July 5 (Tuesday)

17 2 0
                                    

---

S. H. U. T. U. P.

See that? See those six letters above? SHUT UP, 'di ba? That was what I want to say to Cara. Ang sarap sa pakiramdam kung sasabihin ko sa kanya ng harap-harapan, "Cara, shut up!"

She is my best friend, and yes, I am saying she should shut up.

Kanina kasi, may recitation sa Science. And because I confidently know everything about our topic, nag-recite ako ng napakahabang sentence. Tama naman 'yon kaya lang, hindi siguro nila naintindihan. Napahiya pa ako sa klase, dahil first time kong namali ngayong schoolyear, at ang pagkakamali ko ay misinterpreted pa. Tss.

Ito namang si Cara, in-explain sa akin ang tinatawag nilang tamang sagot. Tama naman ang sagot ko, at katulad lang ng sinasabi niya ang ni-recite ko. BUONG araw na siyang nagsasabi ng mga bagay na akala niya ay hindi ko alam. Pinamumukha pa niya na mali ako. Hindi na lang ako umiimik kaya hindi pa rin siya tumitigil.

Gustong-gusto ko na siyang i-burn sa mga oras na 'yon. Talino niya, e. Pareho lang naman kami.

Ang daldal niya tuloy. Dahil lang sa isang misinterpreted kong sagot, ipamumukha niya na sa akin na mali ako? So wrong...

Nawawalan tuloy ako ng ganang kausapin siya.

---

republished on December 15, 2017

A Month in My DiaryWhere stories live. Discover now