Unrequited II Twelve

73 1 0
                                    

Unrequited #12

Dismay


"Nung nalaman ko na gustong ipares ni Kit si Delianne sa ball, I had this idea that maybe I need to find a partner within the group too." Ani Urchella, pabulong na kinukuwento sa akin kung bakit naging kapartner niya si Paul sa ball.

I realized now that the ball didn't really serve its 'magical purpose'. It was supposed to give you a possibility to meet your fated one. Pero sa nangyari'ng ganito na mukhang ipinilit talaga ng iba na maging kapartner kung sino ang gusto nila, nawalan narin ng saysay ang buong konsepto ng 'paper hearts'.

"Didn't it complicate things? Like diba hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay gusto rin ng partner nila yung pinilit na maging partner sila? Those people like someone else too and if they could afford a pair then they'd push for it." I wondered. They could have a checklist to say people are already taken.

"They're up to 2 matches. Kapag naubos na siya sa dalawa, hindi na namin siya imamatch sa karagdagan pa. Sapat naman ang oras para sa ball para makasayaw ka rin sa iba." Ani Urchella.

Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin sa kaibigan ko. She has thought this out thoroughly. "Tiba-tiba siguro kayo?" tanong ko.

Natawa si Urchella at tahimik na tumango. "We're going to build the path walks with shed around the fucking school."

"Wow." Tanging nasabi ko.

Urchella's really into it then. Representative lang siya ng strand namin ngayon. But she sure can stand as a Governor next year. Kapag nasa kolehiyo na. Malayo ang maaabot niya dahil sa confidence at talino niya.

"What are you girls talking about?" tanong ni Paul sa tapat ni Urchella.

Masama ang tingin niya sa amin na akala mo'y siya naman ang pinag-uusapan namin. Maybe he caught his name along the conversation. Umiling lang ako habang si Urchella ay kinausap siya.

It's our first time eating with their group. Medyo malayo rin ito sa school kaya halos kami lang rin ang nandito na mga estudyante. The guys suggested we eat here, and based on the server's interaction with them, mukhang lagi na silang kumakain rito.

"Panghimagas." Ani Erryk nang niserve sa amin isa-isa ang maliit na bote ng san mig light.

Nagtawanan ang mga lalaki at inabala na ang kanilang mga sarili para buksan ito. Napatingin lang ako sa akin, nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba o hindi, ganoon rin si Delianne sa tabi ni Urchella.

"Bro, bitin 'to." Ani Arryn, napatingin ako sa tapat at nakitang, wala nang laman ang kanya.

Nalaglag ang panga ko.

"Ba't di nalang tayo pumunta kila Jared? After party?" suhestiyon ni Erryk.

I watch Jared beside Arryn, drinking his bottle casually. Nakangiti siya at pinagtaasan ng kilay si Erryk. His adam's apple moving while drinking. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

"Hindi pa naman nakauwi ang pamilya mo diba, Jared?" tanong ni Arryn. "Must be good to have the house ally by yourself almost all the time."

Hindi pa nakauwi ang pamilya niya? They had a trip or something? Which reminds me, nitong bago lang rin nakabalik sa school si Jared. Binuksan ni Urchella ang bote ko kaya ay napatingin ako sa kanya, bukas narin ito at nabawasan na.

Umiinom narin si Delianne nang mapatingin ako. Naalala ko tuloy ang tumbler niya. Maybe she's already drunk at this point... baka nga tipsy na siya kanina sa ball. Is she even allowed to get drunk? Nginitian niya lang ako nang mahagip ko ang tingin niya.

Unrequited II ROUTE BWhere stories live. Discover now