"Sinong gustong magaya sa kaniya?" malademonyong tanong niya sa mga kalabang nanlalalaki ang mga mata na nakasaksi sa nangyari. Hanggang sa humampas nalang sa kanila ang katawan ng lalaki dahil inihagis ito ni Mr. Velmon sa kanilang direksyon at hindi pa man sila nakakabawi, agad na silang pinaulanan ng bala ng ginoo. "Nasaan si Laquian?" baling niya sa asawa at nagtaka siya nang makita niyang bumalatay sa mukha nito ang pag-aalala.

"H-hindi ko siya napansin, Laquise," sagot nito at inilibot ang tingin sa paligid. "P-paano kung sumunod siya doon sa dalawang bata?"

"Nakita kong sumunod ang dalawa pang batang Imperio sa anak natin at sa kaniyang kasintahan kaya kung nandoon man si Laquian, wala tayong dapat ipag-alala. Wala siyang magagawang masama sa kanila," pagbibigay lakas-loob ni Mr. Velmon.

Ang totoo ay parang nawalan sila ng tiwala sa kanilang anak na si Laquian nang malaman nilang ito ang may pakana ng pagkawala ni Ciel. Hindi nila gustong maramdaman 'yon pero kusa nilang nararamdaman. Ang tangi nilang magagawa ay bantayan si Laquian pero sa kasalukuyang sitwasyon, mahirap 'yong gawin kaya nagtitiwala nalang sila kay Nique pati na rin sa dalawa pang batang Imperio na tinutukoy ni Mr. Velmon; sina Leeam at Marrette.

"CAPTURE THEM!" nagngitngit sa galit si Mr. Imperio nang umalingawngaw sa arena ang boses na 'yon. Napatingin siya sa booth at nakita niyang nandoon ang Head ng 2nd rank families ng Black and White Division. Kasama rin nila doon ang maituturing na Head ng Tara Family, 1st rank ng Gray Division.

Mas tumindi ang kagustuhan niyang makapanakit ng tao't makapatay ngayong gabi kaya inilabas na niya ang kaniyang itim na punyal. Tumakbo siya papunta sa elevated platform at tumalon mula sa edge nito, ginamit niya 'yong momentum upang makapag-backflip at sinipa ang isang kalabang nasa harap niya. Pagkalapag ay agad niyang isinaksak ang itim na punyal sa nagtangkang lumapit sa kaniya. Pagkahugot ay inilipat niya ang talim nito papunta sa likod upang sumaksak sa kalabang nandoon.

Agad niyang hiniwa ang pulsuhan ng isang kalaban na tinutukan siya ng baril upang mabitiwan nito ang hawak na armas. Ininda nito ang ginawa ni Mr. Imperio dahilan para mapayuko ito sa kaniyang tuhod pero tumalsik siya pataas nang sipain siya sa mukha ng ginoo.

Nanlilisik ang mga matang sinugod niya ang Head ng 3rd family na kabilang sa itim na dibisyon. Bahagyang naka-squat ang kalaban dahil parang inaabangan din nito ang paglapit ni Mr. Imperio. Ginawa niyang tungtungan ang hita ng kalaban at sumampa sa balikat nito. Hindi pa man ito nakakagawa ng atake, agad niya na 'tong ginilitan sa leeg. Nang magsimulang mawalan ng balanse ang kalaban, tumalon na paalis ang ginoo at gumulong sa sahig upang mabawasan ang impact sa kaniyang binti. Tumigil siya nang nakaluhod ang kanang tuhod at mula doon ay pinadaan niya ang hawak na punyal sa binti ng mga kalabang nasa harap niya kaya bumagsak ang mga 'to sa sahig at walang awang itinarak niya sa noo ng mga 'to ang kaniyang patalim. Mas ginaganahan siyang lumaban kapag nakakakita ng matingkad na kulay ng dugo.

"Sisiguraduhin kong hindi matatapos ang gabing 'to nang hindi nagiging kulay dugo ang itim na kasuotan ko," may kakaibang kislap sa mga mata na bulong ng ginoo sa kaniyang sarili.

Mas tumindi naman ang lakas na inilalabas ni Mr. Velmon. Ilang kalaban na ang kaniyang napatay dahil sa malabakal niyang mga kamay. Bawat suntok ay bumabaon sa katawan ng kaniyang mapuntiryang kalaban. Nakaalalay naman sa kaniya si Mrs. Velmon na bihasa gumamit ng baril, siya ang umaasikaso sa mga kalabang malayo sa parte nila. Kung tutuusin ay nakaalalay rin siya kay Mrs. Imperio na mas gamay ang short range shooting.

Mahigpit na hinawakan ni Mr. Velmon ang isang nagtangkang gamitan siya ng baril. Ipinaikot niya ang braso nito papunta sa likod hanggang sa marinig niya ang tunog ng mga nababaling buto ng kalaban.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now