Unrequited II Twenty-four

42 2 3
                                    

Unrequited #24

Lesson

Napasinghap ako't napadilat.

Kabado akong napatingin sa aking kaharap, ang kisame, at kinakapos ang hininga. Naninikip ang aking dibdib at nanghahapdi ang iba't ibang parte ng aking katawan. Ang unang gusto kong gawin ay ang maupo, nang sa ganoon ay makahinga ako ng maayos.

Ngunit pinigilan ako ng mga kamay. At sinabing hindi pa ako pwedeng maupo, at doon ko naramdaman ang panghihina ng katawan. Napabalik lang rin ako sa paghiga, habang hinihingal na para bang galing ako sa pagtakbo.

"I think she's awake now..." hindi pamilyar sakin ang boses.

Napatuon ang tingin ko sa kanyang direksyon. My vision is slightly blurry so I could not make out who is beside me. May ilan pa'ng tao ang kasama ko at may chinicheck sila sa gilid ko, at minsan ay sa akin.

Sa gilid ko ay may kinakausap siya ngunit hindi ko gaanong marinig ang kanyang sinasabi. I think I've gone partially deaf. Napatingin ako sa aking gilid at nakitang may monitor roon na ipinapakita ang pagtugma nito sa aking ritmo. Tumulin pa ito na siyang ikinataranta ko.

"Nasa'n ako?" untag ko, halos pabulong sa kawalan ng lakas. Napahawak ako sa aking lalamunan.

Anong nangyari sakin?

Napatingin ako sa kamay ko. At natanong may nakakabit nang yero at kinuwistyon ang rason nito.

Nasa ospital ako?

"Blaze." Tawag sakin ng pamilyar na boses.

Napatingin ako kay Tita. Dinaluhan niya ako sa tabi.

Napatayo siya at dinungaw ako. Her stoic expression and strict demeanor surprised me. Nanlaki ang mga mata ko sa realisasyon. She's the last person that I want to see right now.

Kailan lang siya dumating rito sa syudad? Tsaka ba't siya nandito? Nag-aalala kaya siya na hindi ko na sila tinatawagan o pinakiramdaman?

I could feel the dryness of my throat, and mouth. Worried, really?

Kumunot ang aking noo. "Tita?" narinig ko parin ang mahinang boses. Napatikhim ako ngunit sumakit ang lalamunan ko. "T-Tubig..." bulong ko.

Napapikit siya ng taimtim, tila nag-iisip sa gagawin. Nanatili siyang ganoon sa ilang segundo, at kalaunan ay may kinuha sa malayong tabi ko. Pinagmasdan ko siyang binuksan ang mineral bottle at nagbuhos sa baso. May natapon pa sa gilid ng kaonti.

Tinanggap ko ito, at agad uminom ngunit di ko rin naubos.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Blaze?" She comes a little bit off. Pansin kong tiim ang kanyang bagang. "May masakit ba?" untag niya sa kontroladong tono.

Tumango lang ako. Kinausap siya noong tao, narealize ko na baka doctor iyon base sa kanyang pananamit at tindig. Bumaling narin sa akin ang doctor at tinanong ako. Tumango ako at itinuro ang aking lalamunan... at mukha, at tiyan at balakang.

Hindi ako makagalaw dahil sa pansamantalang pagkakaparalisa ng mga bahaging iyon ng aking katawan.

The memories flashed back in my head as I felt these pains.

Hindi ko mabilang kung ilang beses akong sinampal ni Lorraine at Poela. Parang sariwa pa sakin ang nangyari kahit na tingin ko naman ay ilang oras na akong nandito sa ospital. Ramdam ko parin ang bawat paglapat ng mga pananakit at pananakot nila sakin.

Napatingin ako sa aking palapulsuhan na namaga at nagkulay violet.

Naalala ko rin ang uniform ko na sinira ni Lorraine. Ngunit ngayon ay nakaduster na ako ng galing sa ospital na damit. Napatingin ako sa aking hita, binti at balakang... wala na ang bahid ng ginawa ni Finn sa akin. Napabuntong hininga ako.

Unrequited II ROUTE BWhere stories live. Discover now