Untold Chapter 10

Start from the beginning
                                    

Kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang panga mula sa gilid ng aking mata.

"Bakit?" Seryoso niyang tanong.

Sumulyap ako sa kanya na parang nagtatanong. Parte pa rin ito ng acting ko.

"Bakit hindi? Hindi ba't ganoon naman ang ayos mo palagi?" Tanong ko.

Dapat ay ayos lang sa kanya. Hindi naman bago sa kanya ang ayos na iyon. Hindi naman talaga siya nagsusuot ng damit. Bakit nagpupumiglas siya ngayon?

Kinagat niya ang kanyang labi. "Sige."

May umalpas na ngisi mula sa aking mga labi nang umalis siya upang tumungo sa kwarto. Matibay yata ang resistensya niya ngayon laban sa tukso, ah? Kailangan ko pa yatang pagbutihin ang pang-aakit.

Maya-maya ay narinig ko ang langitngit ng pinto. Mukhang nakalabas na si Tripp. Hindi ko siya tinapunan ng tingin kahit na ramdam na ramdam ko ang malaswang paninitig niya sa akin.

Nagpanggap akong naiirita dahil walang mapiling matinong station upang makapanood.

"Wala ka bang cable?" Tanong ko.

Nilingon ko siya at doon ko na nakita ang kabuuhan niya. Hindi nga siya nagsuot ng pantaas. Tapos ay naka-gray na boxer shorts lang siya. Napansin kong sobrang iksi rin niyon.

Napataas ako ng kilay. Nang-aakit ka, Tripp?

"Mayroon iyan," aniya.

Nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob na tabihan ako. Pinakalma ko ang aking naghuhuramentadong sistema. Napansin niya na kaya ang ginagawa ko?

Ganoon pa man ay hindi pa rin nagtatama ang mga balat namin. Para siyang napapaso kung makaiwas. May distansya pa rin ang pagitan namin.

"Walang mapanood." Pinatulis ko ang aking nguso.

Napatitig si Tripp doon bago siya sumulyap sa akin.

"Movie house tayo?" Sincere niyang pahayag.

Umusog ako palapit sa kanya. Ipinatong ko ang isang palad ko sa hita niya.

"Ikaw bahala," sabi ko.

Huminga siya nang malalim. Para siyang nahihirapan.

"Ano bang gusto mong panoorin?" Tanong niya.

"Ngayon?" Tanong ko.

Tumango siya.

Dumukwang ako at bumulong sa tainga niya. "Fifty Shades of Grey."

Napatalon siya at mabilis na lumayo sa akin. Nasa pinakagilid na siya ng sofa.

Kumunot ang noo ko. "Pinandidirian mo ba ako?"

"Hindi," frustrated niyang sagot.

I narrowed my eyes. "Sigurado ka?" Alam kong inaasar ko lang naman siya.

"Oo! At ano bang ginagawa mo? Dikit ka nang dikit sa akin! You're still mad at me! At... ayaw kong isipin mong pinapatulan ko ang pang-aakit mo para lang mapatawad mo ako!" Pumula ang pisngi niya. "Ayaw na ayaw mo sa mga haplos ko tuwing masama ang loob mo dahil sa tingin mo ay sinasamantala ko iyon."

Napakagat ako ng labi.

"Ano? Kung galit ka... dumidistansya ako... Pero sinabi ko na iyong rason ko sayo kanina, hindi ba? Hinihintay ko lang naman ang pagpapatawad mo bago ko patulan ang..." Sinuyod niya ng tingin ang katawan ko. "Fuck this.."

"Hindi naman ako galit," sabi ko.

Natigilan siya at napatitig sa aking mga mata. Hinahagilap niya ang kasinungalingan doon.

Nevermore [Published]Where stories live. Discover now