27

368 50 2
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2012 by chureitonct.

•••

17th Day of Agreement (Part 3)

N E I L

Agad naman kaming bumaba ni Gelo at tumabi kina Andrea. Gulat na gulat pa rin kami hanggang ngayon. Nagsibalikan lang kami sa katinuan nang sumigaw si Alex.

"Bakit kayo nambasa?!" Galit nitong tanong sa amin.

"Bakit masama ba? Si Emi nga binuhusan ng tubig, nagalit ba siya? Nagreklamo ba siya?" Matapang na sagot sa kanya ni Ella.

Mukhang hindi pinansin ni Alex yung sinabi ni Ella at sinamaan niya lang kami ng tingin. "Teka siguro si Aubrey lang ang target niyo noh?"

"Paano kung sasabihin naming oo!" Sigaw sa kanya ni Andrea.

Mahal ko, wrong move.

Tinaasan niya kami ng isang kilay. "Well, you have no right to do that to my girlfriend." Nanlaki ang mga mata namin kasi totoo ngang nagkabalikan na sila.

Napatingin kami kay Gelo nung tumawa ito ng malakas. "Ang galing mong magjoke, pare!"

Pinanliitan niya lang kami ng mata.

"Bakit ba ayaw niyong maniwala ha?" Sabi nung isang maarte—teka ano ba pangalan neto?

"Sino ba kayo?" Aba di ko sila kilala, epal lang sila dito eh.

"It's none of your business." WOW. Di lang pala maarte 'to masungit pa.

Inirapan ko nga.

"Yeah, it's true. Nagkabalikan na kami. I realized that mahal ko pa pala siya." What that hell, Alex?

"Eh anong ibig sabihin nung kay Emi?" Naiinis na tanong sa kanya ni Chris.

Good question, Chris. May kwenta pa pala 'to. Di kasi umiimik eh.

Natigilan naman siya pero ngumiti din siya agad pero halatang peke lang. "Si Emi? Wala akong pake sa kanya."

What the? So anong ibig sabihin nun?!

"So ibig sabihin ginamit mo lang siya?!" Galit kong tanong sa kanya.

"Yup, she's just only my rebound. Nothing more on that." GAGO!

Di ko na napigilan at sinapak ko siya. Pero di ko inaasahang sasapakin niya din ako pabalik.

Pinaghiwalay naman kami agad nina Chris, Gelo at Drake.

"Don't try to mess with me or to my girl." Dinuro pa niya ako bago niya niya padabog tinanggal ang paghawak sa kanya ni Drake.

Tsaka sila umalis. Nung makaalis sila. Meron kaming narinig na nabasag sa isang gilid.

Sino kaya yun? Guni guni ko lang ba yun? Oh meron talaga akong narinig?

Never mind that. Mas importante si Alex kasi he totally change real quick!

Malakas talaga ang impak nang isang picture. Ang immature niya!

Pero alam kong hindi lang rebound si Emi. Minahal niya ito ng totoo. Kitang kita ko sa mga efforts niya. Di siya magtitiis ng five years kung rebound lang niya si Emi.

Dapat hindi 'to malaman ni Emi kasi makakasama 'to sa kanya lalo na't malala na ang sakit niya.

Siguro may pinainom si Aubrey kay Emi noh? Hmmm.. Baka nga.




A N O N Y M O U S

Naglalakad lang ako papunta sa library may kukunin kasi ako dun eh.

Malapit na ako at liliko na lang pero napahinto ako kasi may narinig akong nagsisigawan.

"Yeah, it's true. Nagkabalikan na kami. I realized that mahal ko pa pala siya."

Nagkabalikan sino? Sumilip ako at nakita kong si Alex hawak yung kamay ni Aubrey at kausap sina Neil.

"Eh anong ibig sabihin nung kay Emi?" Napahinto naman dun si Alex at ngumiti?

"Si Emi? Wala akong pake sa kanya." WTAF.

"So ibig sabihin ginamit mo lang siya?!"

WTH. Kailangan malaman 'to ni Emi pero kailangan ko munang pakinggan lahat ng mangyayari.

"Yup, she's just only my rebound. Nothing more on that." At nakita ko na lang nasa lapag na si Alex dahil sa pagkakasuntok ni Neil.

Pero napahiga din si Neil sa lapag at dumugo ang labi nito dahil sa pagkalakas na suntok ni Alex. Pinigilan naman sila nung mga lalaki.

Wow! Ano 'to drama tapos action?

"Don't try to mess with me or to my girl." Dinuro pa niya si Neil bago niya niya padabog tinanggal ang paghawak sa kanya ni Drake.

At umalis na sila. Kailangan malaman 'to ni Emi! She deserves to know this!

Aalis na sana ako pero may nabangga akong halaman kaya. Ayun may kabasagan na nangyari. Nabasag yung pot.

At wala pa sa flash tumakbo na ako nang pagkabilis bilis. Bago pa ako mahuli.

Sasabihin ko 'to bukas ng umaga kay Emi. Kahit anong mangyari.

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon