July 1 (Friday)

26 2 0
                                    

---

Tss. Ayaw ko talaga ng araw na 'to. Nakakabanas! Ayaw ko sanang magsulat dito ngayon, kasi puro kamalasan ang nangyari sa akin ngayon. So, 'yon na nga, PURO KAMALASAN!

Kaninang umaga, nagasgasan 'yong binti ko kasi tumatakbo ako. Hays. Male-late na kasi ako, tapos nadapa ako sa tapat ng gate ng university. Nakakahiya kaya! Buti na lang at nakakalakad pa ako.

Hindi na ako pumunta sa clinic. Of course, why should I? Ako si Bianca Gil, the second honor of Grade 9. Yes, respetado ako, kaya ayaw kong makita nila akong vulnerable. That's it.

Wala ang beshy ko. Dagdag kamalasan 'yon sa araw ko. Wala akong kausap! Ang boring. Absent kasi si Cara.

Literal na wala akong kausap, kasi siya lang naman ang close friend ko sa classroom. Ang seating arrangement kasi namin, alphabetical. So, katabi ko si Cara Guerrero (nasa aisle ako). At siya ang first honor.

AND DON'T SAY NA NANGONGOPYA AKO SA KANYA! I'm not like that.

Best friend ko siya, at hindi ko kakayanin na mangopya sa kanya. Oo, aaminin kong maldita ako, pero hindi ako mangongopya. Sadyang pareho lang kaming matalino.

Okay, back to topic!

Mga kamalasan ngayong araw:
•Nadapa ako sa tapat ng gate ng University
•Wala ang best friend kong si Cara
•(new) Muntik na akong mapasabak sa away.

Bakit nga ba ako muntik nang mang-away? Ganito kasi 'yan. May groupings kami, at lahat ng kagrupo ko ay makukulit at walang pakialam sa grades. Tss. Wala ring magko-comfort sa akin kasi absent si Cara.

So... good night na. Sana pumasok na si Cara bukas. Oh, wait! Saturday pala bukas. Well... whatever!

Bye, diary!

---

➡ Ako na po ang magso-sorry sa pagiging masungit ni Bianca. Sorry po talaga. 😂

---

republished on December 3, 2017

A Month in My DiaryWhere stories live. Discover now