Unrequited II Seventeen

72 2 0
                                    

Unrequited #17

Villa

Jared left me in his villa. Hindi ko alam kung saan siya pupunta at tatawag ng masahista. Ayos lang rin naman ako kung hindi na sila mag-abala. But I really wanted to join the other activities with the team-building.

Nakatulog ako habang naghihintay kaya nang dumating ulit si Jared, saka ko lang nalaman na bandang tanghali na. Kasama niya na ang masahista at si Maam Chazel.

"Parang nasprain po dito." Tinuro ko sa babaeng masahista ang kaliwang hita ko kung saan sumakit ito kanina.

Hinihilot niya na roon kaya ay napatingin ako kay Jared. Nakapanood siya habang nakatayo sa likod ng masahista, nakakibit balikat. My stare didn't faze him. Tutok na tutok siya sa nakaexpose na balat ng thigh ko.

"May gamut po ba na pwede kong mainom ngayon? Para madali lang akong makabangon ulit..." tanong ko sa babae.

"Pwede naman po siguro rexidol." Tugon niya.

Napatingin ulit ako kay Jared. Tiningnan niya ako pabalik. We stared at each other for a minute, ngunit bigla akong kinabahan. Hindi nga lang ako nagsalita, pero sigurado naman akong narinig niya ang pinag-uusapan namin ng babae. Nang hindi siya kumibo ay naisip kong baka mayroon sila sa clinic.

Tumikhim si Maam Chazel sa tabi ko. "Ako na ang maghahanap niyan, Blaire. Samahan moa ko, Jared. Ikaw ang maghahatid pabalik."

Nahilot ako sa buong katawan at pagkatapos ay pinagpahinga lang ako. Saglit lang ang pahinga dahil kailangan naming pumunta sa restaurant para kumain sa dining hall. I think I'll be able to walk now, medyo umayos ang pakiramdam ko dahil sa masahe.

"Ako nalang kukuha ng pagkain mo." Ani Jared nang pumatak ang alas dose.

"Huwag na. Si Urchella nalang, may ipapadala rin sana ako." Tugon ko sa kanya.

Nilapitan niya ako habang nakaupo ako sa paanan ng kama. He lowered himself to my knees so that I could look at him. "If you need anything, I'm here. I'm taking care of you, and taking care of you means that I'm concerned of you."

Napalunok ako habang nag-iiwas ng tingin. Sa totoo lang, hindi ko ineexpect ang nangyayari. This is too good to be true. "I have Urchella. She's capable of taking care of me too."

"You think you can go back to your quarter now?" He smirked. "Lorraine is there. And also, her friends."

"Kaya nga, bakit mo ako dinala rito? You could have just left me injured there and let my friends and classmates take care of me." I don't need him taking care of me, because aside from prying eyes, I can also take care of myself.

"Friends? Sino, si Jiro?" natawa siya pagkatapos magtanong. "Si Dexter?"

Kilala niya ang dalawa? Hindi naman sila naging magkaklase sa Junior high.

"What's so funny about them?"

"I doubt they could carry you like I did. Tsaka alam na naman nila na kaibigan kita."

"I never acknowledged you as my friend, Jared." Seryoso kong tugon sa kanya.

Umawang ang bibig niya at mapaklang natawa. "Then what are we? Hindi pa ba sapat na tinutulungan kita ngayon para hindi mo ako tawaging kaibigan?"

"You think the doctors and nurses always make friends with their patients?" tanong ko pabalik sa kanya. "Hindi ka naman ganito, Jared. Kaya... sabihin mo nalang kung ano ang kailangan mo sa'kin."

Tumayo siya sa aking harapan, dinungaw ako at ikinulong ako sa gitna ng mga kamay niya. Nakapatong na ito sa mga gilid ko. I exhaled sharply and glared at his face that's near me.

Unrequited II ROUTE BOnde as histórias ganham vida. Descobre agora