Chapter 23: Expressing How I Feel

1K 29 3
                                    

Ford's POV:

Nung nahila ko si Sofia ng medyo malakas ay nahulog siya sa mga kamay ko.

Hindi ko alam kung bakit nagawa ko iyon basta nagsisimula ko ng ituring si Sofia na isa sa mga taong importante sa akin.

Hindi ko nga alam kung ano ng nangyayari sa akin.

Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman kong may nakatinggin sa amin.

Lumingon ako at tignignan kung sino ito, laking gulat ko na ito pala ay ang aking kaibigang si Drake.

Siguro sa gulat ko'y binitawan ko nalang din si Sofia, at nag goodnight sa kaniya, sabay dalai dali akong umakyat sa taas.

Nung nasa kwarto na ako ay naramdaman kong wala sa akin ang cellphone ko.

"Shet, asaan yung phone ko?" Tanong ko sa aking sarili.

Then I traced my steps back ang I remembered na nasa may living room yung cellphone ko, matapos kong alalahanin kung nasaan ang phone ko ay pumunta na ako sa baba upang kuhanin ito.

When I was two steps closer to the living room ay bigla kong nakita sila Drake at Sofia sa sofa na naka higa.

Their position is awkward as it can get,

"Umm.... I i ii- I- I just umm... kukuhanin ko lang yung cellphone ko naiwan ko kase e." Wika ko habang nauutal ako.

Then the both of them looked at me as if they were seeing a ghost, nakita kong hiyang hiya si Sofia sa nakita ko.

Wala naman silang sinabing sagot kung di tinignan lang nila ako.

"Si- si- sige um... tataas na ako, good- ni- night." Dali dali akong umakyat muli at pagkasarado ko ng pinto ay nakadama ako ng.....

Pagka- selos?!

Nagseselos nga ba ako sa kanilang dalawa?!

Hindi ko na talaga alam kung anong nararamdaman ko at di ko dapat maramdaman.

Nung mga oras na yon ay naka- dadama ako ng galit, pagka muhi kay Drake in the sense na gusto kong ilayo sa kanya si Sofia.

Matagal ko ng nakasama si Sofia pero bakit ngayon ko lang naramdaman ito?

Nag- isip nalang ako ng plano para masolo ko si Sofia bukas.

Matapos kong pag- isipan ito ay natulog na ako ng masaya.

_________________________

Kinabukasan............

Tutal wala kaming pasok ngayon ay naisip kong yayain si Sofia na lumabas ng kaming dalawa lang.

Umagang umaga palang ay nag- ayos na ako at humarap sa salamin ko and then I practiced the things I'm gonna say to Sofia.

"Sofia, pede ba tayong lumabas?" Teka paran niyaya ko lang syang lumabas ng bahay.

"Sofia, I'll be treating you." Teka parang nang aamo naman ako ng bata.

"Sofia, labas tayo dalawa wala naman tayong pasok eh." Shet naman ayoko naman nyan parang ang simple.

Makatapos ang ilang minuto ay nakapag- practice na ako halos ng more than a hundred times.

Makalipas ang ilang minuto ay nakapag desisyon na ako kung anong sasabihin ko sa kanya.

Lumabas na ako ng kwarto at hinanap si Sofia pero ang nadatnan ko lang sa baba ay si Reign at si Vince.

Tinanong ko sila kung nasaan si Sofia, "Guys nasaan si Sofia?" Tanong ko.

The Dorm PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon