Unrequited II Six

485 3 0
                                    


Unrequited #6

Replacement

Halos bakante pa ang resto bar. Alas sais palang naman ng gabi, mamaya pa siguro dadami ang papunta rito. Panghawaiian theme ang interior design nito, may mga palm trees sa paligid. Open space, yung parang nasa isang malaking cottage lang. Tsaka mga batong pinagtabi-tabi sa buhangin ang nagsilbing sahig ng resto. Kawayan ang mga haligi na varnished, may see through curtains naman na nakapagilid, tinalian ng mga plastic gumamela.

Malaki ang resto, may mga waiters na naglilinis ng mga mesa, may iba naman ay nagseserve palang. Naghahanap pa ng puwesto si Paul kung saan kami uupo.

"Bawal manigarilyo." Bulong sakin ni Paul, sumama ang tingin ko sa kanya.

"Hindi ako ganoon." I never smoked in my life.

"Alam ko." Paul smiled sheepishly. Umirap lang ako sa kanya at sumunod parin sa kanya.

"Tara sa dulo." Hinatak ako ni Paul papunta sa sulok ng resto. Nakaipit parin ang kamay ko sa braso niya.

"Good evening, Sir, table for two ba?" tanong ng waiter nang lumapit ito sa kanila. Nakafloral shirt ito at khaki shorts with islander slippers. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Yes please." Ani Paul.

"Dito po tayo." Iginiya kami ng waiter.

Dinala niya kami sa dulo nga, sa sulok ng resto bar. Tanaw parin naman mula sa reception at malapit sa direksyon ng dagat. Pagkaupo namin ay nakita kong may mababang cliff at naroon ang isang puting light house.

"I'm Jon, I'm your waiter, Sir and Ma'am. O-order na po ba kayo?" Rinig kong tanong ng waiter. Hindi parin maalis ang tingin ko sa light house, pwede kayang gumala malapit roon?

Kulay puti ang mga pader nito at de salamin ang mga bintana ng lighthouse. Mukhang may malaking salamin pa sa loob o kung ano, hindi ko maklaro dahil sa distansya. Ang ganda sigurong panoorin noon kapag gabi at nagliliwanag.

"Blaire, gusto mo na bang kumain?" Dinig ko si Paul. Nilinga ko siya at natagpuan ang tingin ng waiter at ni Paul sakin.

Narealize kong nandito nga naman kami para kumain nang makitang nakahawak na si Paul ng isang menu. Tumango ako at binigyan ako ng waiter ng isa pang menu.

"Babalikan ko nalang po kayo, Sir kapag nakapili na kayo."

"Sige, salamat." Ani Paul at nginitian ang waiter.

"Pagkatapos ba kumain, uuwi na tayo?" tanong ko kay Paul pagkaalis ng waiter.

I'm thinking of going to that lighthouse, kahit picturan ko lang 'yon. Hindi naman kasi madalas akong makakita ng resort na may light house. Siguro kung tutuusin, social ang resort na ito, dahil may light house, may mga personal boats or ships ang mga dumadayo rito.

Kumunot ang noo ni Paul sakin. "Nagmamadali ka?"

Marahan akong umiling. "Umiilaw ba ang light house rito? Nakita ko kasi medyo malapit lang sa'tin."

"Lighthouse?"

"There." Tinuro ko sa kanyang likuran dahil andoon naman ang light house. "It's almost rare, right?"

"Ahh, ilang beses ko nang nakita yan." Saglit na tiningnan ni Paul iyon at binalik ang tingin sakin. "Mas maganda kapag gabi. Gusto mong makita?"

Natuwa ako sa tanong niya. "Stay tayo?"

"Mga ilang oras lang. Hindi ako nakapagdala ng gamit." Nag-iwas ng tingin sakin si Paul. Tinitigan ko siya at hindi sinagot.

"Para saan yan?" Tanong ko sa kanya. "Maliligo ba tayo?"

Unrequited II ROUTE BWhere stories live. Discover now