Chapter 1: Unexpected Meeting

4.4K 75 5
                                    

Sofia's POV:

Maaga akong gumising para makita at mayakap ko na agad si mama na matagal ko ng hindi nakikita sa oras na makarating na ako sa Maynila.

Excited na excited na akong makasama at makita si mama at isa pa doon gusto ko naring makarating sa manila, I hope everything goes well.

Habang nakasakay ako sa bus ay hindi matanggal ang ngiti sa aking mukha dahil talagang ang saya-saya ko, now that I am here at manila I feel that their are so many good things that are going to happen.

Sa tingin ko wala ng makakapigil sa akin.

Pagkababa ko galing sa bus I called my mom and told her na nasa manila na ako, sabi naman n'ya sa akin ay wala daw siya sa dorm ngayong mga oras na ito pero may mga tao naman doon kaya kahit medyo late narin akong pumunta doon ay okay lang daw.

Noong narinig kong sinabi yun ni mama, I became super happy kase may time pa akong maglibot sa manila.

"EEEERRRRRRHHHHH~~~" Tunong na nang gagaling sa tiyan ko.

Di ko na namalayang gutom na ako kaya naghanap ako kaagad ng makakainan,

nang nakahanap na ako ng magandang makakainan ay pumasok na ako sa loob at nag- order ng pagkain, while waiting for the food to be served I took my phone out and looked at some pictures of me and mama.

Napangiti nanaman ako sa oras na naisip kong totoo na talaga ang lahat ng ito na nandito na ako sa maynila, handang makita si mama.

Matapos kong kumain ay balak ko ng umalis nung napansin kong may natirang shake sa baso ko kaya nag- take out ako at ininom ko ito habang naglalakad ako sa daanan.

Grabe ang daming gwapong lalaki dito sa manila doon kase sa probinsya kakaunti lang, hayaan mo na first time ko lang kase dito sa manila, I mean what could possibly go wrong diba?

May isang matangkad na mala- anghel ang mukhang lalaki ang nakabangga sa akin, dahil dito ay di ko naman sinasadyang matapunan siya ng inumin ko na galing sa kinainan ko kanina kaya humingi ako agad ng patawad.

"Sorry po, sorry po." Aking paghingi ng tawad sa kaniya, sagot naman ng lalaki,

"Ayyyyy..... ano ba naman tohhh hoy tumingin ka nga sa dinadaanan mo, look at what you've done you spilled your drink on my clothes." Sabi ni kuya.

Pinilit ko paring humingi ng pasensya kay kuya, "Kuya sorry po, tumitinggin naman ako sa dinadaanan ko ehhh.. kayo l- lang na- naman ang di natinggin sa dinadaanan n'yo ehhhh." Parang nagalit yung lalaki kaya may sinabi syang di ko inaasahang masasabi nya sa akin, "Te-teka lang... anong sinabi mo? Tsaka di ko naman tohhh kasalanan ehhh nanahimik akong nagse- cellphone dito and yet you spilled your drink on me, grabe ka, babaeng lampa may gana ka pang sisihin ako?!" Wika ng lalaking nakabangga ko.

Nainis ako sa sinabi ni kuya, I mean yes may nagawa akong mali pero who's he to say things like that to me? Umalis nalang pero di parin sya tumitigil sa kakadada at sigaw ng sigaw,

"Hoyy di ko nakuha pangalan mo para kapag nasira ang phone ko dahil sa lintik mong inumin ikaw ang mag- babayad, hoyyyy bumalik ka dito."

Akala nya kung sino sya di naman sya ganong ka- gwapuhan, grabe nakaka- inis talaga, ano bayan akala ko maganda ang kalalabasan ng araw na ito.

Kinalimutan ko na lang kung anong nangyari kanina at naghanap ng masasakyan kaya sinubukan kong maghanap ng taxi.

Nakahanap na ako ng taxi pero ang akala kong taxi lang may dala rin palang sakit ng ulo.

The Dorm PrincessWhere stories live. Discover now