Chapter 8

4.9K 166 13
                                    

Chapter 8 – Her Childhood Sweetheart

Criza

Nagsasaya na lahat ng mga tao sa paligid namin samantalang kaming tatlo binabalot naman ng katahimikan. Nakaupo lang kami habang nakatingin sa mga estudyanteng sumasayaw sa dance floor.

Bukod sa ako ang nasa pagitan nilang dalawa, wala naman akong nararamdamang tensyon kaya alam kong wala pa akong dapat ipag-alala.

Wala 'pa'.

"Ako na ang kukuha ng pagkain natin," nakangiting sabi ni Marrette sa akin at tumayo na papunta sa mahabang table sa gilid kung nasaan ang mga pagkain.

"Reeam, ayos ka lang?" tanong ko naman dito sa katabi ko na kanina pa walang kibo.

"Oo naman," saka ito tumingin sa akin.

"Bakit naka-poker face ka na ulit? Ngumiti ka naman," nakangiting biro ko dito.

"Maraming tao, Louise,"

"So?"

"My smile is for your eyes only. Ayaw ko na may ibang makakita nito bukod sa'yo. And believe me, nakangiti ako ngayon sa isip ko. Katabi ko ba naman ang pinakamagandang babaeng nakilala ko," walang emosyon nitong sabi at hindi ko maintindihan kung bakit mayroong parte sa puso ko ang naniwala at natuwa sa sinabi niya.

"Hindi ko alam na bolera ka pala?" biro ko sa kaniya.

"Huwag mo akong itulad kay Marrette," natawa ako dahil sa isinagot niya.

"Oo na po. Saglit, ha? Tutulungan ko si Marrette doon," paalam ko na tinanguan niya lang.

"Marrette,"

"Criza, bakit sumunod ka pa?"

"Gusto kong tumulong," nakangiting sagot ko saka pinasadahan ng tingin ang mga pagkaing nasa mahabang table. Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Marrette.

"Tikman mo," saka niya itinapat sa bibig ko ang isang finger food. Walang pag-aalinlangan ko naman 'tong tinanggap. "Ano? Masarap ba?"

"Oo," saka ako kumuha pa ng isa.

"Ako ang nag-suggest niyan, e," natatawang kwento niya.

"Talaga?"

"Yes. Actually, halos ako lang ang nag-decide pagdating sa pagkain para dito. Hinayaan na ako ni Reeam dahil siya naman ang nag-asikaso nitong venue,"

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ