Chapter 13

3.5K 105 2
                                    

Chapter 13 – The Penta

Reeam (Nique)

Isang linggo na ang nagdaan magmula noong pumunta kami sa next level ng training ni Ciel. So far, she's really doing well. Bawat araw, iba't ibang klase ng weapon ang pinag-aaralan namin pero mas hinahasa ko pa rin siya sa paggamit ng baril. Dahil doon siya mas mae-expose, lalo na kapag nalaman na niya ang lahat.

Kasabay rin non ang pagkalimot ko sa galit na nakita ko sa mga mata niya nang balakin niya akong barilin.

"Dude, are you listening?" parang bumalik naman ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Marrette. Pero hindi ko ipinahalatang nagulat ako.

"Yeah, of course," casual na sagot ko. Tinitigan niya muna ako saka nagpatuloy sa pagpapaliwanag ng gagawin naming pagsugod sa kuta ng Seyer.

Hindi pwedeng basta ko na lamang kalimutan ang ginawa nila kay Ciel. Hindi ako 'yong tipo ng tao na madaling makalimot lalo na kung patungkol 'yon sa mga taong malalapit sa akin.

"Gaya ng sinasabi ko, isa lang ang lagusan sa kuta nila. 'Yon ay ang mismong tarangkahan sa harap. Pagbukas nito, isang katamtaman sa lawak na grounds ang bubungad tapos may hindi kalakihang building sa dulo," itinuro niya ang mga detalyeng sinasabi niya sa mapang nasa harap namin. "Sa building na 'yon, may dalawang pinto. Hindi ko nakuhanan ng detalye ang loob non, pero sa palagay ko, isa roon ang opisina ng leader nila," tumigil siya saglit na parang may iniisip. "Hindi ko nga pala tantya kung ilang tao ang sasalubong sa atin doon. Basta may dalawang nagbabantay sa tarangkahan, and the rest wala na akong ideya,"

"It will not reach a hundred," kampanteng sabi ni Leeam.

"Umaga ngayon, kaunti lang silang nandoon. Alam mo namang sa gabi buhay ang mga katulad nila," makahulugang sabat ko.

"Ayos na 'yan. Kahit naman hindi tayo magplano, mananalo pa rin tayong tatlo laban sa kanila, e," bored na sabi ni Leeam.

"She's right," pagsang-ayon ko naman.

"Fine, mag-ayos na kayo. Aayusin ko 'yong mga dadalhin," pagsuko ni Marrette.

Black fitted pants.
Low-cut Converse shoes.
Black tank top.
Black gloves.
Hair was tied into a high ponytail.
Black face mask.
And a pistol.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now