko mula sa likod ko. Inusog ni Cara ang upuan niya palapit sa akin. Binuklat ko ang diary ko habang ang mga kamay ko ay nanginginig.

"Besh," ang kabado kong pagtawag. Nang tumingin siya, tinuloy ko ang dapat kong sabihin, "'wag ka mao-offend sa mga sinulat ko dati, ha? Sorry talaga, beshy."

"Okay lang, besh." Ngumiti siya sa akin at tumingin na sa diary ko. Tapos, sinabi niyang, "dali na, besh, basahin na natin. Wee!"

Tiningnan ko na rin ang diary ko, at nakita ko ang date ng unang page ng month na 'yon.

July 1 (Friday)

Okay, calm down, Bianca, I thought to myself.

---

A Month in My DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon