Unrequited II Eighteen

78 2 0
                                    


Unrequited #18

Good bye

Hindi na ulit ako nakatulog pag-alis ni Ma'am. It was almost a close call for Urchella and Paul's... activity... Kung hindi ba ako gumalaw para maglinis sa reclining chair, ano kaya ang iisipin ni Ma'am kapag nadatnan iyon?

Masyado rin akong dilat para pumikit at humiga sa kama. Lumabas ako sa villa at naupo sa buhanginan. Malalim na ang gabi, tanging ang ilaw lang ng porch sa villa ang nagbibigay ng liwanag hanggang sa harap ng dagat.

Nanayo ang mga balahibo ko mula sa lamig ng simoy ng hangin. The soft breeze of the wind made it calming. Kalmado rin ang itim na dagat, at ang paghampas nito sa buhanginan. Ang mapayapang dalampasigan ay nagdulot rin ng payapa sa isip at puso ko.

As I settled on the sand, mas malinaw akong nakapag-isip, nakapagnilay-nilay sa mga kaganapan dito sa e-camp. Excited ako nang pumunta kami rito dahil madalang rin naman akong nakakalabas ng apartment, o sa bahay ng tiyuhin ko. I also enjoyed a few activities and interactions... some of them I regretted having and not having to experience.

May kaunting pagsisisi ako tungkol sa nangyari kaninang umaga na hindi na ako nakapagpatuloy na suportahan ang team ko. At ngayon, nagsisisi rin ako kung bakit di nalang ako dumalo sa last night celebration ng e-camp. Soft thuds and rhythms can be heard from the distance, from the party. The dinner had to commence early, para narin daw mapakain ang mga bisita namin, ang mga taga LGU at ang mga mangingisda at iilang civilians.

There's a bit of regret that I kept on rejecting Jared. Hindi rin kasi ako sigurado kung ano ang intensyon niya. At hindi rin pwede na basta-basta nalang akong nakikipaghalubilo kay Jared. Now that he is single, most eyes will be on him. And I don't want to be seen within their sights.

I breathe in the sea breeze and exhaled all my negative thoughts out.

Matatapos na bukas ang e-camp. Uuwi kami bukas makalawa. Hopefully, my body will recover so I could still tour around the resort, or not... Gusto ko sana na magkasama kami ni Urchella habang namamasyal. Pero nandiyan si Paul, laging nakabuntot sa kanya. At natatakot rin ako sa grupo nina Lorraine at Polaris.

Konting tiis narin nalang naman at matatapos na ang school year, isa at kalahating buwan nalang... magmamartsa na kami sa katapusan ng high school. I'll be free from all this pain then, I'll be free! Kahit hindi ko pa alam kung ano ang kukunin kong kurso, ang konseptong tapos na ako sa high school ay nagbibigay na sakin ng ginhawa.

Nahinto ako sa pag-iisip nang may malamig na bagay ang pumatong sa ulo ko. Napaangat ang tingin ko kung saan ito nanggagaling.

Nakita kong idiniin pala ni Jared ang isang cold canned beer sa bunbunan ko atsaka ibinigay sakin nang lingunin ko siya. Napasinghap ako at tinanggap ang beer.

I watch him sit beside me. Bakit siya nandito?

I was too stunned at his presence to say something to him. Ramdam ko ang awang ng bibig ko at ang mapagtanong kong mga mata sa kanya. Naupo siya sa tabi ko, binuksan ang kanyang inumin at pinanood ang dagat.

"The party's not yet over." Tahimik niyang sinabi.

I watch his face under the soft light. Hindi ko makita ng klaro ang mukha niya, kaya nanatili akong nakikinig sa kanya. "Hindi ka na nakatulog?" tanong niya sakin.

Napasinghap ako nang matantong tinititigan ko lang siya. Umiling ako at napaiwas ng tingin habang kinakabahan ng marahan. "Nagising ako at... binisita rin ako."

"Sinong bisita?"

"Si Urchella... at Paul. Si Ma'am rin." Napalunok ako pagkatapos mabanggit sila.

There was a pause before his response. "I see." Tahimik niyang tugon.

Unrequited II ROUTE BWhere stories live. Discover now