Chapter 41: DateSaster

639 21 3
                                    

"So tell me, Drake are you and my daughter in a relationship?" Tanong ni mama habang naka- kunot ang kaniyang noo.

Gusto kong kontrahin muna si mama dahil yung itsura niya parang galit na ewan. Nakakatakot, this is my first time seeing her like this.

Pero imbis na gumawa ako ng paraan ay napatulala lamang ako dahil natatakot ako kay mama.

Paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili na, "Sofia dapat kase pinag- isipan mo muna ang mga bagay- bagau tulad nito bago ka nagpa- dalos dalos." Wika ko sa aking sarili.

"Answer me, just to clarify things hindi ako galit, I am just asking you guys a question kaya uulitin ko." Wika ni mama at huminga ng malalim.

At hinarap kaming dalawa, "So are you guys in a relationship right now?" Tanong sa amin ni mama.

Dapat sasagutin ko ito ngunit pinangunahan ako ni Drake at siya na ang nagsalita, sinabi niya kay mama lahat- lahat.

"Tita, opo, Sofia and I are in a relationship, and I would like to ask for you permission if we could be together?" Drake bravely said.

Ngumiti si mama at tumayo, "Okay narinig ko na ang dapat kong marinig pero before I agree, can I have a talk with Sofia?" Sabi ni mama at hindi muna sinagot ang tanong ni Drake.

"Opo tita take your time po." Wika ni Drake at nagbigay ng galang kay mama.

"Sofia halika, mag- usap tayo 'nak." Wika ni mama at tinawag ang pangala ko ng puno ng lambing.

"Mama, sorry po, sasabihin ko naman po dapat sa inyo pe- pero.... napangunahan po ako ng sarili ko, sorry mama, pero kahit anong gusto mo gagawin ko, kung hindi ka papayag sasabihin ko ng maayos kay Drake." Mabilisan kong sinabi kay mama.

Hinawakan ni mama ang braso ko ng dahan- dahang, sa galawan niyang ito ay naramdaman ko ang kaniyang alaga bigla.

"Wala pa akong sinasabi anak eh, pinapangunahan mo naman ako, pero let me ask you a thing okay at dapat sagutin mo ako ng totoo, maging tapat ka sa sarili mo." Wika ni mama.

"Ano po ba yung tanong ninyo ma?" Aking nasabi sa aking pagtataka.

"Gusto mo ba talaga si Drake kase Love is a big thing, maari kang masaktan pero kung totoo ang nararamdaman ninyo kahit masaktan kayo hindi ninyo ito mararamdaman, ang tangi nyo lang mararamdaman ay ang pagmamahal ng bawat isa." Tugon ni mama.

"Opo, gusto ko po si Drake, I think I love him, sa tingin ko mama hindi namin kayang saktan ang isa't isa kailan man." Aking sinabi na mula sa aking puso.

"Ang ayaw ko lang naman anak ay magawa mo ang pagkakamali ko dati, dahil pinili ko ang tatay mo, kung hindi sana ako nagpaka- manhid at binigay ko sa kaniya ang lahat sana buo parin tayo." Wika ni mama sa nakakalungkot niyang tono.

"Opo mama, naiintindihan ko kayo pero kilala ko po si Drake hinding- hindi niya ako kayang saktan." Aking kinumbinsi si mama.

"Tsaka everything has their purpose diba? Tsaka mama kung hindi kayo nagkakilala ni papa, edi wala kayong magandang anak tulad ko." Wika ko at nagbiro pa ng kaunti.

"Kung ganoon, wala na akong magagawa, if you two are really inlove wala na akong magagawa basta anak, Sofia tandaan mo, kung kailangan mo ng tulong ko naririto lamang ako."

Sabi ni mama at niyakap ako ng mahigpit.

"Salamat ma, salamat sa suporta." Aking pasasalamat kay mama habang yakap- yakap ko rin siya ng mahigpit.

The Dorm PrincessWhere stories live. Discover now